"Pabago-bago ng lugar"

129 3 0
                                    



Meron akong panaginip na lagi kong napapaniginipan since nung bata pa ko. Paulit-ulit na lang ito at hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Pero nung lumipat kami sa ibang bansa at ngayong lumaki na ko hindi na tulad ng dati na mga 3 beses sa isang linggo. Ngayon mga isa, dalawa o tatlong beses na lang sa isang buwan. So eto na.

Nakatayo ako sa isang lugar kung saan gabi na, Nakatayo ako, Hindi gumagalaw at sa harap ko may dalawang itim na parang anino. At hindi naman pigurang pan tao. At may malaking ilaw sa taas namin pero madilim ang paligid at yung sinag ng ilaw, Kaming tatlo lang ang naiilawan. Nasa may duyan yung dalawang anino. At nag duduyan sila, pero parang tumatawa ang mga ito. Pag dumuduyan sila papunta sakin lumalaki yung dalawang anino, Pero pag dumuduyan sila papalayo, Lumiliit naman sila. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pero pinapanuod ko lang yung dalawang paulit-ulit na dumuduyan sa harapan ko, Ramdam kong takot na takot ako. Mga ilang minuto rin na ganun. Tapos bigla na lang mag iiba yung panaginip ko, Parang time travel ba. Nasa sementeryo na ako pero tanghaling tapat yun, Malakas ang sikat ng araw tapos hinahabol kami, OO kami pero hindi ko kilala kung ano or sino yung mga humahabol samin, basta ang pakiramdam ko marami sila. Maski yung mga kasama kong tumatakbo hindi ko kilala pero parang kilala ko naman sila, Kahit paulit-ulit pa ang aking panaginip hindi ko pa rin makita mga mukha nila kasi parang blurry ang mga itsura nila. Habang tumatakbo kami, Pumasok kami sa isang bahay nung isa kong kasama, At yung ibang kasama namin hindi ko alam kung nasan na. Nakakatakot yung bahay at madilim pa sa loob tapos bigla kaming nagtagong dalawa sa may likod ng upuang malaki. Sabi nung kasama ko, Wag raw ako gumawa ng ingay kasi kapag narinig kami ng humahabol samin, Patay na raw kami pareho. Tapos bigla niya kong tinapik sa balikat at bigla nanamang nag iba yung lugar kung nasan ako. Nasa may ilog kami, Sakay ng bangka, Mga 7-8 kaming naka sakay dun. Napakaganda nung lugar, Napapalibutan ng mga puno na medyo kulay orange or yellow yung mga dahon neto. Yung ibang dahon lumulutang sa ilog. At yung isang kasama naming lalake sa bangka bigla na lang tumalon sa tubig. At nakita ko may malaking buwaya sa tabi ng ilog pero hindi siya pinapansin nung buwaya. Basta patuloy lang ito sa pag-langoy at hinihila niya yung bangka namin. Hanggang makarating kami sa may isang malaking palasyo. Hindi ako sure kung palasyo nga ito o simbahan. Pag kaapak ko sa lugar na yun, Hindi ko alam pero parang bumalik ako sa sina-unang pahanon. At nag-lakad na lakad na lang ako sa buong lugar. Yung mga damit nung nakikita kong tao parang sa mga lumang tao talaga. Mga naka baro't saya pero alam kong mayayaman yung mga tao doon kasi nakasuot sila ng mga mamahaling alahas at mukha silang elegante talga. At parang meron silang pag titipon. Sa panaginip kong yun, Nakikita ko sila pero ako hindi nila ko nakikita. Masaya lang akong pina panuod sila habang nag sasaya at nag kekwentuhan. At sa aking pag lalakad, Nagulat na lang ako at biglang kinabahan, Nang makita ko ang aking sarili na nakadamit kagaya nila, Pinapanuod ko ang aking sarili na nakikipag usap rin sa mga hindi ko kilalang tao. Pero yung sarili kong pinapanuod ko, Parang kilalang kilala yung mga taong kausap niya. At sa laking gulat ko, Makikita ko na lang yung sarili ko na titingin sakin, Sabay ngingiti at ako naman kinakabahan sa tuwing nangyayare yun. Kasi ang akala ko, Hindi nila ko nakikita pero yung sarili ko sa lugar na yun parang alam na nanunuod ako sakanila. Tapos lalapit na lang siya sakin at hahawakan yung braso ko at magigising na lang ako after nun. May mga panahon pero hindi naman palagi na pag-gising ko, Pag katapos ng panaginip na yun may itim na marka o pasa na lang sa may bandang kanang braso ko kung san hinahawakan nung sarili ko sa panaginip ko. May iba naman ako napapaniginipan pero, Ito yung laging paulit ulit nung bata pa ko.

Sana po may makapag explain kung anong pahiwatig ng paulit-ulit kong panaginip na ito kung connected ba yung pag iiba iba.

Mikazuki


Crdts t wnr

True Horror StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora