Chapter 1

9.1K 161 4
                                    

Terence POV

Naiinis siya na kailangan na naman niya pumunta sa lugar na ito. Anak siya ng isang bilyonaryong real state magnate.

"Balak ba nila bilhin ang buong Pilipinas?"
Naiinis niyang tanong sa kanyang sarili.

Nandito siya sa isang isla. Balak nilang bilihin ang isla at dito itatayo ang isang power plant. Malaki na asset na naman ang maipapasok nito sa kanilang pamilya.

Kailangan na niyang ma expose sa uri ng kanilang negosyo. Kaya lagi siya nasa field,ito ang simula ng kaniyang training bilang isang anak ng kilalang real state developer ng bansa.

"Sir san kayo pupunta?" sigaw sa kanya ng pinagkakatiwalaan ng kanyang papa na assistant nito na nagsilbi naman kanyang mentor.

"I need to pee!" sagot niya at pumunta sa tabing dagat kung san me mga bangka.

Ibinaba niya ang kanyang zipper. At umihi sa gilid ng bangka. Masyadong remote ang lugar. Kaya walang siyang choice kung hindi umihi dito o kaya naman sa mga puno ng niyog. Ayaw niya sa lupa at baka ma nuno siya at lalo pa lumaki alaga niya. Napangiti siya sa naisip.

"Anong ginagawa mo?" isang boses na nagmula sa loob ng bangka. Sumungaw ang ulo nito at agad ding nagbalik sa bangka at isiniksik ang ulo. Na shock yata sa nakita!

Sinilip niya ito. Nagulat siya sa nakita isang babae. Magulo ang buhok nito marahil sa pagkakahiga sa loob ng bangka. Pero ang ganda nito. Pakiramdam niya me mga puso na lumabas sa kanyang mga mata ng masilayan ang dalaga.Napakaganda nito kahit hindi marunong mag suklay!

"Isa ka bang sirena?"parang wala sa sarili na tanong ko.

"Gusto mo sipain kita ng maramdaman mo me paa ako?"suplada nitong sabi sa kanya. Napangiti siya.Kasi namumula ang mga pisngi nito. Marahil nakita nito ang kanyang alaga.

"Ako si Terence,makikipagkamay sana ako kaya lang baka suntukin mo ako."  pagpapakilala niya sa sarili.

Umirap ito sa kanya. "Mabuti alam mo!"
Ang ganda talaga niya kahit saan tinggnan. Ngayon lang siya nagandahan sa babae na simple ang damit at magulo ang buhok pero nag rigodon ang puso niya.

"Ang suplada mo naman. Ano nga ang pangalan mo?"pangungulit niya dito.

Tiningnan muna siya nito.

"Tia!"sa wakas sabi nito.

"Tia." ulit niya at titig na titig sa dalaga. Ang dami na niyang naging babae. Kilala siya sa pagiging playboy. Babae na kasi nalapit sa kanya. Mayaman gwapo at talented. Kapag kumakanta siya na kanyang libangan kahit hindi niya sabihin they will offer themselves na madalas pinagbibigyan niya.

Ito pa lang ang unang babae na hindi sarili ang inaalok kundi sipa at suntok.

"Taga rito ka ba?"tanong niya dito.

"Oo".sabi nito at tumayo na sa bangka at bumaba. Matangkad pala ito at ng tumayo ito sa harap niya lalo niya napagmasdan ang kagandahan nito.

"Alam mo ba your so pretty?".buong katotohanan niyang sabi.

"Alam ko sabi ng nanay ko!" Naglakad na ito palayo sa kanya. Sinundan niya ito.

Bigla itong huminto at nilingon siya .

"Bat ka ba nasunod?".sabi nito na makikita ang iritasyon sa mukha. Lalo siyang ginahan kulitin ito.

"Sama ako sa bahay ninyo!".nakangiti niyang sabi dito.

"At bakit?"taas kilay nitong sabi.

