Nandito kami sa isang lugar na pagaari ng mga montemayor ang isang sikat na resort may sariwang hangin at magaganadang hampas ng mga alon mula sa dagat na tanaw na tanaw mo ang kagandahan kahit na gabi na.
Hindi ko parin sinasagot si zayne siguro may tamang oras para dyan.
Nandito kami sa resort para sa bonding naming magkakaibigan nakapaikot ang mga lamesa namin habang kami ay umiinom.
"Ngayon nalang ulit tayo nag kabonding bonding" sabi ni kuya kina damon at zayne
"Tara maginom tayoo" sigaw ni kuya sabay taas ng beer na hawak nya. Di nya alam na may surpresa kami sakanya.
Hindi natuloy ang kasal ni Ella kaya bumalik sya dito. Hindi nya naman mahal ang lalaking ipapakasal sakanya at buti nalang daw hindi natuloy ang kasal.
"Bakit ba puro lambingan nalang ang inaatupag nyo" sabi ni kuya sa mga kasam ko.
"Bitter ka lang!" sabay sabay na sagaw ng mga kasama kong love birds. Natawa nalang ako kase biglang umalis si kuya at pumunta sa dalampasigan at tsaka nag tampisaw doon.
Pagkatapos mag tampisaw si kuya ay bunalik na sya. Sinenyasan ko yung babaeng nasa likod ko na pumunta na kay kuya.
Lumapit naman yung babaeng yun kay kuya at tsaka niyakap mula sa likod.
"You miss me?" sabi ni ella
"Yess I really really miss you" sabi ni kuya sabay tingin sa likod nya at halata sa pagkagulat.
"Bakit ka pa bumalik?" sabi ni kuya na medyo napalayo pa kay ella.
"Bumalik ako dahil mahal kita" sabi ni ella para lang kaming nanonood ng drama popcorn nalang ang kulang.
"Mahal? Umalis ka at iniwan mo ako" sabi ni kuya. Sinenyasan ko na umalis muna kami para makapagusap ng maayos yung dalawa.
Pagkaalis namin may dalawa naman kaming love birds na nakita sa dagat at naglalambingan pa. Sila sisy at damon.
Dahil medyo malapit naman kami sakanila narinig ko na nagsabi si kaye ann ng.
"Bat ang daming langgam" sabi ni kaye ann habang kunyareng may tinatapakan nakisakay din ako sa trip nya.
"Makalanggam ka naman kaye ann, hiyang hiya naman ako sa inyong dalawa ni mattson halos maghubaran na nga kayo sa harapan namin kanina sa table sa sobrang kalambinggang nyo" sabi sisy kay kaye ann.
Nakalimutam ko nga palang sabihin yung kina kaye ann at mattson sila na rin at kanina nga sa sobramg lambingan nila halos maghubara na sila. Kiss sa noo kiss sa ilong kiss sa pisnge kiss sa labi ay halikan pala sa labi hanggang sa leeg. Yan yung mga ginagaw nung dalawa habang sa table kami.
Lumayo na lang ako sakanila ramdam ko na sumusunod parin saakin si zayne.
Yakao yakap ko ang aking katawan sa sobrang lamig ng hangin sa tumatama sa aking katawan.
Nagulat ako ng may yumakap saakin mula sa likuran.
"Alam mo kung nilalamig ka sabihin mo lang saakin,nandito naman ako para yakapin ka" sabi ni zayne.
Umikot ako lara yakapin ko rin sya siguro eto na yung pagkakataon.
"Zayne" tawag ko sakanya habang nakayakap parin sya saakin.
"Hmmmm" tangin banggit ng kanyang mga labi.
"Zayne mahal na mahal kiya ayaw ko nang mawala ka saakin" sabi ko sakanya at hiniharap nya naman ako.
"Sinasagot mo naba ako?" masiglang tanong nya saakin.
Tumango ako sakanya at sinabing.
"oo, sinasagot na kita" sabi ko sakanya at naoayakap ulit sya saakin ng sobrang higpit.
"pangako hindi an kita iiwan,hindi na ako mawawal pa sa tabi mo" sabi ni xayne na iniharap nya ulit ako sakanya.
Nakita ko naman ang mga mata nyang kumikislap at bumaba ito sa labi ko tumingin din ako sa labi nya.
Dahan dahan nag dampi ang mga labi. Ramdam ko ang kasiyahan nya at kagustuhan nyang halikan ako. Gumalaw ang mga kanyang labi at bahagya kong ibinuka ang saakin di nag tagal naging mapusok at mas lumalim ang mga halik na yun saakin nag respond narin ako sa halik nya iginapang ko ang aking mga kamay papuntang sa leeg nya at sya naman ang kanyang kamay ay nagumpisang bumaba hanggang sa aking baywang di kong maitatanging masarap syang humalik tumingkayak ako ng onti para di na sya mahirapan sa paghalik.
Tumigil kami para habulin ang aming hininga nakakalunod ang mga halik na iyon at parang gusto ko pa ng isa.
Humiga sya sa buhangin sa dagat maganda ang buhangin dito mapipino at kulay puti. Nahiga narin ako doon malayo kami sa ano mang problema.
Umusog ng unti para matapatan ang mukha ko.
"I love you" sabi nya saakin ang ngumiti
"I love yo---" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla nya naman ako hinalikan.
Naramdaman ko ulit ang masasarp nyang halik ibilagay nya ang kanyang mga palad sa aking pisngi. Lumalim ang mga halikan namin ng may marinig kaming sigaw.
"Anong ibig sabihin nito?" sabay sabay na tanong nila sisy at damon na nakahawak pa si damon sa bewang ni sisy, si mattson naman ay nakaakbay kay kaye ann si kuya at si ella naman ay magkaholding hands na.
"Kami na" sabay na sabi namin sakanila.
YOU ARE READING
That Nerd (The nerd revenge)
Teen FictionStarted: December 26 2016 Ended: May 19 2017 That nerd(Completed)
