Man Hater

14 0 0
                                    

Parang kailan lang, ang mga paru-parong naggagandahan ay lumilipad sa paligid sa tuwing siya'y namamasdan.

Parang kailan lang, naniwala ka sa mga pangakong nagdulot ng kasiyahang hindi matutumbasan.

Parang kailan lang, umibig ka sa taong hindi mo na nanaisin pang ikaw ay iwan at kalimutan.

Parang kailan lang, sabay kayong nagmamalakaya sa karagatang kayo lamang ang nakakaalam.

Ang sarap alalahanin ano?
Na minsan sa pagitan niyo, nagkaroon ng TAYO.

Ang sarap alalahanin ano?
Na minsan sa buhay mo, nagmahal ka ng totoo.

Ang sayang isipin ano?
Na minsan sa buhay mo, nagliparan ang mga di inaasahang paru-paro.

Pero bakit ganoon?
Ang mga alaala ay halos nais mo ng mabura.

Bakit? Dahil ba sa nasaktan ka dahil sa kaniya?
Paano naman ang mga ngiti mong siya din ang nagdulot, di ba?

Bakit parang ayaw mo ng maalala? Dahil ba sa palagi ka nitong pinapaluha?

Ay mali, lumuluha ka kasi ang hirap di ba?
Kasi ang mga alaala ninyong dalawa, nanatili nalang alaala at hindi na nadugtungan pa.

Bakit parang takot na ang nakikita ngayon sa iyong mga mata?
Mga takot na ang dahilan ay siya, walang iba.

Bakit tila napadadaig ka sa galit at sa poot?
Dahil ba sa katotohanang hindi ka makalimot?

Anong dahilan at maging sila ay napagbuntunan?
Nagalit sa kanila ng walang sapat na dahilan?

Dahil ba sa minsan kang nasaktan?
At inaakala mong lahat sila, walang ibang gagawin kundi ikaw ay pahirapan?

Nakalimutan mo na nga siguro, na minsan nagmahal ka ng totoo.
Totoong sinayang man niya, hindi maipagkakailang siya ang dahilan di ba?

Hanggang kailan ka nga ba ganiyan? Na tila baga mundo ay iyo ng pasan?
At sa pagkakapasan nito, pati ibang tao ay sumabit dito.

Mga taong handang patunayan sayo na karapat-dapat kang mahalin ng totoo.
Mga taong kailanman, hindi inisip na sa iyo ay magloko.

Ganyan ka nalang ba?
Papadaig sa alaalang nananatili lang namang alaala?

Magpapatalo ka sa pinagdadaanan mo at ibabato sa ibang tao?
Ulitin ko, nasaktan ka man, oo.
Pero hello? Nagmahal ka lang ng totoo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Nagmahal Ka Lang Ng TotooWhere stories live. Discover now