Chapter 3 - A dream is a wish your heart makes

144 58 47
                                    

A dream is a wish your heart makes



DALAWANG katok sa pinto ang gumambala sa pagmumuni-muni ko habang tahimik na pinapakinggan ang tumutunog na music box na hawak ko. Napalingon ako sa bahagyang bumukas na pinto at nakita ko ang mukha ni Yanna na parang batang sumisilip.



"Iya?" panimula niya. Agad naman akong umayos mula sa pagkakasandal ko sa headboard ng kama. Tuluyan na siyang nakapasok at tinabihan ako. Napansin niya rin ang hawak ko.

"Is that a... music box??" namamanghang tanong niya na para bang ngayon lang siya nakakita ng ganito sa totoong buhay.

Saglit akong napangiti habang pinagmamasdang mabuti ang umiikot-ikot na babaeng sumasabay sa masarap na tunog ng music box, "Ang ganda, ano?"

"True! Very classical..." aniya at hindi na tinatanggal ang kanyang tingin sa music box ko noong inabot ko sa kanya ito. "This is so wonderful! Saan ka nakabili ng ganito?!"

"That's priceless. Sa maniwala ka't sa hindi, si tatay ang gumawa niyan nung mga panahong nililigawan niya pa si nanay kaya sobrang importante niyan sa akin," sabi ko habang ang mga mata namin ay nakatutok lang sa babaeng sumasayaw sa music box. Sobrang sarap ng pakiramdam ko sa tuwing naririnig ko na itong tumutunog. Pakiramdam ko'y para akong nakaupo sa itaas na bahagi ng kagubatan, nakapikit, at ang tanging ingay na naririnig ko lang ay ang ingay ng preskong hanging humahampas sa aking balat.



Napatutop siya ng bibig sa narinig, "Ang galing naman ni tito! Ganun niya talaga kamahal ang nanay mo! Paano niya kaya ginawa 'to? He surely had a hard time creating this stuff!" manghang mangha na sabi ng bestfriend ko habang kinakalikot ang music box kaya inagaw ko na ito agad sa kanya. Mahirap na, baka masira sa sobrang pagiging kuryoso niya.

"Bes naman! Sisirain mo pa yata. Oo naman, ganun niya kamahal si nanay. Hindi nga raw biro ang naging love story nila, eh. Pero siguro, wala talagang makapipigil sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, 'di ba?" sabay yakap sa music box na hawak ko.

"Unfortunately, wala nang ganyan ngayon. We're already living in a world where people are more like trend clothes na pwede mo lang palitan anytime you want kapag ayaw mo na o kapag nakakita ka na ng bago..."

"Wala na nga ba?"

"I'm confident na wala na. Lahat ng lalaki ngayon, lalapitan ka, magmamagandang loob sa 'yo for a cause. It's impossible for us to meet a guy na walang hidden agenda," matapang na sabi niya.

"Hindi rin. May mga classmates naman ako, since high school hanggang ngayon, eh, sila pa rin. Masaya naman sila," Ayokong sumang-ayon dahil naniniwala ako na hindi lahat ng lalaki ay gaya ng iniisip niya.

"I think, it's because isolated sila sa isang place kaya walang threat sa relationship nila. But I'm certain na kapag may isa sa kanila ang pupunta sa ibang lugar, I bet, hindi rin sila magkakatuluyan ng present niya."

"Huh? Paano naman mangyayari 'yon?"

"Kasi syempre, may makikilala siyang bago. Let's say lalaki yung pupunta sa ibang lugar, so, LDR silang dalawa. Then, here comes the intruder, siya yung pupuno sa pagkukulang ni present kay guy tapos magiging happy na ulit si guy pero hindi na dahil kay present kundi dahil kay intruder. Eventually, magbibreak lang din silang dalawa ni present and sila nang dalawa ni intruder! Ganyan yung cycle sa isang relationship, paulit-ulit lang." Nawingdang ako sa isinaad niya. Ganun na ba talaga ang kalakaran sa pag-ibig ngayon? Sa tingin ko, hindi pa rin, eh. I mean, hindi lahat. Hindi laging ganyan ang nangyayari sa isang relasyon. Naniniwala ako na may relasyon talaga na genuine ang love kaya kahit anong mangyari ay walang makasisira nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Love Can DoWhere stories live. Discover now