Chapter 1

2.1K 36 0
                                    

Aly's POV

"Please support us in our incoming games. #OBF"

~Admin A

Knock-knock..

"Aly! Den! Tara na! Nagtext na si Coach."

Dali-dali akong nag logout. Hindi ko tuloy naipost ang dapat ay ipopost ko. Pabigla-bigla naman kasi tong si Jorella sa pagkatok.

"Oo na! Inaantay ko lang si Den. Pababa na kami." Ano ba naman tong si Den, ang bagal kumilos kahit kelan.

"Siguraduhin nyo lang kasi ayokong maparusahan! Ililibre nyo ko ng pagkain pag ako napagod ng bongga"

Kahit kelan talaga tong si Ella. Basta pagkain, isisingit nya sa usapan.

Narinig kong bumaba na si Ella sa hagdan. Inayos ko na ang bag ko sa aking likod para pag labas ni Den sa banyo ay wala na akong iintindihin pa.

"Hay! Ang sarap maligo! Good morning Besh! Aba! Ready ka na ha!" Sabi ng babaeng kalalabas lang sa cr at parang hindi man lang natatakot na malate.

"Kahiya naman sayo e. Baka gusto mo ng dalian kasi tayo nalang ang hinihintay nila sa baba." Sagot ko dito sabay irap sa kanya.

Bigla naman yumakap saken si Denden na hindi ko maintindihan kung ano na naman ang trip.

"Sorry na po! 1 hour pa naman bago ang training e. Oh, kumpleto na ba gamit mo? Towels? Shirts? Where is your tumbler? Hinanda ko na yun kanina pag gising ko. Your kneepads? Your..."

"Hep, hep!" Putol ko sa dirediretsong sinasabi ni Den. Ang daldal talaga ng babaeng to kahit kelan. "Opo, kumpleto na po lahat. Masyado ka naman madaldal, besh. Stage mother and peg?"

"Just making sure, Ly. Baka magkasakit ka na naman kasi e." Kinuha nadin nya ang bag nya at isinabit na sa balikat nya. "So, lets go? Labas ka na at ako na maglalock ng room natin."

"Alright! Pero hindi na ko magkakasakit kasi nandyan ka naman lagi para 'sermonan' ako." I gave emphasis to the word sermonan kasi palagi naman nya talaga akong sinesermonan sa tuwing nalilimutan ko yung gagawin ko.

Den's POV

Napapailing nalang ako sa bestfriend ko sa mga sinasabi nya? Who would have thought na sa laki nyang tao kumpara naman sakin e kailangan padin palang i'baby na parang bata talaga.

"Hay, Ly. Kahit kelan ka talaga."

'Please support us in our incoming games. #OBF'

~Admin D

Let's go Dennise. Today is a new day.

.

.

.

.

"Can do.. Can win! Happy happy!"

Hindi ko maintindihan kung sinesermonan na naman ba ni coach si Bea o talagang ganon lang sya. After ng 1st practice session namin, heto si Bea or Coach Tai's special project at nag 1-1 na naman sila.

"Gusto mo pumalit kay Bei?" sabi ng kung sino man na tumabi saken sa bandang kanan ko.

"You wish! Masaya na ko sa pagiging libero ko." Sagot ko kay Ella na parang pagod na pagod dahil sa pag hingal na ginagawa nya.

"If I were on Bea's shoe, I would trade my position to Den so I will no longer be Coach Tai's special project. Look at Bei, looks like she will have 3 extra rice this lunch huh?" Sabi naman ni Amy na parang hindi man lang napagod. E hindi man lang ata mababakasan ng pagod ang muka nito dahil lagi itong nakangiti.

Sa batch ng lady eagles ngayon, si Ella at Amy ang mga super close friends ko bukod kay Alyssa. Sila din naman ang lagi kong kabangayan sa tuwing mauuwi sa asaran ang aming usapan.

Speaking of Alyssa, nasaan na yung babaeng yun?

"Hinahanap mo no?" Siko sakin ni Ella ng mapansin nyang parang lilinga-linga ako sa paligid.

"Huh? Sino naman?" Pagkukunwari ko dito.

"O sige, Den, kahapon lang ako ipinanganak." At nakipag high five pa kay Amy.

I just rolled my eyes. "I am just checking kung kumpleto ba tayo dito. After Bea's 1 on 1 with coach mag lalunch nadin tayo."

Tumayo ang dalawa at iiling-iling na lumakad papunta sa shower room.

"Common Ella, let's 'check' for the others. Haha!"

Napalingon ako sa kaliwa ko ng may biglang humiga sa lap ko. Automatic napasmile ako sa kung sino man ito.

"Hay, Besh! Nakakapagod! Hm, inasar ka na naman nung dalawa na yon no?" Sabi nito habang ipinagpatuloy ang kung ano man ang ginagawa nito sa kanyang cellphone.

"What's new? They're always like that since then." Tipid kong sagot at hinanap din ang phone ko sa aking bag.

Nang hindi naman ako nakarinig na ng sagot pa galing kay Alyssa ay nagpasya na akong gawin ang dapat kong gawin.

Sinigurado ko munang walang ibang tao sa malapit saken at saka ko binuksan ang facebook ko. Walang kahit na sino ang may alam na gumagamit ako ng facebook. Ang alam ng lahat ay twitter lang ang meron ako at instagram. Lahat ng team mates ko ay may sariling mga facebook accounts at pilit din nila akong pinagagawa ng sa akin para naman daw maitag nila ako sa mga pictures.

'Alyssa Valdez Parody and 32 others commented on your post'

'Good luck idol! Will watch you with your games. :) :* <3'

Mabuti pa itong account ni Alyssa, updated palagi sa mga posts ko. E pano nga naman kasi magiging updated ang iba, samantalang ang alam ng karamihan ay fake ang account na to. Hm, mareplyan nga ito.

'Thank you! I hope we can see each other to watch the game. :) ~Admin D'

Biglang napabalikwas naman ng bangon si Alyssa na nakahiga sa lap ko dahilan para tumalsik ang phone ko.

"Alyssa naman! Ang careless mo talaga. Pag nasira tong phone ko papalitan mo to!" Kunwaring galit kong sabi sabay dampot ng phone ko at inoff kagad.

Hindi naman ako pinansin ni Alyssa at tutok na tutok padin sa phone nya.

"Huy Alyssa! Okay ka lang?" I snapped in front of her and suddenly she got back to reality.

Napatingin sya saken at napapangiti na parang ewan. "Oo, besh. May nabasa lang ako. Tara na, shower na tayo, mag kaklase pa tayo e." Nagmamadali syang kinuha ang bag nya at bag ko at naglakad na.

Medyo weird tong si Alyssa. Anyway, buti dinala nya ang bag ko kasi sobrang pagod na pagod ako.

Superhuman AlyDenWhere stories live. Discover now