Chapter 25

3.8K 106 18
                                    

UNEDITED

Aqua's POV

Kanina pa ko nakatulala sa Closet ko. Argh! Ba't ba ko ganito? Damn. Damn that Flegenhiemer.

Sumalampak nalang ako sa kama ko at tinawagan si Lami pero nang tatawagin ko siya ay biglang may tumawag sakin – si Min.

[Reene. Pinapatawag ka]

Shit nakalimutan ko. Pinapatawag pala ako kanina pa. Damn bakit ba naman kasi ako ginugulo ng Flegenhiemer na yon?!

"Okay. Be right there in 10 minutes." Ibinaba ko na ang tawag at kinuha ko ang black leather jacket ko at lumabas ng mansion.

-

Saktong sampung minuto ay nakarating na ko sa hide out namin. Sabay-sabay ang pagbati na ginawa nila Maxine, Zed, at Min saakin nang makita nila akong pumasok. Tinanguan ko lang sila at dumiretso ng office ng matandang hukluban.

Pero pagkapasok ko ng opisina ay laking pagtataka ko na isang babaeng nakatalikod ang tumambad saakin. Black na black ang buhok nito na hanggang sa kanyang balikat, pag titignan ko palang ang hubog na katawan neto ay nasa 40's ang babaeng ito. Kailan pa napalitan ang boss namin ng hindi namin alam?

"So.. Reene." Umarko ang kilay ko ng bigla siyang nagsalita. Bobo, nasa rules namin na hindi pwedeng tawagin ang mga assassins sa kanilang mga pangalan. Hindi na ko nagsalita at umupo sa isang couch

"Is that how you greet your new Boss?" may pagkainis ang sinabi niya pero malumanay ang pagkakasabi niya

"I see. So you're our new boss? You can't even follow our simplest rule here so how did you get qualified to be our boss? Calling me using my true name is against the rule." May pagkakairitang sinabi ko yon sakanya. Ang bobo naman neto, kabago-bago hindi alam. Nasan yung mga natutunan niya?

"Why? Even though it's on our rule, we won't get any punishments from that... But before I forgot Hera, you're going to have your own mission"

Ano pa bang bago bukod sa pabago bago ang boss namin ngayon?

"I'm giving you two days to finish it."

"Spill it." Nawawalan na ko ng pasensya ditto kaya gusto ko ng umalis

"Your husband. Mr. Dylan Flegenhiemer." Pagkasabi niya ng pangalan na 'yon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Fuck it. Ano nanaman ba 'to?

Lami's POV

"Sa nakikita mo dito sa CCTV, dalawang bata ang nakidnap ng araw na nawala si Austin. Dito sa CCTV 12, dito makikita mo kung saan nakidnap si Austin sa Ice Cream parlor ng bandang 14:22 PM, dito naman sa isang boutique, sa CCTV 11, katabi lang ng Ice Cream parlor, may nakidnap ring isang batang lalaki na halos katangkad rin ni Austin kung saan nakidnap din siya ng bandang 14:30 PM halos kaparehas ng oras na nakidnap si Austin. Teka sino ba si Austin?" pagtatakang tanong ni Zed.

Oo si Zed! Matapos ko kasing patayin yung tawag nung nakaraang araw eh sunod sunod na ang tawag na natanggap ko sakanya na humihingi ng paumanhin, pati kung kambal ko ginambala niya kaya ayun todo ang asar sakin. Edi wala na kong nagawa kundi sabihin sakanya kung ano dapat niyang gawin.

"Inampon naming yan nila Reene" sabi ko ng nakatingin parin sa mga Video galing sa cctv. Bakit halos parehas ang damit ng mga dumukot sakanila?

"Bakit niyo inampon? Wala ka bang balak mag asawa at magkaanak? Ako pwede naman ako. Malakas pa genes ko." may halong pagkaloko at manyak na ngiti sa sinabi ni Zed.

"Kikiligin na ba ko? Umalis alis ka diyan at baka hindi kita matantya at maisapak ko 'tong killer heels ko sa bulok mong pagmumukha." sinabi ko at tinapunan siya ng masamang tingin

Tumawa naman siya at tumingin sakin, "Balak mo ba akong patayin at gamitin pa yang nakakamatay mong heels? Sayang naman tong kagwapuhan ko kung wala pang nakakamana neto." Nakakamatay talaga 'tong heels ko dahil kapag may pinindot ka sa gilid ng heels ay may lalabas ng maliit na karayom na kung itutusok mo, ay mamatay na kaagad siya dahil nakuha ito sa Venom ng mga pinagsamang Viper, Inland Taipan at Blue Krait. Well. Halos lahat ng heels ko may ganito. For protection kasi ang ganda ko. Right?

"So anong pinaglalaban ng kapangitan mo? Dapat nga nawawala na yang mga gaya mo. Salot. Psh" Pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na siya. Nakuha ko na ang mga impormasyong kailangan ko

"Easy Lami. Tell me. Hindi ka parin ba naka-move on sakin?" napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya kaya napahinto ako.

"San mo nakuha yang kakapalan ng pagmumukha mo at sinabi mo sakin yan? Malamang naka-move on na ko! Ano ako head over heals parin sayo! As if!" Easy. Lami.

Hindi ko na siya hinayaang makapag-salita pa dahil lumabas na ko at hinayaan siyang nakatanga don.

3rd Person's POV

"Ano?! Hindi siya ang bata?!" Malakas na umalingawngaw ang boses ng isang babae sa buong bahay dahil sa katangahang nagawa ng mga tauhan niya. Walang natanggap na sago tang babae kaya mas lalo itong nainis.

"Pakawalan niyo po ako! Parang awa niyo na po!" sigaw ng isang bata mula sa isang silid.

"Manahimik ka! Pinapainit mo lalo ang ulo ko!" sigaw ng babae na siyang ikinatahimik ng bata dahil bigla niya itong tinutukan ng baril.

Bumaling ang babae sa isa sa mga tauhan niya, "Tawagin niyo si Hades."

Tumango ang tauhan nito at matapos ang labinlimang minute ay dumating ito na nakakunot ang noo.

"Ano?" tamad na sabi ni Hades.

"Punyeta ka! Ibang bata ang ipinakuha mo! Lintik yan! Palpak! Bwiset!" sunod sunod na sigaw ang narinig ng mga tao sa loob ng mansion.

"Hindi ko kasalanan na palpak ang mga tauhan mo. Ang ginagawa ko lang ay sabihin kung nasaan sila. Wag mo kong sisihin."

Mas lalong sumama ang tingin nito at tinawag ulit ang isa sa mga tauhan neto, "Patayin niyo ang bata."

---

-Stickynote~

A/N: Comment! Comment! Pag nainspire ako mag uupdate ako agad! Hahahaha pag nainspire ako ha? Bigyan niyo ko inspiration kase wala na siya. Joke! hahahahahahhaa So ayun. Wag naman 100 Chaps di kinaya ng utak ko yon. Jusko. Kaya tatapusin ko to at gagawa ako ng Book 2. Or gusto niyo, Story ni Austin? Pag lumaki na siya? Or Story ni Zed at Lami? (bet ko sila eh HAHAHAHA) or ibang story? what do you think guyss?

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Where stories live. Discover now