Highest Ranks
#1 Kenji #15 Rebirth #9 Wish #4 Soon
#1 Shesdatingthegangster #3 Kathquen
#1 Sgwannab #1 FaithInGod #1 Secondtime
"Athena, I love you... This much,"
Ilang taon na nga ba ang lumipas mula ng matuldukan ang kanilang malagim na kuwento ng...
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
ᴋᴇɴᴊɪ'ꜱ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏꜰ ᴠɪᴇᴡ
Ҡҽղʝì...
Huh?
Ҡҽղʝì...
Bakit?
Sobrang liwanag. Nakakabulag, nakakasilaw. Agad kong ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko rin maramdaman ang aking mga kamay o maski ang aking mga paa. Hindi ko maramdaman ang aking buong katawan at tanging mga mata ko lamang ang aking nagagalaw.
Nasaan na ba ako? Ano bang nangyari?
Ҡҽղʝì...
Athena?
Sigurado ako. Pagmamay-ari ni Athena ang boses na iyon. Kabisado ko ang himig ng kanyang tinig sa tuwing sinasambit niya ang ngalan ko.
Napakatamis nito na tila ba binubudburan niya ng kulay kapeng asukal ang puso ko.
Nasa langit na kaya ako? Narito na ba sa tabi ko si Athena?