😍Chapt. 06😍

41 0 0
                                    

Tiffany's POV

sa wakas!

"Tiffany?" Tawag ni carla.

"Po?" Pumunta ako sa lamesa nya at may binigay syang papel.

"Ang deadline ng papel na ito ay bukas. Tapusin mo na yan ngayon" said carla.

"Okay ma'm!" Pumunta na ako sa lamesa ko at tumingin sa monitor.

"Guys!" Sigaw ni sir mark. Napatingin kami sa kanya.

"Ano po iyon?" Tanong naming lahat.

"May meeting tayo tommorow. Tiffany?"

"Po?"

"Tapusin mo na yang ginagawa mo at ibigay mo sa akin pagkatapos." Sabay pasok sa opisina.

"Ang sungit!" Bulong ko.

Mark's POV

"May meeting tayo tommorow. Tiffany?" Tawag ko sa kanya habang nakatingin sya sa monitor.

"Po?" Tanong nya.

Shet!!! Ang ganda nya talaga!!! Saranghaeyo!! Tiffany---- lah! Anong nagyayare sa akin? Parang na-fall na ako sa kanya ah?

"Tapusin mo yang ginagawa mo at ibigay mo sa akin pagkatapos" sabi ko sabay pasok sa opisina.

Sinarado ko kaagad ang window at nilagay ang kamay ko sa ulo ko.

"Na-fall na yata ako sa kanya? Baka pinana ako ni cupid ah?" Tanong ko sa sarili ko.

Baliw na ako kay tiff. Hula ko.

...........…

Nung uwian na. Nakita ko si tiff na sumasakay sa kotse nya.

Pupuntahan ko sana kaso, umalis na.

Sumakay na ako sa kotse ko at sinundan ko sya.

'Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ako nagkakaganito kay tiffany. Kamukha lang nya yung kaibigan ko dati?' Sa isip ko.

Nung nag-stop light. Hindi ko na naabutan ang kotse nya. Kapag minamalas ka nga naman!

Tiffany's POV

"Ba't kaya ako sinusundan ni sir mark? Buti naka stop light" sabi ko sabay tingin sa sidemirror.

Nang nakauwi na ako. Pagod akong nakarating sa pintuan. Nakaka-stress kaya!

"Oh anak. Napagod ka yata sa trabaho ah?" Tanong ni mama. Nanonood kasi si mama tapos tumingin sa akin.

"Oo nga po eh!" Sabay akyat.

"Ate!" Tumingin ako kay jenny na lumabas sa silid nya.

"Bakit?" Tanong ko

''Punta ka sa terrace. Nakita ko sa bintana ko na may naka-abang na lalake dun!" Sabay kurot sa bewang ko. Aray! -_-

Tumingin ako sa terrace at nakita si sir mark. Bumaba agad ako at lumabas.

"Sir! Bakit nandito po kayu? Gabi na po!" Sabi ko.

"Tinitignan ko lang kung nakauwi ka ng maayos sa inyo" sabi ni sir mark.

"Bakit nyo po ako sinusundan kanina?" Tanong ko.

"S-sasabihin k-ko lang sana na. Ipaalam na bukas ang deadline" napatingin sya sa bahay namin. "Parang pamilyar tong bahay toh?" Sabay kamot ulo.

Naalala na nya?

"Ano po ba yung naalala nyo?" Tanong ko.

"Wala. Wala toh. Sige, uwi na ako. Baka, paghanap pa ako ng mommy ko" sabi nya.

"Okay po."

Sumakay na si sir mark sa sasakyan nya, pero, binuksan nya ang bintana ng nasa driver seat at tumingin sa akin.

"Wa'g mo na akong tawaging sir mark kapag, tayong dalawa lang ang nag-uusap" sabi ni sir--- ay este! mark

Kumaway ako at pumasok na sa bahay.

"Anu yun teh! Ang haba naman nang hair mo! Natatapakan ko na nga!" Sabi ni jenny.

"Ikaw talaga!" Sabay umakyat.

Nung naka-pasok na ako sa kwarto ko. Kinilig ako! Pinagtatapon ko ang mga unan sa kama ko at niyakap ang unan kong hotdog

"Wah!!!!" Tili ko

Mark's POV

Pagkapasok ko sa mansion. Yumuko ang mga guards and men in black. Biglang dumating si yaya .

"Sir mark. May bisita po kayu?" Sabi ni yaya.

"Sige. Ilagay mo na lang yung bag ko at gamit ko sa room ko" sabay bigay. Yumuko si yaya at pumasok ng mansion.

Pumasok na ako at nakita ko na may nakaupo sa sofa.

"Pwede ba kitang makausap?"

"Christina?"

Pretty WomanWhere stories live. Discover now