MLWMP 8

1.8K 38 7
                                    

Chapter 8

*Aya's POV*

Minulat ko ang mga mata ko, nagulat ako dahil puro kulay puti ang nakikita ako, kaya aagad akong napa-upo

"Hoy, dahan-dahan baka mahilo ka ulet!" sigaw ni... Carl?! 

"Carl?!!" sigaw ko, 

"Ay hindi Aya, Si Jam ako. tss" inis na sabi niya saken

"Eto naman e.! nagulat lang talaga ako kasi andito ka at ... teka? hospital ba to?!" gulat na tanong ko.

"Ano sa tingin mo? School?" masungit na sagot niya saken. Aba! napaka-sungit ngayon neto ah!

"Apaka sungit mo naman Carl" nag-pout pa ko. 

"Tss. Pinag-alala mo kasi ako ng sobra Aya e. pupunta ako sa inyo para makipag-celebrate ng Christmas tapos magdating ko dun, susugod ka na nila dito sa Hospital, ano ba kasing nangyari sayo hah?" nag-aalalang sabi niya

Inisip ko kung ano nga bang nangyari saken at napunta ako dito . ang alam ko lang e magka-usap kami ni Tyrone sa Cellphone tapos. Argh! bakit ba wala akong maalala?

"Tama na nga yang pag-iisip mo, kainin mo na tong pagkain mo, hindi ka tuloy nakapag-celebrate kasama ng pamilya mo." 

"Asan sila mama? ano daw nangyari saken?" 

"Nasa labas sila kausap yung doctor na nag-check up sayo." 

"hmm Carl." napatingin naman siya saken. 

"Bakit?" 

"Anong bakit!? kelan ka pa umuwi sa Pilipinas hah?! kainis ka!" tas binato ko pa siya ng unan , naka-ilag naman siya.

"Hahaha hindi ko sinabi sayo kasi gusto ko i-surprise ka, kaya lang ako naman yung na-surprise mo e."  natawa ako. nakakamiss din pala si Carl. simula nung napagpasyahan niya na tumanggi sa Arrange Marriage namin naging close na kami sa isat-isa, parang naging bestfriends. 

"Sorry na, hindi ko kasi iniingatan yung sarili ko e." tumayo siya at lumapit saken sabay gulo sa buhok ko. 

"Kahit kelan talaga Aya, hindi mo iniintindi yung sarili mo puro nalang iba, sige tingnan ko sila Tita kung tapos na sila makipag-usap dun" sabi niya sabay alis sa kwarto ko. 

 napa-isip ako, tama nga si Carl, yung sarili ko hindi ko na naayos, puro si kevin lang yung iniintindi ko. Pero ngayon, wala na si Kevin sa buhay ko, siguro panahon na para yung sarili ko naman yung atupagin ko. :) 

---

2 days lang ako namaligi sa Hospital, para naman makapag-pahinga ako, masyado daw akong na-istress netong mga nakaraang araw, alam naman nila mama yun, alam nila na wala na kami ni Kevin,nung una nagalit sila pero wala na din silang magagawa nangyari na e. wag na lang daw mag-isip nang mga bagay na tungol kay Kevin. 

"Besh! Tulala ka nanaman!" si Jam nga pala kasama ko ngayon nasa park kami. kauuwi lang niya kahapon. 

"Sorry" sumimangot naman siya. 

"Wag mong sabihin saken na iniisip mo nanaman yun?" nakataas pa yung kilay niya. ngumiti naman ako.

"Baliw! Hindi na nu, nangako ako sa sarili ko na iiwan ko na lahat ng mga bagay na nangyari samin, mag-momove on na ko." naka-ngiti ko pang sinabi.  

My Life with Mr.Pervert (Book 2 of Mr.Cold or Mr.Pervert)Where stories live. Discover now