Prolouge

18 1 2
                                    

" Bakit bako nasasaktan? Nakita kolang naman siyang may kahalikan, pero bakit ako naapektuhan? Mahal ko na ba siya ? Pero hindi pede dahil parehas kaming lalaki at isa pa kung talaga ngang nahulog nako sa kanya dapat lumayo nako kasi ayoko ng masaktan pang muli yung puso ko. Dahil sa simula't sapol isang pagkukunwari lang naman para sa kanya ang lahat ng ito... "

Habang sinasabi ko ang mga katagang yan hindi ko namalayan na may mga tubig na palang tumutulo na nagmumula sa aking mga mata at kung minamalas kanga nama umulan pa. Anak ng... hays " APOLLO ASKER!! BAKIT BA KASI DUMATING KAPA SA BUHAY KO? BAKIT BA PATULOY MONG GINUGULO YUNG PUSO AT ISIPAN KO HA? ANO BA KASALANAN KO SAYO HA? TA**INA MO HINDI MOBA ALAM NA NAHUHULOG NAKO AT IYON YUNG KINAKATAKUTAN KONG MANGAYARI ANG MAHULOG SA MANHID NA KATULAD MO. "

Para akong isang engot na nakaupo ngayon sa gilid ng kalsada at umiiyak habang sinasabi ang mga katagang yan, dahil p*ta kahit anong sigaw pa ang gawin ko alam ko namang hindi niya yun maririnig kasi busy siya sa pakikipaghalikan dun sa babae niya.

COEN! Isang sigaw na nagmula sa taong hinayupak na sinasabi ko

Hindi ko pinansin ang kanyang pagtawag saking pangalan, at ang ginawa ko ay tumayo at umalis sa kanina ko pang kinauupuan

COEN! COEN! SAN KABA PUPUNTA?

Lalo kopang binilisan ang aking paglakad papalayo sa kanya, dahil wala akong panahon ngayon para makita siya o di kaya naman makausap.

COEN! COEN! COEN!

Paulit-ulit na tawag niya ulit saking pangalan pero wala talaga akong panahon para sa kanya ngayon. Dahil ang gusto ko lang ngayon ay katahimikan at kapayapaan dahil pagod na pagod nakong masaktan.

Coen ano ba ang problema?... agad niyang sabi sakin sabay hila saking kanang braso ng maabutan niya ako

Buong lakas ng loob ko siyang hinarap at sinabi ang mga katagang " Apollo ayoko na dahil ta**ina ang hirap na hirap nako g*go " pagkasabi ko nun ay agad nakong tumalikod sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad papalayo sa kanya, dahil ayoko ng makita niya pakong umiiyak ng dahil sa kagaguhang pinaggagagawa niya. Pero habang naglalakad ako papalayo sa kanya laking gulat ko ng bigla niya akong yakapin patalikod at tila ba may naririnig akong mga hikbi galing sa aking likod.

" Coen sorry, sorry kung g*go yung boyfriend mo. Sorry kasi ni hindi ko man lang alam na nasasaktan ka na pala sa mga pinaggagagawa ko. Coen sorry, sorry talaga " habang sinasabi niya ang mga katagang yan ay ganun rin ang paghigpit ng kanyang mga yakap na wari bang ipinapahiwatig niya na huwag akong umalis sa tabi niya o di kaya naman ay huwag na huwag ko siyang iiwan.

Agad ko ulit siyang hinarap at humilay sa kanyang pagkakayakap...

" Apollo itigil na natin ito dahil nagiging totoo na yung nararamdaman ko sayo, at ayoko ng mahulog pa dahil alam kong masasaktan at masasaktan lang ako "

Duon na bumuhos ang aking mga luha, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang mga katagang yun pero okay narin dahil kahit papaano nasabi ko na sa kanya ang mga katagang matagal ko nang gustong sabihin.

Pero laking gulat ko dahil pagkatapos kong sabihin ang mga katagang yun ay isang halik ang aking natanggap sa kanya at hindi lang iyon basta halik, dahil iyon ang halik na nagpapahiwatig na parang parehas ang aming nararamdaman.

Hindi naging matagal ang halik nayon, dahil pagkatapos niya akong halikan ay kanyang sinabi ang mga katagang naging dahilan para mapangiti akong muli at iyon ay ang mga katagang....

"Walang ititigil dahil parehas lang tayo ng nararamdaman, nahuhulog narin ako at gusto ko na ang relasyon natin ay gawin na nating totoo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

 ❝ Mon Amour Series ❞ ❮ Apollo Asker ❯ Where stories live. Discover now