EPILOGUE

9.4K 89 28
                                    

Easton PoV

Napangiti ako nang makita ko ang pag-sikat ng araw. Andito kami ngayun sa palawan para magbakasyon, mas masaya sana kung kasama ko dito si Mindy, ang saya niya pa naman kasama. Lalo ko tuloy siyang namimiss. Tulog pa lahat ng kasama ko, pagod siguro sila dahil sa activity namin kagabi. Kahit na bumabagsak pa ang mata ko y pinilit kong tumayo para panuorin ang ang sunrise, pabirito naming gawin 'to ni Mindy nung nandito pa siya sa pilipinas pero ngayun na malayo na siya sa akin gusto ko pa rin panuorin kahit mag-isa lang ako, alam ko rin naman na nanunuod din siya ng sunrise dun sa Korea. Kung pwede lang sana sa Korea na rin ako tumira ginawa ko na, pero hindi ko magawa dahil nandito ang business namin ayoko namang iwan nalang yun ng basta-basta.

"Easton, kailangan natin mag-usap"

Napatangin ako sa gilid ko at nakita ko si Kylie, may nakapatong na jacket sa balikat niya.

"Ang aga mo ah? Hindi ka rin ba nakatulog ng maayos?"

"Kailan mo ba sasabihin sa kanya ang totoo?" kalmado niyang tanong.

Umiwas ako nang tingin sa kanya sa bagkus sa dagat nalang ako tumingin. Alam ko ang tinutukoy niya at ang hirap para sa akin na sagutin iyon.

"Wag mo na akong kulitin tungkol jan, Kylie. Alam ko ang ginagawa ko"

Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong nainis siya sa sagot ko. Kung alam niya lang sana kung gaano kahirap para sa akin ang ganitong sitwasyon.

"Ano bang alam mo? Easton hanggang kailan mo ba itatago ang totoo? Pwede bang sabihin mo nalang!"

"Hanggang kaya ko! Alam ko naman na mali ang ginagawa ko, hindi mo ba naiintindihan ha? Masasaktan siya kapag nalaman niya, alam mo namang ayaw kong mangyari yun diba? Kung pwede kong itago habang buhay ang katotohanan ay gagawin ko"

Lumapit siya akin at bigla niya akong sinampal. "Ang selfish mo, Easton! Sa tinggin mo ba magiging masaya ka kapag ginawa mo yun? Kailangan niyang malaman yun, hindi lang si Kyle ang niloloko mo pati rin si Anne at yang sarili mo. Kaya please Easton, sabihin mo na sa kanya ang totoo, kailangang malaman ni Kyle na hindi niyo siya kapatid. Sana magawa mo yun bago sa iba niya pa malaman"

Iniwan niya akong naguguluhan. Gusto ng sumabog ng utak ko sa sobrang gulo, paano ko sasabin kay Kyle ang totoo? Ayaw ko siyang masaktan, kapag nalaman niya ang totoo alam kong sobra siyang masasaktan at ayaw ko yun mangyari. Wala naman akong pakielam kung hindi namin siya kadugo, para sa akin kapatid namin siya, kahit anong mangyari ay proprotektahan ko sila ni Anne, mahal na mahal ko sila.

Mali na kung mali, gagawin ko ang lahat para maging sikreto ang tungkol kay Kyle. Ipagdadasal ko na wag dumating ang oras na malaman niya ang totoo, hindi man siya nanggaling kay mama gusto ko pa rin siyang maging kapatid, tatlo kaming magsasamasama sa iisang bahay na masaya na walang halong kalungkutan.

Hanggang kaya ko silang protektahan ay gagawin ko, mahal na mahal ko silang dalawa.


WAKAS

Hiiii readers! Tapos na po ang Revenge Of a Wife, sobrang tagal ko 'tong ginawa, pero umabot kaya hanggang sa wakas. Maraming Salamat! Kayo po ang inspirasyon ko sa pagsusulat, kung wala kayo ay baka hindi ko ito natapos, maraming salamat po!

I hope na nagustuhan niyo ang buong istorya, pwede bang malaman sa comment? Ano pong masasabi niyo sa buong kwento? Share mo naman, pleaseeee. Salamat sa supporta niyo kay Anne, Zyril, Easton at Kyle, at sa galit niyo kay Maricris.

Book 2? Yesssss! Meron pong Season 2 ang Revenge Of a Wife! Title "Maybe this Time"
Kung kailan ko naman po ipopost ang Chapter One? Second Week po ng May, medyo matagal po talaga kasi busy po ako eh. Pasensya na!

Iyan po ang magiging book cover, pero pwede pa po yang mabago

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Iyan po ang magiging book cover, pero pwede pa po yang mabago. Kaya hintay lang po kaya hanggang May! Salamat and I Love you! 😘

God Bless 😊

#RevengeOfaWifeEnding

Revenge of a WifeWhere stories live. Discover now