Party 1 - The Invitation

536 10 0
                                    

Yoji's POV

Party, I think that’s my life now lalo na’t bakante ako ngayon sa trabaho. Kaka-tapos ko lang kasi ng kontrata ko sa pinasukan kong company. Simula noong wala na akong trabaho ay wala akong ginawa kung hindi tumambay dito sa bahay at gumala.

Madalas akong pumunta sa mga bar kasama ang mga kaibigan ko, matagal na namin ‘tong ginagawa dahil nakasanayan namin ‘to. At saka dahil ‘din doon ay marami kaming mga nakilala, at ngayon ay mga kaibigan na namin sila.

Kaya ko ‘to nagagawa dahil wala sila Mama at Papa, palagi silang busy sa work nila. Palibhasa mga workaholic, ‘yung tipong hindi makakatulog kapag hindi nila natapos ‘yung trabaho nila? Kaya ngayon, nasa business trip sila at mukhang matagal tagal pa ang uwi nila.

Kahit na tanghali na, nakahilata parin ako dito sa kama ko. Ang sabi nga ng kaibigan ko na si Clary, ang sarap daw ng buhay ko ngayon. Walang trabaho, may allowance at nakaka gala pa. Pero hindi ibig sabihin ay wala na akong balak mag trabaho. Syempre naman kailangan ko ‘rin ‘yun, pero hindi muna ngayon.

Naramdaman ko naman ‘yung ulo ko, sumasakit. Madaling araw na kasi ako umuwi at galing kami sa isang birthday party na ginanap sa isang bar. Ano pa nga ba ang ginawa namin, syempre uminom ng alak at nakipag sayawan. Kaya ngayon, may hang over ako.

Naramdaman ko naman na kailangan ko na pumunta sa banyo, at para maglabas ng sama ng katawan. Pag bangon ko sa kama ko ay medyo nahilo pa ako kaya nag dahan dahan lang akong nag lakad. Pero bigla akong napatingin sa salamin ko, at nakita ko na parang tumataba na ako. No way! My Precious body! Kailangan ko mag Gym! Hindi pwedeng hindi ako sexy, kailangan palagi akong hot.

Pag dating ko sa CR ay umihi agad ako, at pagkatapos noon ay nag toothbrush na ‘rin. Hindi ako makapag focus dahil nahihilo pa ako, nakaka irita. This is what I hate the most, ‘yung pagka gising ko ay nahihilo ako.

Pagkatapos kong mag toothbrush ay nanalamin ako sa salamin, pero bigla akong nagulat noong napansin ko na may nakasulat dito, kulay pula ‘to at ‘yun ang nakapag pagising ng diwa ko.

MALAPIT NA KONG MAG HIGANTI SA LAHAT NANG GINAWA NYO SAKIN! IISA ISAHIN KO KAYONG LAHAT!

Bigla akong kinilabutan noong nabasa ko ‘yun, naramdaman ko ‘rin na bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ‘to nakakatuwa ah! Sino ba ang gumawa nito? At anong ibig niyang sabihin dito?

Teka, may kilala akong gumagawa nitong mga panloloko na ‘to, walang iba kung hindi ang pinaka-mabait kong kapatid, si Lucas.

“Lucas! Pumunta ka nga dito!” Nang-gagalaiti kong sigaw sa kanya

Narinig ko naman ‘yung mga hakbang niya paakyat dito sa kwarto ko. Nakaka asar ‘to si Lucas! Alam naman niya na hindi magandang biro ‘to pero ginawa niya parin!

“Oh Ate? Bakit?” tanong nya sakin

“Ikaw ba yung nagsulat nito? Sa banyo ko?” Turo ko doon sa salamin sa banyo. Noong nakita na niya ‘yung nakasulat ay halata sa mukha nito na nagulat siya. Parang hindi siya ang gumawa noon, pero hindi ako naniniwala.

“Hindi ako gumawa n’yan! Lasing ka kaya kagabi,” sabi nya

“And so kung lasing ako kagabi?” tanong ko

“Baka may kasama ka na pumunta dito? Ate, natatandaan mo ba ang pinag gagawa mo kagabi? Baka naman pinag tripan mo lang ang sarili mo!” sagot niya

“Baliw! Ba’t ko naman gagawin ‘yun sa sarili ko? Hindi ako baliw ‘no!” sabi ko

“Bahala ka nga d’yan! Bumaba ka na lang at may pagkain na ‘don.” sabi niya

“Sige.”

Hindi daw si Lucas ang may gawa, pero sino? Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong ganyan kagabi, at hindi pa ako adik para gawin ‘yan ‘no. Pero sa totoo lang, bigla akong natakot sa lugar na ‘to. Hindi kaya may stalker ako? O kaya may baliw na gusto akong hawaan? Hala, ayoko nga!

PARTY 'TIL YOU DIE!Where stories live. Discover now