Chapter 8: Paghahanda!

328 9 2
                                    

       "Kaming bahala sa'yo!"

      Nakaupo sa isang upuang yari sa bato sina Tyresse, Arielle, Lena at Viper. Kasalukuyan silang nasa park na ginawa para magsilbing libangan o pahingahan ng mga naninirahan sa subdibisyon.

      "Anong gagawin ninyo sa skul ninyo sa dis-oras ng gabi?" Madiing tanong ni Lena sa mga pamangkin.

      "Tita sabi po kasi ni Arielle may multo dun sa skul namin na nanghihingi nang tulong kaya pupuntahan po namin." Paliwanag ni Tyresse.

     "May mga Capso din po doon...," Singit ni Arielle sa kapatid.

      Matalim na tingin ang ipinukol ni Tyresse sa kapatid. "Puwedi naman po kayong sumama sa amin."

      Napahalukikip si Lena na napatayo sa tabi ng pamangking si Tyresse. Pakiramdam niya mahi-high blood siya sa sinabi ng pamangkin.

        "Resse, alam mo ba kung gaano kadelikado ang binabalak n'yo?" Pigil ang pagtaas ng tinig ni Lena.

       "Gusto ko lang naman na makatulong Tita...," Mahinang anas ni Tyresse.

       "Madalas bang magpakita sayo yung multo?" Tanong ni Viper kay Arielle.

       Nag-angat ng tingin si Arielle. "Hindi po pero nakakatakot po kasi ang itsura nya. Duguan po siya."

       Sinulyapan ni Viper si Lena. "Sa palagay ko namatay sa karahasan ang kaluluwang 'yon."

       "So ang ibig sabihin nito Viper dapat ngang pumunta ng mga pamangkin ko sa eskuwelahang iyon kahit na may mga nagkalat na Capso." Nandidilat ang mga matang sabi ni Lena.

       "Sasamahan ko sila Ate Lena." Diretsong tugon ni Viper.

       Napailing-iling si Lena. "Tama ba ang naririnig ko Viper, talagang sasang-ayunan mo pa ang kalokohan ng mga ito."

       "Tita pumayag ka na po, hindi naman po tayo magtatagal doon saka bukod kay Ate Viper kasama din si Pierre." Pangungulit ni Tyresse sa tiyahin.

       "At sino naman si Pierre?" Baling na tanong ni Lena sa pamangkin.

       "Kaklase ko po, meron din siyang powers kagaya po namin." Tugon ni Tyresse.

        Magkapanabay na natuon ang paningin nina Viper at Lena kay Tyresse.

        "Kaya niyang magpalabas ng apoy!"

        Agad na sinalubong ni Alyson ang asawang si Marco ng mahigpit na yakap ng makalabas na ito mula sa paliparan.

       "Thank God your okay!" Habang nakayakap sa asawa ay naibulalas ni Alyson.

       "Sorry kung napag-alala ko kayo ng mga bata...," Hinging paumanhin ni Marco sa asawa.

        Bumitiw mula sa pagkakayakap si Alyson ngunit nanatiling nakalambitin ang mga kamay sa leeg ng asawa. "Natakot ako ng sobra ng marinig ko ang sinabi mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling napasama ka doon."

       "Shhh! Marami pa akong dapat gawin para sa inyo ng mga anak ko." Tugon ni Marco at saka siniil ng halik ang asawa.

       Ilang saglit din tumagal ang halik ng mag-asawa. "I miss you so much darlin."

       "Halika na nga, hindi ko sinabi sa mga bata na darating ka ngayon. Siguradong masosorpresa sila." Yakag ni Alyson sa asawa.

       Magkapanabay na naglakad ang dalawa para tuluyang lumabas ng paliparan. Mula sa kalayuan ay may dalawang pares ng mga mata ang matiim na nagmamasid sa mag-asawa. Waring hindi nito nagustuhan ang pagbabalik ni Marco base sa naging ekpresyon nito. Ilang saglit pa ay naglaho ito humalo sa hangin ang katauhan nito.

The ChainsWhere stories live. Discover now