@King's house
King: Babe anong gusto mo?
Devon: Ikaw
King: Sus alam ko na yan!
Devon: Joke! Naniwala ka naman,uto-uto.
King: Di bale ng uto-uto ang mahalaga mahal ka nito.
Devon: Weh! Tigilan mo ako sa kamamahal mo King ha! Mahal ang bigas!
King: Arte neto. Chopsuey at Kare-kare na lang babe. Gusto mo?
Devon: Basta luto mo mahal kakainin ko.
King: Uy bumanat! Lika nga! (niyakap si Devon)
Devon:
King: Huy babaeng ilong wag mo ng kakausapin,itetext at tatawagan si Spade ha!
Devon: Tingnan mo to,bipolar.
King: Basta! Malaman laman ko lang na nag-uusap kayo ng Spade na yun,papatapon ko talaga sa ilog pasig yun!
Devon: Uy selos si babe!!
King: Ambisyosa!
Devon: Mahal mo naman....
King: Sabi ko lang yun
Devon: Luh!Paasa siya oh.
King: Hehehe.Joke lang. Tara na babe..
Devon: Saan
King: Sa kusina,magluluto ako ng kakainin natin.
Devon: Bait mo pala babe..bakit anyare sa'yo at bigla ka na lang na-inlove saken?
King: Feeler! I'm just saving you from Spade..
Devon: Bipolar ka talaga! Bipolar! Uwi na ako!
King: Hindi na babe..lika na baby ko..Love you..

YOU ARE READING
Ambisyosa Turns Dyosa (completed)
HumorSiya si Devon, mataba at pangit pero sa pambihirang pagkakataon babaliktad ang tadhana. Ang dating pangarap ngayo'y dinala siya sa alapaap. Siya na ba ang magiging Queen sa buhay ng pangarap niyang si King?