Chapter 26

797 18 0
                                    

Were not A, Were Meant to B

(O__O)

~Hereminah's POV

Ang saya ko talaga ngayong mga oras na to! 

Magkapatong ang mga ulo namin sa isa't isa habang nanonood ng fireworks..

"Pwede ko bang dagdagan yung nakasulat sa heart ni Yenah?"

Tanong ko kay Yeshua habang niyayakap ko si Yenah.

"Pwede naman :) ano bang idadagdag mo?"

"Forever" 

sabi ko habang nakaharap sa kanya ng nakangiti..

"Ang cute cute mo talaga!" Sabi niya habang kinukurot ang mga pisngi ko.

Ang saya namin ng mga oras na yun.

Hanggang sa nagpaalam na sakin si Yeshua dahil may pasok pa bukas.

Pero dahil gentleman nga siya hinatid niya muna ako sa bahay at nagpaalam sa mga kuya at kay mommy bago siya umuwi.

Kaway kaway sa isa't isa habang nagpapaalam...

"456" sigaw ni Yeshua ng makalayo na siya.

Bumulong naman ako ng "I love you" nung wala na siya sa paningin ko.

Pagkapasok ko sa bahay tumulong kagad ako kay mommy sa pagaayos ng mga pinagkainan..

"Mommy nagtataka lang po ko kung bakit tanggap ng mga kuya na may nanliligaw sakin. May kinalaman po ba kayo dito?" Tanong ko kay mami ng nakangiti.

Nginitian niya nalang din ako.. 

kilala ko si mommy pag ngumingiti ng ganto.

Sigurado siya nga ang may pakana ng mga ito..

"Salamat po mommy a! Eto na po ata ang pinakamasayang birthday ko :)" 

Niyakap ako ni mommy at binati niya ulit ako ng happy birthday..

Pinaakyat niya na din ako sa kwarto ko para matulog dahil may pasok pa nga bukas.

Pagkarating ko sa kwarto, tiningnan ko kagad ang Iphone ko.

May mesaage si Yeshua at Ariela.

si Ariela nagpasalamat dahil sa pagimbita ko sa kanya.

Eto namang si Yeshua.

Kwento ng kwento kung gaano siya kasaya na nakasama niya ako kanina.

Sabi niya pa, ang lambot lambot daw ng mga kamay ko LOL.

Sabi niya nga din parang protektadong protektado daw siya pag kasama niya ko.

hindi daw dahil sa mahilig ako manapak.

Kundi, dahil daw sa mga makamandag kong ngiti.

Ang sweet :") 

pero hindi lang yan,

may bilin din siya sakin as usual na..

magdasal muna daw bago ako matulog, 

magpagpag muna ng kama bago ako matulog,

At

maghugas muna ng paa bago ko matulog.

Nakakatawa kung iisipin kasi parang bata lang ako e no? Tapos paulit ulit niya pang sinasabi. Every night na siguro.

Pero naaappreciate ko talaga na kaya niya sinasabi yung mga yun dahil concerned lang talaga siya.

Pano nalang kung wala siya?

Were Not A, Were Meant to B (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang