Uptown Girl

31 3 0
                                    

Dedicated to _faithmarchella_, Para sa'yo, ang chapter na ito. Pero may isa pang chapter before this anak. hope hindi mo lagpasan. hahaha. Luvluv.

Katherine is the only daughter of Robert Andrews, ang CEO at may-ari ng isa sa pinakamalaking TV network sa Pilipinas. Dahil sa taglay na ganda ni Kate at dahil na rin sa nagmamay-ari ng TV network ang kanyang ama ay inakala ng lahat na papasok sa mundo ng show business si Kate.

But being in the limelight is not really her cup of tea. Lumaki ang dalaga na kasa-kasama ng kanyang ama sa mga premiere nights at kung ano-ano pang showbiz party. At dahil sa glamorosong mundo ng ama ay lumaki at nagka-isip na napapalibutan din ng glamour at showbiz ang buhay ni Kate.

And she doesn't enjoy the kind of attention people gave to her. Nang nasa High School na si Kate ay bihira na syang sumama sa mga pagtitipong pinupuntahan ng kanyang Daddy. Itinuon nya ang sarili sa pag-aaral. Nang magtapos ng Secondary ay gusto sana ng ama ni Kate na kumuha sya ng Business Administration sa College.

Paghahanda sa kanya para sa pagmamana nya sa iiwang posisyon at negosyo ng kanyang Daddy. Pero walang hilig sa negosyo si Kate lalo na nga at show business ang pag-uusapan. Kinausap nyang mabuti ang kanyang Daddy at sinabing ang gusto nya ay maging isang dentista at magkaruon ng sariling klinika.

Walang nagawa ang kanyang Daddy, mahirap ipilit ang isang bagay katwiran ng kanyang ama. Sa halip na makabuti ay baka makasama pa kay Kate at sa kanilang Network kung ipipilit ni Robert ang kanyang gusto.

Kahit naman mayaman ay nanatiling down to earth si Kate. Simple ngunit eleganteng kumilos at manamit ang dalaga. At mahahalata mo rito ang pagiging mayaman. Pero never na ipinagyabang ni Kate sa kahit kanino kung ano sya at sino sya.

Nang makapagtapos ay lalo pang naging down to earth si Kate, nanitili ang kanyang low profile life. Pero dahil sa taglay na galing sa pagiging isang dentista ay hindi rin naiwasan ni Kate ang sumikat.

Kasabay ng pagsikat nya ang kaibigang si Nicky at ang kanilang KathNicks Dental. Nung una ay iniisip ni Kate na marahil ay dahil sa kanyang Daddy kaya nakikilala ang KathNicks, isama pa ang maimpluwensya ring magulang ni Nicky. Pero napatunayan ng dalawa ang kanilang mga sarili at kakayahan.

Para kay Kate ay okay na rin ang natatamo nilang kasikatan at success at masasabi nyang sumisikat sya dahil sa kanyang galing sa napiling propesyon at hindi dahil sa anak sya ng TV network tycoon na si Robert Andrews at gusto nya ang ganung klase ng kasikatan.

Choosing the Right OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon