Regrets (One Shot)

6 0 0
                                    

Napangiti si Olivia ng mapatingin siya sa mga kapatid na kasama ang mga nobyo at nobya nila. Lima silang magkakapatid at pangatlo siya. Nagpaparty kasi ang panganay niyang kapatid na si Mark at para na rin i-celebrate daw ang pagpayag ng nobya niyang magpakasal sila ng kuya niya. Inilibot niya ang kanyang paningin at napasimangot siya ng makitang siya lang ang walang date.

'Ano to?! Couple Party?!'

Nababanas siyang umupo sa table na kung saan naroon ang mga kapatid niya.

"Oh? Bat ganyan ang mukha mo,Olivia?" Natatawang sabi ni Kiel. Sinamaan lang nito ng tingin ang kapatid. Tahimik lang itong kumakain nang biglang...

"Hey." Napintig ang tenga niya ng marinig ang boses na iyon. Ang boses na kapag naririnig niya ay maaalala lang niya lahat ng mga salitang tumarak sa damdamin niya. Napayuko na lamang ito at pinag patuloy ang pagkain.

"So ano pre? Do you have plans to settle down?" Tanong ng kapatid niyang si Mark. Mas lalo lang na yumuko si Olivia sa tanong ni Mark kay Ken. What if...

"Wala."

Wala....

Wala....

Wala....

"Mmnn. E sino yung pinakilala mo samin nung Nakaraang araw?" Doon na napatingin ang dalaga kay Ken na bahagyang nakatitig lang sakanya.

"A fling." Napangisi ang lalaki habang nakatingin lang kay Olivia.

"Bakit di ka man lang magseryoso pre?" Seryosong sabi ni Mark.
Mas lalong napangisi ang lalaki habang nakatitig parin kay Olivia.

"Mag seryoso? I don't think magagawa kong magseryoso lalo na at naranasan ko ng maloko. And besides mga pampalipas oras lang mga yun. "

"Sino ba yung sinasabi mong nangloko sayo kuya Ken?" Tanong naman ni Hope na kapatid na babae ni Olivia.

Pero bago pa makapagsalita si Ken ay tumayo na ang babae at nagpaalam...ngunit bago pa man siya umalis ay hindi siya nag alinlangang sabihin ang mga katagang...

"Palibhasa kasi bobo. Kung di ba naman tanga at sakanila pa naniwala. Ngayon anong napala? Wala kasing tiwala!" Dinuro pa niya ang lalaki..

"Alam mo Ikaw?! Aarrrgghhss!" Napasigaw nalang ang dalaga at umalis sa kinatatayuan niya narinig pa niya ang mga kapatid niya.

"Anyare doon?" Nagtataka pang sabi nila.

Nagsumiksik siya sa gilid ng kama niya at umiyak lang sa tabi...

Naalala na naman niya lahat....

Flashback
Olivia's

"Babe! Don't forget our dinner date later. I love you." Napangiti ako ng marinig ko ang mga katagang iyon... How lucky I am to have a boyfriend like him..

"I love you too, Ken..hihintayin kita mamayang gabi ha?" Ngumiti siya sakin para bigyan ng assurance at lumapit para halikan ang noo ko... Siya na yata ang pinaka maginoong nakilala ko..ni hindi siya nag take advantage para kung 'iyon' sakin..

Nang mag gagabi na ay naghanda na ako..kinuha ko ang pinaka simpleng dress ko at saka nag apply ng light make up..nang ready na ako ay agad akong lumabas at naghintay sa labas...

Lumipas ang mga oras ngunit wala akong makitang Ken na dumating..

Kahit nangangatog na ako sa lamig ay naghintay parin ako. Umupo ako sa semento at dumukdok....

'Asan ka na Ken?'

'Please.. Dumating ka ha?'

Hanggang sa maghating gabi ay naghintay ako pero walang Ken ang nagpakita. The pain I'm feeling right now is just the same when my Grandma died... Parang paulit ulit na tinutusok ang puso ko at nadudurog... Hanggang sa magmadaling araw..

I have decided to go on Ken's Place.. Pumunta ako sa kwarto niya and to my surprise.. A Girl and a Guy's kissing like there's no tomorrow while lying on bed..

Nanghihina ang mga paa ko at napakapit sa pinto.

'Hindi ko dapat ipakitang nasasaktan ako.'

"Wow. Haha. Nice. A live porn?😏".

Nagulat sila at napatigil sa ginagawa..

( PS:Ako nalang magkukwento😌.. Naiimagine ko kasing ako yan pag first point of view )

Tumayo ang babae at tumakbo palabas sa Condo ng Nobyo niya pero hindi na niya pinansin iyon..nakatitig siya kay Ken na walang emosyong nakatingin sa kanya.

