CHAPTER 3 ~ Agreement ~

197K 3.4K 177
                                    

CHAPTER 3

SKY'S POV

Pinaikot ko ang mga mata ko at tinigil ko na ang pagpupumiglas. Hindi din naman ako pakakawalan ng lalaking to na kinakaniya na ang braso ko. Hinayaan ko na lang siya na dalin ako kung saan niya gusto.

Nakangising kinawayan ko ang mga nadadaanan kong empleyado ng BHO CAMP. I know some of the faces at alam kong mga agents sila at hindi mga empleyado lang ng BHO CAMP. Base na rin sa mga kwento ni Storm kapag tumatawag, katulad ng inaasahan, lahat kaming magkababata ay minana ang trabaho mula sa mga magulang namin.

Lalong lumuwang ang ngiti ko ng makita ko ang panlalaki ng mga mata nila habang nakatingin sakin. Mukhang nagbunga ang matagal kong pagkawala. Base sa reaksyon nila, alam kong alam nila ngayon na hindi si Storm ang kaharap nila.

Magkaiba naman kami kasi ni Storm magdamit. She looks preppy and fashionista, while I look badass and rugged. Halos puro itim ang mga damit ko. Kung hindi naman puro dark colors like red, blue and dark green.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko.

"None of your bussiness."

"Well, actually, meron since kinakaladkad mo ako. At sa pagkakatanda ko, may pakielam pa naman ako sa buhay ko. Hindi pa ako ganoong katamad. So pwede mo na ba akong bitawan?"

"No."

"Pwede mo na bang sabihin kung saan mo ako dadalin?" tanong ko ulit.

"Somewhere that no one will hear what we are gonna talk about. Siguro naman hindi mo gustong malaman ng mga magulang mo ang ginawa mo, hindi ba?"

I curled my lips at him. Kung hindi ko alang alam na hindi ako makakaligtas kapag binigyan ko siya ng uppercut baka kanina ko pa iyon ginawa sa kaniya. Kung sabagay unang kita ko pa lang sa kaniya halata na ang pagiging masungit niya.

Kung alam ko lang na taga BHO CAMP siya, hindi si Hermes ang una kong iisipin sa lalaking ito kahit pa na iyon ang ipakilala niya sa aking pangalan. Walang maniniwala na ang happy kid na iyon ay magiging masungit katulad ng grumpy troll na ito.

"I can't believe you've done something reckless like that, Skylee."

Exagerated na nagkunwarian akong naghihikab ng lumingon siya sa akin. Naningkit ang mga mata niya na animo gusto na niya akong tirisin. Hindi naman niya na kailangan sabihin. I can't believe it either. I slept with him!

Nakarating kami ng parking lot kung saan sapilitan niya akong ipinasok sa passenger seat ng isang kotse. Pagkaraan ay lumulan narin siya ng sasakyan at pinasibad iyon paalis.

Nilibot ko ang paningin ko sa sasakyan at napasipol ako. Lambhorgini. "Hot car you have here stranger."

"Magkakilala na tayo."

Nagkibit-balikat ako. Itinaas ko ang mga paa ko sa dashboard at prenteng sumandal. Saglit na nilingon niya ako at pagkatapos ay ibinalik na ang atensyon sa pagmamaneho.

"You changed." he said after awhile.

"So?"

"Nothing."

"Ewan. Ang labo mong kausap, pare. Anyways, alam mo ba kung saan ako dadalin? Dahil malakas ang pakiramdam ko na hindi mo naman talaga alam kung saan tayo pupunta."

Nang hindi siya umimik ay napangisi ako. Hindi pa kasi sinabi kanina ng hindi na ako tanong ng tanong. Ang mga lalaki nga naman. Kahit sa maliliit na bagay ang tataas parin ng pride. Pagkatapos kapag babae naman ang mataas ang pride parang krimen na krimen na.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaWhere stories live. Discover now