Chapter 27

761 22 1
                                    



JIA's pov

Senti nanaman ako, hays.

Hanggang kailan pa ba ako magtitiis?

Hanggang kailan pa ba ko aasa na bumalik na sa dati ang lahat?

How I wish, that she find that box.

The box is full of pictures, on the back of it, there's a message.

A message that can help herself to remember something.

When She was in the hospital, I asked her mom a permission to enter their house.

Sa ilalim ng kama ni Bea, makikita doon ang box na nilagay ko.

As if naman na maglinis sya ng kwarto niya. Kasi she always make utos to her yaya.

But, Im still hoping. At hindi ako mawawalan ng pag asa na hintayin sya.

Kahit taon at buwan pa yan. Kasi alam ko sa sarili ko na si Bea lang ang minahal ko ng ganito.

-

Back to training nanaman kami, kahit malayo pa ang Season 80.

last playing year ko na sa UAAP, at syempre gusto kong magtapos sa Championship.

Meron pa kaming isang mahalagang bagay na kailangang mangyari na.

We badly need to Convince her, para maglaro na ng Volleyball.

Papunta na ako sa Afternoon training namin, tapos na naman class ko.

BEA's pov

Habang papunta na ako sa Ateneo Campus, bigla nalang sumakit ang ulo ko.

May naaalala ako sa nangyayari pero mahirap paniwalaan.

Mahirap paniwalaan na naaksidente ako.

Nag stop muna ako sa gilid, dahil biglang sumakit ang ulo ko. May gumugulo ulit sa isip ko.. hindi naman gaano sumakit, kaya pinagpatuloy ko ulit ang pagmamaneho.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng Beg. Hindi ko alam kung papasok ba ako dito o hindi. Buti nalang nakita ko si Jia, kaya agad ko itong pinuntahan.

"JIAAAAA!! " Sapat na yun, para marinig niya ako.

" oh Bea? Aga mo ah? Haha. Tara sabay ka na. Wala pa naman yung mga team mates nat--... team mates ko. "

Weird. Palagi nalang ganyan si Jia pag kausap ako.

Hindi na naman ako umimik at sumunod nalang sa kanya.

Nasa court na kami, actually nililibot niya ako dito sa loob. Grabe, ang laki.

"Dito naman (turo sa center ng court) ta-- .. dito naman kami mag ttraining mamaya. Lady Eagles lang kasi ngayon yung mga mag ttraining. Gusto mo ba makilala mga team mates m-..  ko?"

"Yeah, sure."

Maya maya pa ay pinaupo muna ako ni Jia, a nagsidatingan na din ang mga Team mates niya. Sila yung tumatawag ng pangalan ko

"Hi Bea! are you ready to train with us again? " Sabi nung morena na babae.

Again? What do you mean, girl?

"Im Bea de Leon. And you are?"

" Michelle Morente, call me Mich for short. Im the co-captain in this Happy Team. "

"Hi Bea, Im Jamie Lavitoria. Call me Jamie"

"Hi. Im Jho Maraguinot"

"Gizelle Tan, Bro! Haha."

"Ria Lo po, ang pinaka cute sa team .. aray!"

Binatukan kasi nung Gizelle si Ria 😂

"Deanna Wong. Call me Deanna, or baby. The most quiet girl here at the same time, the most cutiest player of the Ateneo Women's Volleyball . Hehe"

Mich is Right. Its a happy team. Their faces are so familiar, lalo na si Deanna and Jia. And also Maddie.

Lahat sila nag pakilala na. And si Jia nalang hindi pa. Pero I know her naman na.

"It's nice to meet you all" nakangiti kong sinabi

Dumating na yung mga coach nila. Halata naman dahil sa suot nila na may Whistle.

Wow! Kilala din nila ako. pero bakit hindi ko alam, yung nangyayari.

" Bea, Happy Happy? Can do?" Sabi nung singkit na lalaki

"Ahh. Y-yes po, Im Bea de leon po" sabi ko at inabot ang kamay

"Tai Bundit. Call me Coach Tai!" Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit 'coach'?

"Call me, Coach Parley. Welcome to our team" sabi nung Coach Parley.

Hindi naman ako mag lalaro o mag ttraining. Pero bakit parang kabilang ako sa team nila?

Nag uumpisa na ang training nila, at ako nakaupo lang habang pinapanood sila. Lahat sila magagaling lalo na si ate Ly.

Napunta naman ang atensyon ko kay Jia..

Sa gandang yan, at mala anghel ang mukha. Bakit wala pa din siyang boyfriend.

Unti unti ko nanaman naaalala yung mga nangyari...

Pero wala pa din kasiguraduhan na totoo nga ang pumapasok sa isip ko.

Si Jia

Feeling ko kilala na namin ang isa't isa noon pa

Pati yung mga tumatawag sakin na mga athletes. Team Mates ko siguro sila.

Yung Cotton Candy Frappe na binili ko kanina at ni Jia. Favorite namin yun..

Yung pagpapakilala ng Team sa akin. Kilala na talaga nila ako. Pati yung mga coaches..

kaya pala feeling ko kabilang ako sa Happy  Team na 'to.

Itong court na 'to na punong puno ng mga alaala ng Team.

Unti unti ko ng natatandaan yung mga pangyayari na hindi ko nalalaman..

Give me a sign, lord..

Kailangang may mag open up sa akin ng topic na 'to, at ipaliwanag ang lahat ng nangyayari..

Sa ngayon, papaniwalaan ko muna yung mga alaalang wala pang kasiguraduhan kung totoo nga ba.

-

Im here at my room, at naglilinis ako ng kwarto ko.

Hindi ko na pinaasikaso sa mga yaya namin.

Baka kasi kahit man lang sa paglilinis ko ng kwarto ko, may maalala na ko.

Kahit ang sarili ko, tinutulungan ko para makaalala. Ayoko na din mahirapan.

May box na nakakalat sa ilalim ng bed ko. Hindi ko alam kung kukunin ko o hindi.

Umabot ito ng ilang minuto, at napag desisyunan ko na hindi ko nalang muna kukunin.

Akala ko handa na kong malaman ang mga katotohanan.

Pero ako mismo ang natatakot na malaman lahat ng totoo.

Hindi pa ito yung tamang panahon para malaman ko ang lahat. Kahit papaano nakikinig pa din ako sa parents ko.

A/N

Let us all pray for their fast recovery and for everyone's safety. 🙏🏻

Thank You for reading, sml. 💙

Hanggang KailanWhere stories live. Discover now