Broken Vow 7

1K 20 1
                                    


Justice Kent

I didn't mean to shout at her. I'm just pissed. Hindi niya alam na siya ang rason kung bakit nagkaganito ang lahat. Simula pa lang 'yong mga ginawa na niya ang dahilan.

"Bakit mo ginawa iyon?", tanong ni manang na agad ko namang iniwasan. Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang makarinig ako ng tuloy tuloy na pagdoorbell.

Agad namang binuksan ni manang ang pintuan at agad na nagtungo sa gate, sumunod naman ako sa kanya.

Nang makita kong guard ng village ang nagpunta ay agad na akong tumalikod para umakyat.

"Manang si Ms. Mesha po kasi",

Ano na naman bang tungkol kay Mesha Gaile? Sumama na ba siya sa ibang lalaki?!

"Bakit si Mesha hijo?",

"Manang k-kasi po", Wala namang magandang sasabihin, mas mabuting umakyat na lang ako.

"Manang si Ms. Mesha po kasi naaksidente po manang", agad akong napalingon nang sabihin niya iyon.

"Ano iyon?", tanong ko.

"Sir Kent, si Ms. Mesha po naaksidente po", biglang nagpantig ang pandinig ko. Anong ibig niyang sabihin? Sinong kasama niyang nadisgrasya iyong lalaki niya!?

"Sinong kasama niya?", agad na tanong Ko.

"Po? Siya lang po Sir", I was stunned. Siya lang? So hindi siya sumama sa lalaki niya?

"Na saan siya?!", agad na tanong ko napataas na rin ang tono ng boses ko.

"Nasa may labas po ng village kanina, tumawag na po kami ng ambulansya", Matapos niyang magsalita ay agad na akong tumakbo palabas ng bahay papunta sa labas ng village. Medyo malayo ang bahay sa gate ng village, nang makalabas ako sa village ay siya na mang pagdaan ng ambulansya. Napatingin ako sa pinanggalingan noon. I stiffened when I saw a lot of blood. Agad sinundan ng paningin ko ang ambulansya at bigla akong nasaktan sa mga naganap na pangyayari.

Nakita ko ang isang lalaki na kinakausap ng pulis, sa hula ko siya ang may gawa noon. Agad akong lumapit at nakompirma kong siya talaga ang nakabunggo kay Mesha.

Agad ko siyang kwinelyuhan.

"What did you do to my wife!", agad na tanong ko. Nag-iwas naman ng tingin ang driver. Nang wala akong makuhang sagot ay agad akong umuwi ng bahay para kunin ang kotse ko papunta sa hospital.

Hindi ko itatanggi na nag-aalala ako sa kaniya. I still love her, but the pain and anger dominates me because of what she did. But I still care, I still do. I love her still just like before.

Binilisan ko ang pagpapatakbo ng kotse ko hanggang maabutan ko ang ambulansya. Nakasunod lang ako sa ambulansya hanggang sa makarating ito sa hospital. Pinark ko agad ang kotse ko sa may parking lot at mabilis na tumakbo papasok ng hospital.

Pagpasok ko ay siya ring pagpasok ng mga sunod sunod na nurse na may tinutulak na isang stretcher.

Hindi ko maipaliwanag kung ano ang magiging reaksyon ko ng makita ko si Mesha. Si Mesha na nakahiga sa stretcher na puno ng dugo sa buong katawan. Pinagmasdan ko ang mukha niya para na siyang walang buhay sa sitwasyon niya.

Agad akong nanlumo sa nakikita ko, gusto ko ng kalimutan ang ginawa niya sa akin dati sa nakikita kong sitwasyon niya ngayon. Sobrang awa at sakit ang nararamdaman ko. Napakasakit makita na iyong taong mahal mo ay walang magawa, wala siyang laban sa sitwasyon niya.

Hindi ko maiwasang panghinaan ng loob. Agad akong sumabay sa mga nurse na nagtutulak ng stretcher niya at doon ko mas nakita ang itsura niya. Namumutla na siya at punong puno na ng dugo ang kaniyang katawan. Nagmistula siyang wala ng buhay.

Hindi ko na namalayan na pinapasok na siya sa Emergency Room, susunod pa sana ako kaso hinarangan agad ako ng dalawang nurse at isang doktor.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo. Pasensya na", agad na sinabi ng doktor at sinarado ang pinto ng Emergency Room.

Napaupo na lang ako sa bench sa labas ng Emergency Room. At sa hindi inaasahan tumulo ang mga luhang nagbabadya sa aking mga mata.

What should I do now? Tatawagan ko ba sila mama? I don't know what to do!

Sobrang frustrated na ako, napahikbi na lang ako nang maalala ko lahat ng pinaggagawa ko. Sobrang sama ko, pero may mali pa rin naman siya eh.

Nang makapag-isip na ako ng maayos, tinawagan ko na si Zion, kuya niya. Hindi ko magawang matawagan sina mama, natatakot ako at nahihiya.

Naalala ko nanaman ang itsura ni Mesha. At biglang may pumasok na ideya sa isip ko. I think Mesha is critical.

An Almost Broken VowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon