MCAME 29: Emergency with Renzie

54 2 0
                                    


MCAME 29: Emergency with Renzie

Her POV

Nandito ako sa bahay at nag papahinga hindi nila ako pinapakilos at pina pagpahinga pa nila ako dahil sa nangyari sa'kin. Ang sabi ko ay okay naman ako pero sila parin ang mapilit na huwag na akong kumilos at ang masasabi ko ay naninibago dahil umaayos na ng pa konti konti ang bahay namin at nag kakaroon na ito ng laman.

Ang ibig sabihin ko sa laman ay bago na ang sofa namin hindi na 'yung kahoy kahoy at ang sahig namin ay maayos na rin ang pag kakasemento, ewan ko dahil ngayon ko lang na pansin na ganito na pala ang bahay namin. Tinanong ko kanina si kuya sabi niya matagal na daw iyun pinaayos ni tatay. Saan naman kaya 'yun kumuha ng pang ayos? Mukhanag nakaka ahon na sila tatay at nanay.

"AAATTTEEE!!!! Hanap ka ni ate Renzie dito sa labas" sigaw ni Chloe

"Papasukin mo na lang"

~*~

"Babes! Ngumiti ka naman! Kasi naman eh!" daldal ni Renzie

"Tsss.. susugod ka sa bahay tapos papa bihisin mo ko tapos pa emergency-emergency ka pang nalalaman. May emergency na pala sa mall!" singhal ko sa kanya.

"Ehh kaya nga hindi ko sinabi kasi nga hindi ka sasama!"

"Oo na, nandito na ako oh! Kasama mo na ako, okay?"

"Hahahaha huwag kang mag alala ililibre naman kita papa-ayos ko kasi yung buhok ko"

At wala na nga akong nagawa kung hindi ay sumunod sa kanya dito sa mall na 'to. Hindi ba nakakasawa dito eh palagi na nga siyang nandito.

---flashback---

"Babes! Kailangan mong sumama sa'kin" Renzie

"Bakit naman? Anong nangyayari? Saan ako sasama?" sagot ko

"Basta kailangan mong sumama sa'kin"

"Ayoko habang hindi mo sinasabi" pagmamatigas ko

"Emergency 'to kaya kailangan mong sumama, Dalian mo ng kumilos hihintayin kita dito"

"Ahh okay okay, dadalian ko lang!" sagot ko sa kanya.

~*~

"Saan tayo pupunta?" pang ilang beses ko na ba 'tong tanong ko sa kaya mula sa bahay.

"Basta nga! Maghintay ka na lang" 'yan na naman ang sagot niya kada tanong ko ganyan ang sagot niya. Nakakainis na!

"Renzie" pagbabata ko sa kanya.

"Ehh kasi naman eh!" pagmamaktol nito

"Ano nga?"

"Kasi naman! Gusto kong hulihin si Renz, nakita ko kasi siyang may kausap na babe noong nakaraan at narinig ko na magkita na lang daw sila sa mall ngayong araw kaya kita yinaya" paliwanag neto. Eh ano naman kung may kausap si Renz na may babae? Bakit ano ba sila, baka naman ---

"Ano ka ba ni Renz?"

"Aray ko babes ah! Manliligaw ko siya! Liniligawan niya ako, eh kung hindi pa nga kami ay nambabae na paano pa kapag kami na? kaya hinuhuli ko na siya ngayon pa lang"

"Bakit hindi ko alam na nililigawan ka niya'ng lalaking 'yan, hindi mo man lang sinabi sa'kin! Pa emergency-emergency ka pa'ng nalalaman!" galit na singhal ko sa kanya. Bwisit na 'to!

---End of flashback---

Kaya nandito ako ngayon sumusnod sa kanya at siya naman ay kulang na lang pahabain ang leeg kaka hanap kung saan saan. Lingon dito, lingon doon, tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Nahihilo na nga ako sa kanya eh, at eto pa kanina pa kami nandito oh! Bwisit hindi ko namalayan ang oras kakahanap sa hinahanap niya.

"Renzie, pagod na ako atsaka akala ko papa-ayos mo pa 'yang buhok mo" reklamo ko sa kanya.

"Oo nga pala! Tara na hhehehe, sorry na babes"

At dumiretso na kami sa salon para maka-uwi na rin kami! Nakakapagod kahit naglakad lakad lang kami.

"Renzie baby!" tawag sa kanya ng isang babae na may edad pero makikita mo sa kanya ang kagandahan na hawak niya.

"hi tita! So alam mo na 'yung akin!" sabi neto. Lumingon naman siya sa'kin at bahagyang linapit sa tita niya. "Eto naman si Zephanie, ang ganda niya noh? Pero tita kasi yung buhok niya maganda naman tigan sa kanya pero tayong mga babae kailangan ng make over, you know"

"Hahahaha alam ko 'yan, baby, ako pa ang nag turo sa'yo niyan kaya nagagalit ang mama mo sa'kin" sagot naman ng tita iya at nagtawanan sila. Matapos ng moment nila ay kinausap ko na si Renzie.

"Anong pati ako aayusan?"

"Babes, kailangan na natin 'yun huwag kang mag alala pa-birthday mo na lang sa'kin ang isang 'to"

"Kasi naman eh, nakakahiya kaya"

"Sus, huwag ka ng mahiya, aayusan ka ng mga tao dito dahil bestfriend mo ko"

"tss.. ano pang magagawa ko kahit naman mag protesta ako ay panalo ka parin"

'Hahhahaha so tara na" aya niya sa'kin atsaka lumapit sa tita niya "Tita we're ready ahhaha, ikaw ng bahala sa kanya pero may sasabihin ako tita! Pwede sa school namin ang may kulay ang buhok kaya pagandahin mo siya ah!"

"Okay baby" masiglang sagot ng tita niya atsaka ko pina-upo at sinimulan ng ayusan.

------------

Hi! I want to say na thank you sa patuloy na nagbabasa ng MCAME kahit minsan ay natatagalan ang pag update ko! Enjoy Reading.

Love lots :* <3

Ms. Commoner and Mr. EliteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon