Prologue

141K 2.7K 130
                                    

Siya.

Siya at siya lang. Mula sa pagkamulat ng mga mata ko s aumaga hanggang sa pagpikit ko uli sa gabi, siya ang iniisip ko. Ang isa sa dahilan kung bakit nais ko pang mabuhay.

Minsan nagtataka ako kung bakit ang labo ng buhay—lalo na siya. Una, kinamumuhian ko; maya-maya, mahal ko na uli. Sa kanya ko naramdaman, nalaman, at natanggap na puwede ko palang mahalin ang taong pinakamumuhian ko. Sa kanya ko lang naramdaman ang lahat ng kaya kong maramdaman sa malupit na mundong 'to.

May iba't ibang kuwento ang mga tao. May iba, biniyayaan ng mga kaganapan; may iba, tamang higa lang. Pero hindi ko kailanman hiniling na maging exciting ang buhay ko. Gano'n ako ka-boring. Kaso hindi yata 'yon ang gusto ni Lord, e. Maraming beses ko nang naisip kung bakit ako binigyan ng ganitong buhay—drama na comedy na horror. Maraming beses akong iyak-tawa na para na akong mababaliw. Maraming beses din naman akong sumaya, at madalas . . . dahil sa kanya.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Habang pinagmamasdan ko ang eksena sa harap ko, napangiti ako at napatawa. Unang beses kong makita lahat ng 'to—parang himala. Nandito ako kanina pang hapon, pero hindi na masyadong masakit ang sinag ng araw. Magaganda pa ang mga ulap. Dahil dito, parang gusto ko tuloy ipinta lahat ng nakikita ko. May mga puting malabulak na ulap banda ro'n, naglalakbay sa bughaw na kalangitan. Pinagmamasdan ko lang ang napakagandang eksenang 'to habang kasalukuyang nakaupo sa isang lambak na pinaliligiran ng paruparo.

Sa isang banda ay ang pasikat na buwan. Bilog na bilog. Mula pa noon, full moon na talaga ang paborito ko. Meron na rin akong nakikitang mga stars sa madilim na parte ng langit. Sa harap ko, nakikita ko naman ang papalubog na araw sa may baybaying dagat.

Ewan. Ang perfect.

Huminga ako nang malalim, pinikit ang mga mata, at inalala ang lahat mula sa umpisa hanggang sa dahilan kung bakit ako nakaupo rito ngayon.

Ito na yata ang pinakamagandang lugar na nakita ko, pero alam kong may hihigit pa rito . . .

Ang lugar kung saan kasama ko siya.

Siya at Ako (Siya Book 1)Where stories live. Discover now