One: I've found you

50 0 0
                                    



"Naaaaayyyyy!!!!"

Nagulat kaming lahat nang biglang sumigaw ang kapatid kong bruha na si Crystelle mula sa cr kaya bigla naman kaming napatakbo ni nanay palapit sa kaniya.

"Nak bakit!?" Tanong ni nanay sa kaniya habang nakadikit ang tenga sa pinto ng CR.

"Hoy Crystelle!! Anong kaartehan na naman ba yan!?"

Sigaw ko sa kaniya sabay hampas sa pinto ng CR, kaya naman hinampas ako ni nanay sa braso.

"Aray ko nay!"

Aish! Maarte naman talaga yun eh. >___<

"Nak ano bang nangyari?"

Tanong ulit sa kaniya ni nanay.

Tsk. Puro kaartehan alam jusq.
#-___-

Bumalik na ako sa sala at tumabi kay tatay at kay Carl na nanonood ng basketball.

"O nak, anong problema ni Crystelle?" Tanong sakin ni tatay nang makita ako.

"Ewan ko dun tay, nag-iinarte lang ulit ata."

"Grabe ka naman sa kapatid mo nak. Hahaha"

Tumawa lang si tatay at nanood na ulit ng basketball.

Orayttt!! Ginebra mamen! Go Scottie babes!

Ilang minuto lang ay bumalik na rin si nanay sa sala at tumayo sa harap naming tatlo.

"O ano daw nay?" Nagbuntong hininga lang si nanay at tumingin sa aming tatlo.

"Grabe nay ahh!! Pang mega announcement yung itsura niyo... Aray!" Hindi na natapos ni Carl yung sasabihin niya nang hampasin siya ni nanay ng unan.

"Dinatnan daw siya.... Wala nang stock ng napkin." Nagkatinginan kaming tatlo nina Carl, tatay, at ako.

"Wuaaaa!!" Paghikab ni tatay sabay tayo. "Inaantok na ako mahal, aakyat na ako."

"Aahh.. Hello? H-hello pre? Ah oo lalabas na nga ako eh." Pagkukunwari ni Carl na may kausap sa phone sabay tayo.

"Ano ba!!!" Hinila sila pareho ni nanay sa tenga at pinaupo.

"Bilisan niyo na at bilhan niyo na si bunso!" Sigaw ni nanay na nag-echo sa buong bahay.

Hehehehehe.. Im safe :>>>>>

Unang tiningnan ni nanay si Carl.

"Nay bakit ako? Nakakahiya nay!" Pagbubugnot ni Carl habang tumatadyak-tadyak sa sofa. "Si ate nalang!" Sabay turo sakin.

"Ako? Bakit ako? Parang kakagaling ko lang ng trbaho Carl noh?" Pagsu-sumbat ko sa kaniya sabay tadyak ko sa braso niya.

"Aray! Nay si ate oh!!" "Tumigil kayong dalawa!" Pareho kaming hinampas ni nanay ng unan.

Tskk.. Sumbong nanay -_- 17
years old na ehh..

Tumingin ako kay tatay. (•3•)

"HOY! CHASSANDRA LOPEZ! WAG MO AKONG TINGNAN NG GANYAN!! TATAY MO PA RIN AKO! KUNG HINDI DAHIL SAKIN HINDI KA MAKAKATAPOS NG PAG-AARAL..."

"Hep! Hep! Hep!! Ssshh na tay!"

Jusq tiningnan ko lang naman siya eh :<

"Akin na nga nay yung pambili."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko dahil baka atakihin pa ang tatay ko dahil sa pagtingin ko sa kaniya. >v<

Inabot sakin ni nanay yung pera. Bago lumabas ay tinadyakan ko muna ulit si Carl sa braso.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 20, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Someone Like YouWhere stories live. Discover now