Kabanata VIII- Old Friend

441 16 16
                                    

Kabanata VIII- Old Friend

Hindi ko inaasahan na makikita ko muli si Elias. Isa sa mga kaibigan ko nung nasa kasagsagan ng Red Assassin title.

"Sshh." Tinakluban nya ang bibig ko. "They're still around."

Nakiramdam ako at may mga kaluskos pa nga akong nararamdaman. I look at him mas humaba ang buhok nito at naka black na hood may hand gear din sa kamay nito.

Tinulak ko sya ng makita ko na may lalaki sa likod nya at akmang sasaksakin. Tinulak ko agad ang nakabonnet at sinipa ng malakas.

May isa pang lumabas at wala kaming magawa kundi labanan ito. Marami sila kaya hinawakan ni Elias ang kamay ko at tumakbo ng  mabilis.

"Anong kailangan nila?!" Ani ko habang nasa kalagitnaan ng pagtakbo.

"I don't know."

Agad namin sila nailigaw mukhang di sila taga Emerald City hindi nila alam ang pasikot sikot dito.

Hinihingal kaming tumigil ni Elias. I look at him with happiness. Napatingin din sya sakin at niyakap ko sya ng mahigpit. "Thank God you're here." Naramdaman kong niyakap din nya ako pabalik.

"Paano mo ko nahanap?" Pagtataka ko.

Tumingin sya sa likod ko upang tignan kung may nakasunod. "Nalaman ko na nag aaral ka ulit sa school mo nagkataon naman na nakita ko may sumusunod sayo."

Tumungo ako. "Mas mabuti pa na sumama ka sa pinagtataguan ko baka makita pa nila ulit tayo."

Sumunod ako kung saan sya papunta. Madilim na rin ang paligid at nagsisimula ng magsara ang mga tindahan.

Nakita ko ang isang parang barong barong at nagtungo kami don. Hindi ko inaasahan na magtitiis si Elias sa ganitong kasikip na barong.

"Pasensya na. Magulo." Sabi nya habang inalis ang hoody jacket nya at tumingin sakin.

"Kamusta ka na? San ka nagpunta nung umalis ka sa Mortal Brigade." pagtataka ko habang lumapit sa kanya. Mas lumaki ang katawan nya dahil sa mga muscle nya.

Pinagmasdan ako nito ng kulay pilak nyang mata. "He never told you?"

Napakunot ako ng noo. " A-ano ibig mong sabihin?"

Tumalikod sya sakin at kumapit sa lamesa. "Nakita ako ni Vincent na tumatakas. Akala ko hahayaan nya ko pero sinumbong nya ako sa mga guards. Sinabihan nya ang mga ito na wag sasabihin sayo."

"Ba-bakit naman nya gagawin yon?" I stuttered.

"He thinks I like you. May pagkapossesive sya. He even tortured me." Nararamdaman ko ang galit nya sa pagkamao ng kamay nya. "Nakahanap ako ng butas makatakas ng tinulungan ako ni Dr. Preston."

"Dr. Preston?"

"He make me promise to help you. Kaya nya ko pinakawalan."

"Help me from what?"

Humarap na sya sakin. Ang bigat ng mga tingin nya. "From Vincent."

"Bakit naman? Hindi ko maintindihan." Litong lito na ko hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya.

"Hindi ko alam. Pero nung papatakas ako dati narinig ko naguusap sila Dr. Preston at Vincent.

Kumuha sya ng baso at nagsalin ng tubig. "Binabalaan ni Doc si Vincent sa sekretong tinago nito."

"Anong sekreto?"

Inabot nya sakin ang baso ng tubig. " I don't know. But what thing is for sure." he said cooly.

The Black Soul EmergingWhere stories live. Discover now