"Manliligaw ako!"deritsahang niyang sabi. Parang hindi ma ko kompleto ang buhay niya pag hindi niya ito naging kasintahan.

"Ay naku!" Sabi nito at nagpadyak pa sa buhangin.

"Seryoso ako! San ba bahay ninyo gusto mo haranahin pa kita!" Seryoso siya na gusto niya itong haranahin. Sa probinsya ito ng quezon alam niya na me harana pa din dito.

"Ang kulit mo naman. Hindi ako nag papaligaw".tanggi nito.

"I am not from here, be my girlfriend at babalik ako dito!" pagkumbinse niya sa dalaga. Tinamaan talaga siya ng sampung pana ni kupido.

Hahawakan sana niya ito pero bigla itong nag histerya.

"Dont touch me. Hinawakan mo ang ano mo!"at pilit na inilayo ang mga kamay. Oo nga pala umihi siya at hindi pa siya naghugas ng kamay.

"Sorry! Payagan mo na akong manligaw o hahawakan kita."umakto siya na hahawakan ang kamay nito.

"Oo na sige na!"sabi nito,kahit napipilitan ito. Ayos na din kasi me chance siya.

Matamis siyang ngumiti sa dalaga.

"San ang bahay ninyo?mag papaalam ako sa magulang mo!" Ngayon pa lang siya nagkaroon ng ganitong idea sa buong buhay niya.

Tia PoV

Pinagmasdan niya ang gwapo nitong mukha. Naiiling siya. Alam niya hindi ito taga isla. He behaves like , kaya nitong paglaruan ang mga babae na probinsyana. Sakyan na lang niya ang trip nito. Besides they will not see each other again.

"Seryoso ka?"tanong niya dito. Hindi niya maitatanggi na napaka gwapo nito. At parang malulunod siya mga ngiti at titig nito.

"I never been serious in my life. Ngayon lang".sabi nito na ikinataas niya ng kilay. Bolero talaga at makulit.

Kung makilala kaya siya nito maglakas loob pa kaya itong paglaruan siya?

"I'll play your game!".sabi niya sa kanyang isip.

"Diyan lang ako nakatira!"at itinuro niya ang isang kubo na pansamantala niyang tinutuluyan.

"Sir,tapos na po ang pag uusap. Balik na po tayo".me mga lalaki na lumapit sa amin.

Napasimangot ang gwapong mukha nito sa pagdating ng marahil mga kasamahan nito. Isa siguro itong devoloper na naghahangad makuha ang isla para pagtayuan ng power plant.

"I want to stay here for a while!"sabi nito na nakapagpataas ng kanyang kilay.

"Sir nasa bayan na po private plane na sundo natin. Kailangan na natin makipag meeting sa papa ninyo bago siya pumunta sa Barcelona bukas.".sabi pa nito.

Nakita niya sa mukha nito ang lungkot.

"I will come back! Para haranahin ka".pangako nito sa kanya. At parang kidlat na binigyan siya ng smack sa lips.

Napatulala naman siya na napahawak sa mga labi.

"Maloko talaga!"bulong niya sa sarili at tumalikod na ng makita na sumakay na ito sa bangka na maghahatid sa kanila sa bayan na marahil 20 minutes ang biyahe.

Naiiling siya sa sarili. Bakit niya hinayaan ito sa kapangahasan nito?

Hindi naman siya bago sa mga lalaki na nagpapansin sa kanya. Pero bakit napansin niya ito?

Iwinaksi na lang niya sa isip ang lalaki imposible naman magkita pa sila.

Dahil kahit siya ay hindi din taga isla. Andito lang siya kasama ang bago niyang kaibigan na nag conduct nag outreach program para sa taga isla.

She likes the place, sariwa ang hangin at maganda ang dagat. Sisirain lang ng mayayaman na developer para mas yumaman. Parang si Terence na iyon,balak yata sirain ang tahimik niyang buhay.

She's The OneWhere stories live. Discover now