Writinginnosense © Stories
***
CHAPTER 22
"The Trouble With The Third Wheel"
KATH'S POV
"Aloy Spartans!! Gooooooooooo!!" Ayan na ang cheering squad sa pagchi-cheer sa Aloy Spartans. Hindi ko pala nasabi sa inyo, si Kesha ang cheerleader. Actually, kahit si Jessica ang talented princess dahil sa talentada talaga siya. Si Kesha ay likas na magaling ding sumayaw.
Ang galing talaga nila. Walang palya. Naghanap na ako ng mauupuan. Doon ako umupo sa pinakagilid. Ayokong makipag-riot sa gitna ng upuan. Maya-maya pa'y dumating na ang EC para siguro suportahan si Zoey.
Dumating din naman agad yung JN na kasing celebrity ng pagdating ng EC. Maraming nagbulungan bigla. Mga puros paghanga sa kanila.
Nag-umpisa ang ingay sa gym ng magsalita yung mga panelist sa basketball game. Since parang UAAP ang basketball league ay tini-take nila ito seriously. Ilan sa mga panelist ay mga coaches from different universities catering the best for their own respective schools.
Onting salita from the head of the basketball tournament tapos game na. Lumakas yung tilian nang i-announce yung first 5 ng kanya-kanyang team. Grabe! Ganito pala ka-big time ang basketball sa school namin. Lalong lumakas yung sigawan ng i-announce yung number ni Lucas at ni Zoey.
"Go Zoey! Iyo lang puso ko! Ikaw lharng saphurt na! Beinte nueve!"
"Go Lucas baby! Nag-hihirsa ka! Beinte Oichoh!"
"Go Number 25! (Zoey)"
"Ang gwapo ni number 7. (Lucas)"
Hindi ko na tuloy maintindihan kung basketball ba talaga pinunta ng mga babae dito o boy-hunting. Nagulat ako nang makita kong tumingin sa akin si Zoey. Wait! Hindi pala ako masyadong sigurado kung nakatingin ba siya sa akin o hindi. Basta, nakatingin siya sa side ng upuan namin.
"O gosh! Nalaman ni Zoey ma'labs na siya lharng saphurt nah! Beinte nueve!" Kilig na kilig na sabi ng babaeng katabi ko. Ang weird naman niya. Hindi ko masyadong ma-gets yung mga sinasabi niya. Pagbalik ng tingin ko ay bumilis ang tibok ng puso ko. Nagtagpo yung mga mata naming dalawa, ngumiti siya. Ang nakakatunaw niyang ngiti sa akin. Alam kong para sa akin yun.
"Whoah! Looks like the team captain of ASA Spartans is having a good luck charm from his inspiration from the audience to this side." Mas lumakas yung tilian. Ngumiti ba naman kasi ang taong bato.
At bato ako kung sasabihin kong hindi ako sobrang kinikilig.
Kaso hindi ko rin maintindihan yung sarili ko. Goodness! Ano ba 'tong nararamdaman ko para sa kanya?

YOU ARE READING
Chasing Chances.
Teen FictionSa buong buhay mo, hindi mo na siguro alam kung ilang "chance" ang hinarap mo. Ilang "chance" ang pinili mo, at ilang "chance" ang hinayaan mo. May mga "chance" na kapag ni-let go mo ay hindi mo na ulit makukuha pa. So what will she choose? In the c...