Chapter 1

1.7K 47 17
                                    

Dedicated to ofnighthawks for the book cover in the multimedia. :)

"Good morning!" Sigaw sa 'kin ng guard. Pero kinawayan ko na lang ito dahil wala na akong oras para makipag-usap. Tinignan ko ulit ang relo ko. Shit! 10 minutes na lang at magri-ring na ang bell at siguradong pagna-late ako nito ay yari na naman ako kay Ma'am Evil, oo Evil, sa totoo lang ang pangalan niya ay Evelyn Sunit pero mas gusto ko siyang tawaging Evil dahil grabe 'yon mamahiya. Kulang na nga lang ay maging Sungit na apelyido niya.

"Anong oras ang pasok, Ms. Alvarez?" Tanong sa 'kin ni Ma'am Evil ng may halong pagtaas ng kanyang isang kilay. Hindi naman ako papalag Ma'am.

"7am, Ma'am Sunit." Sabay yuko. Kapag kaharap ko siya ay nagiging pormal at isang mala-anghel ako, ayoko pa munang bumagsak sa kaniya 'no. Pero kapag sa isip ko lang ay Evil talaga ang tawag ko sa kaniya.

"Alam mo naman pala! Pero bakit 7:03am ka pa rin dumating sa school? H'wag mong sanayin ang sarili mo sa pagiging late dahil hindi ako natutuwa. Sit down!" At talagang sinigawan pa ako sa harap ng klase? Ngayon pa lang kaya ako na late. Umupo na lang ako, 'di rin naman ako mananalo sa kaniya kung makikipagtalo ako.

Ako nga pala si Cecilia Alvarez but you can call me Lia masyado kasing pang matanda ang Cecil at Cecilia. Kaya ayokong may tumatawag sa 'kin nito at ayokong may hindi tumatawag sa 'kin ng Lia. Nakakainis kaya!

"Hoy! Lia wala ka bang balak maglunch? Kanina ka pa nakatulala. Tungkol na naman 'yan sa ex-boyfriend mo?" Hala? Grabe naman 'to sa pagka-judgemental. Hindi ko namalayan na luch na pala.

"Hindi. Bakit ko naman siya iisipin?" Defensive kong sagot kay Pau.

"Edi hindi. Kunwari naniniwala ako. " Sabay irap ng mga mata niya. "Tara na nga!" Hinatak niya na ako patayo para makapunta sa canteen.

Siya si Pauline Gomez. Pau for short. Gaya ko, ayaw niya rin na tinatawag siya sa pangalan niyang Pauline. Simula no'ng pagtungtong namin sa high school ay lagi na kaming magkasama. Matalik ko siyang kaibigan. Ganyan naman talaga 'yan, lahat ng bagay binibigyan niya ng pansin at ng kahulugan. Matulala ka lang iisipin niya nang iniisip mo ex-boyfriend mo.

"Lia! Lia! Dali. Diba si Josh 'yon? 'Yong ex mo?" Wow! Pau speaking of talaga? Ha? Si Josh nandyan? Gosh!

"Pau! Ano okay lang ba mukha ko? May dumi ba? Maayos ba yung kilay ko? Pantay ba ha?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Kapag nandyan lang talaga si Josh tsaka ako naco-conscious sa mukha ko.

"Paano ako makasasagot Lia? Really? Sunod-sunod ang tanong mo tapos pagmamadaliin mo ko. Pero okay naman yung mukh-" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita niya. Hinalughog ko na agad yung bag niya, malayo pa naman si Josh.

"Ano bang hinahanap mo?" Feeling ko talaga naiirita na siya sa akin-- sa ginagawa ko. Pero okay lang 'yan. Mawawala rin naman 'yan mamaya.

"Yung salamin mo! Titignan ko lang yung mukha ko." Buti naman at nahanap ko na yung salamin niya. Agad ko itong tinatapat sa mukha ko. Wala naman pala talaga akong dumi sa mukha ko. Pero tumagilid pa rin ako saglit.

"Hoy! Anong gagawin mo at tumagilid ka?" Tanong niya ng may kasama na talagang pag-irap ng mga mata, halatang naiinis na naman siya sa akin.

"H'wag ka ngang maingay. Magre-retouch lang ako Pau." Sinimulan ko na ngang patungan ng lip tint ang labi ko. Tapos foundation ng kaunti sa cheeks ko. Sakto naman na pagkaharap ko ay ang pagdaan ni Josh.

"Uhm. H-hi J-josh." Nauutal ko pang sabi sa kanya. Pero imbis na sagutin niya man lang ng hi or hello yung sinabi ko sa kanya 'di niya man lang ako binate at pinansin, at ang pinaka-worst? Nilagpasan niya lang naman ako.

Remembering Apolinario Gomez (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon