Chapter 14

765 41 2
                                    

Chapter 14: Moment with him

"I like you"

*dug*dug*

"A-ano?" kinabahan ako bigla, ito na naman yung puso ko, nag wawala na naman,Angel what happening to you?

"Joke lang haha, let's go" nag pahatak na ako, wait! joke? aba! akala ko kung ano na, joke lang pala.

"Teka, Teka saan mo ako dadalhin ha aber? kita mong nanonood ako—"

"Watch me play table tennis" natahimik ako, so he likes table tennis?

Pumunta kami sa isang court kung saan ay doon naka handa ang table na gagamitin para sa table tennis. Pinaupo niya ako sa gilid at nag simula na siyang mag laro, well, I can see that he really loves table tennis, wala eh, ang galing niya.

Nanatili lang akong nakaupo dito habang pinapanood siya, waahh!! Parang nag kokomersyal siya ng table tennis sa itsura niya.

Rumami na ang mga nanonood at pawang nagustuhan ang laban nila, hindi ko na tuloy siya makita dahil sa pag harang ng mga babae dito. Napabuntong hininga nalang ako.

"Angel may tubig ka ba diyan?" napatingin ako sa kumalabit sa akin at kusa akong natameme ng makita si Allen na nakatopless, ghad! abs niya yung nakikita ko, sinong may kape diyan? bigyan niyo naman ako oh, meron na kasi akong pandesal eh"uy Angel okay ka lang?"

"ah sorry haha" kinuha ko yung bottle ko at ibinigay sa kanya."here"

"Thanks" tinitigan ko lang siya habang iniinom yung tubig, parang nag slow mo yung paligid ko, yung pag inom niya kasi ay may kasama pang pag tulo ng pawis niya, ang hot, parang nag iinit ako, oops! double meaning.

"Angel"napatingin naman ako sa tumawag sa akin at gaya ng kanina ay natunganga rin ako, ghad! isa pa itong Zero na ito, hindi ba sila aware na hindi na ako mapakali dito dahil sa mga katawan nila.

"Here" kinuha ko naman yung bottle ko"Oh Zero!" makikipag fist bump sana si Allen pero tinitigan lang iyon ni Zero, psh! sungit talaga.

"Mauna na kami ng GIRLFRIEND ko ah" Zero said emphasizing the word 'girlfriend', ano bang nang yayari sa kanilang dalawa.

"Allen kita nalang tayo mamaya" tumango lang siya at ayun inakbayan na ako ni Zero

"You like my abs" napatingin ako sa kanya ng masama.

"no, payat mo kaya" tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko pero agad rin niyang ibinalik iyon at hinigpitan kaya parang nasasakal na ako"ack.. Zero! hindi ako makahinga" tumawa lang siya at niluwagan na niya, wait! did I heard him laughed? Wow! dati ngumiti siya tapos ngayon naman ay tumatawa na siya himala.

"Saranghae" napakunot ang noo ko, nag sign naman siya na may sumusunod sa aming reporter, ah kaya pala tumatawa siya, pakitang tao niya lang pala.

"Nado Saranghaeyo Yeobo EroEro" yack! gusto kong masuka dahil sa pinagsasabi ko, lumapit ako sa kanya at pinisil ang mag kabila niyang pisnge, napansin ko naman ang pamumula ng tenga niya, ang cute, kung actress lang sana ako edi napunta na sa akin ang titulong 'Best Actress of the year 2017', ang galing kong umakting eh."Kyeopta!"

"Haha aray ko naman Monmon" sinadya ko talaga ang pisilin ng sobra ang pisnge niya.

"Mianhae haha" lumayo na siya sa akin at may iniabot siyang bimpo"anong gagawin ko dito?"

"Pabo Minmin! Punasan mo yung pawis ko" sabi niya at umupo sa pinakamalapit na bench at syempre sumunod naman ako."bilisan mo"

"o-okay" ghad! kinakabahan na naman ako, yung likod niya kasi, dahan-dahan kong pinunasan yung likod niya, parang ang init talaga ng paligid, feeling ko namumula ako."T-tapos n-na" geez! nauutal ako.

"Thank you Minmin ko" sabi niya na may ngiti sa labi,naku kung ganyan ka palagi edi may pag asa pang magustuhan kita.

"Isuot mo na nga yang uniform mo" tumawa ulit siya at isinuot na yung T-shirt niya.

"Let's go"

"Saan naman?"

"Basta" hinila na niya ako.

Pumunta kami sa may likod ng college building hindi kalayuan mula sa high school building, sa likod nito ay puro kakahuyan na parang kagubatan.

"Papasok tayo diyan?" tumawa siya.

"Yeah" tapos lumapit siya sa akin at bumulong"Iwala natin yung reporter" napatango ako at ayun na nga, pinasok na namin yung gubat, dirediretso lang kami hanggang sa makarating kami sa isang malawak na lupain, kung saan ay puro halaman na namumulaklak ang nakatanim, wow! ang gandang tignan, I didn't know na may ganito pala dito.

"How did you find this place?" tanong ko at ngumuso lang siya, napatingin ako sa ningusuan niya at nakita ko yung likod ng bahay niya.

"Hindi ko napansing malapit lang pala ang M.U sa bahay mo"

"Yeah, sa totoo lang, sa amin itong buong lupain na ito" sabi niya habang nag lalakad kami, ngayon ko lang rin napansing mag kahawak kamay pala kami.

"Ganun ba?"

"This use to be our playground with my childhood friend together with a mosquito like boy" nangunot ang noo ko sa sinabi niya, mosquito like boy?

"Sino naman?"

"You will know her soon" napatango nalang ako" She really look like you, you resembles everything about her"

"Why?"

"Parehas kayo ng ugali, hard headed, Makulit, mabait, maganda, at higit sa lahat flat chested—aw!" binatukan ko na siya

"So you mean flat chested ako!!?!"

"Wala akong sinasabing ganun ah, natamaan ka lang" tumakbo na siya kaya hinabol ko naman siya.

"Humanda ka Eroero kapag nahabol kita!!!" sigaw ko at hinabol ko siya"Runner ka ba?!! ang bilis mong tumakbo ah—" bigla akong nadapa dahilan upang mapatigil siya at lumapit sa akin, sinamantala ko na iyon para mahuli siya."Gotcha! hahaha" hinawakan ko yung braso niya at dahil sa malakas siya ay nabitawan ko rin iyon, he pinned my on the grass, nakapatong na siya sa akin ngayon, he is looking at me in my eyes again that makes my heart flutter.

"Z-zero?" nanatili lang siyang nakatitig sa akin, waahh!!! feeling ko malulusaw ako, ramdam kong namumula na yung pisnge ko"Zero umalis—"

"Let's stay like this for a while" nanlaki ang mata ko ng inilapit niya yung mukha niya sa akin, I knew it, hahalikan niya ako kaya pumikit na ako at hinintay ang labi niya pero mukhang pinangunahan ako ng...

"Achoo!"

***

Haha wala munang kissing scene, saka nalang kapag may nangyari ng maganda sa kanila... nabitin kayo noh? ako rin eh, pero parang mas gusto ko yung karakter ni Junior na si Allen.

Ps.bias ko kasi si Junior..haha

Definitely NOT His Fangirl (#Wattys2017)Where stories live. Discover now