"What are you doing here, slut?" nanghina siya sa sinabi nito. Ang sakit sa pakiramdam na yung taong mahal mo ang magsasabi sayo ng ganon. bumigat ang pakiramdam niya at nahirapang huminga. Pinigilan niyang humikbi.

"Pano mo nasasabi yan sakin? Ano bang ginawa ko sayo?"napatawa ang lalaki.

"Wag ka ng magmaang maangan dahil nakita ka mismo ng mga kaibigan kong nakikipaghalikan sa isang lalaki. Nirespeto kita bilang girlfriend ko! Pero ginagago mo na pala ako." hindi na napigilang mapaiyak ni Olivia sa sinabi nito. Never siyang nagloko dahil mahal niya ang binata pero bakit ganon siya hindi ba niya ito pinagkakatiwalaan?

"Wow ang babaw mo! Hindi mo ba ako tatanungin kung ginawa ko ba talaga yun ha? Wala ka bang tiwala sakin? tatanungin kita. Sa buong pagsasama ba natin lagi mo na akong pinagdududahan? Kasi ikaw na nga itong nakita kong may kahalikan sa ibabaw ng kama mo, ikaw pa ang may ganang sabihan ako ng slut."

End of flashback.

"OLIVIA? Kumain ka na para makainom ka na ng gamot mo. please alagaan mo naman sarili mo." tinignan niya ang kuya niya saka niya ito nginitian. "Kuya, wala na rin naman akong gagawin e. Nakakasawa na. Nakakapagod na. Bata palang ako nilalabanan ko na tong sakit na to. Ayoko na kuya. Ang sakit sakit na. Gusto ng makasama si lola." humihikbing sabi ng dalaga. Siguro kailangan na din nitong magpahinga.

"Ano bang pinagsasasabi mo?! Please naman wag mong takutin si kuya o." lumuhod ang kuya niya sa side ng kama niya saka hinawakan ang kamay niya. Muling tumayo ang kuya ng dalaga saka kinuha yung medicine kit ng kapatid. Nagulat siya ng Makitang wala na ni isang laman ang gamot nito. Paano nangyari yun e kakabili lang ng gamot niya last week?

"Olivia?! Saan mo dinala ang mga gamot mo ha?!" hindi nagsalita ang dalaga kaya hinawakan ito ng kapatid. Wala itong malay kaya binuhat niya ito pababa ng hagdan.

"Kuya Mark si Olivia!" nakita niyang kausap ng kuya niya ang kaibigan nitong si Ken. Tumakbo siya papunta sa kotse niya saka ito pinaharurot papunta sa hospital.

"BUTI nadala niyo agad ang pasyente dito. Nawalan na ng Oxygen ang utak niya at muntikan ng magdugo ito." madami pa ang sinabi ng doctor pero wala na siyang naintindihan ang alam niya lang ay may kinalaman ito sa sakit niya.

Hindi mapakali si Ken sa gilid habang nakamasid sa dating kasintahan kahit na niloko siya nito hindi pa rin niya magawang tanggalin ang pagmamahal sa dalaga natabunan ng galit at poot ang buong pagkatao niya dahil masakit na malamang yung babaeng mahal mo may ibang kinikita. Araw araw tinatanong niya si Mark kung ayos lang ba siya, araw araw hindi maalis sa isipan ng binata kung ano na nga bang nangyayari sa dalaga.

Dahil hindi makahinga si Ken ay lumabas muna siya sa hospital room. Pagkalabas nito ay hindi inaasahang nakabangga nito ang isa sa mga kaibigan na siyang nakakita sa dalaga noon.

"Ken kailangan kitang makausap." nagtaka ang binata kasi parang hindi ito mapakali.

"Yung nalaman mo noon. Hindi totoo yun. Gawa gawa lang ng barkada natin. Hindi totoong may kahalikan si Olivia. She's a nice person at ikaw dapat ang nakakaalam non pero---"
Nagpupuyos na kwinelyuhan ni ken ang binata.

"DAMN YOU! AFTER ALL THESE YEAR HINDI TOTOONG MAY LALAKI DI OLIVIA?! BAKIT ANO BANG NAGAWA KO SAINYO AT AKO ANG PINAGTRIPAN NIYO?! HINDI NIYO ALAM YUNG SAKIT NA NARAMDAMAN NIYA SA MGA SINABI KO AND THAT'S ALL BECAUSE OF YOU! "

Binitawan ni Ken ang binata at pumasok sa kwarto ni Olivia saka ito hinawakan sa kamay.

"Please forgive me. Forgive me babe."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Regrets (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon