Bewitching Wings - Twenty Seven

145 10 0
                                    

(Teardrops in the rain = CNBlue)

🎵 No one ever sees
No one feels the pain
I shed teardrops in the rain
I wish upon the star
I wonder where you are
I wish you're coming back to me again
And everything's the same like it use to be.🎵

Pinilit ni Gian na hindi mag crack ang boses nya dahil sa mga ala alang nag flashback sa isip nya.

Pumikit sya at hindi pinansin ang mga taong tumitili at tinatawag ang pangalan nya. Hindi sya pwedeng magkamali ngayon dahil sa kanya nakatutok ang spotlight at sya lang ang nakikita sa stage habang ang mga kaibigan nya ay nasa madilim na gilid at hinihintay matapos ang solo performance ni Gian.

"Ayos lang kaya na ayan ang pinakanta natin sa kanya? " bulong ni Lance habang inistrum ang gitara nya. Sya ang tumutugtog habang kumakanta si Gian.Pinatay nya ang mic na malapit sa kanya para hindi marinig ng audience ang pinaguusapan nila.

"Di naman ako ang pumili ng kantang yan eh. Si Manager Oh. " sabi ni Dwayne habang pinagmamasdan si Gian na kumakanta.

"Si Manager talaga oh. Alam nyang broken hearted si Gian ngayon tapos ayun pa ang napili nya para sa Solo. " reklamo ni Xander kaya napakibit balikat nalang si Dwayne. Tinuon naman ni Lance ang atensyon nya sa tinutugtog nya.

🎵I see the days go by
And still i wonder why
I wonder why it has to be this way
Why can't i have you here like it used to be.🎵

"San nga kaya pumunta si Dmitree? " tanong ni Xander habang inaayos ang hawak nyang base guitar dahil malapit na nilang sabayan si Gian sa pagtugtog.

"Maniwala nalang tayo na babalik sya para kay Gian. " sabi ni Dwayne at pinagmasdan si Gian na nakapikit pa rin habang hawak ang drumsticks nito.

🎵I don't know which way to choose
I can't find the way to go on.
I don't know if i can go on without you.🎵

Napalayo ng konti si Gian sa mic nang maramdaman nya ang pagtulo ng luha nya. Pinunasan nya ito ng palihim at nagpatuloy sa pagkanta.

"Sa tingin ko tinamaan ng malupit ang kaibigan natin. " bulong ni Xander na sinang ayunan naman ng dalawa.

"Masyado na syang nasasaktan sa mga nangyayari. " sagot ni Dwayne.

"Malalagpasan nya rin yan." (Lance)

"Di ko alam kung kaya nya. " nag iisip na sabi ni Dwayne. Sa nakikita nya ay mukhang matagal pa bago maging maayos si Gian. Alam nyang nagkukunwari lang itong malakas sya pero sa totoo lang ay unti unti na itong nawawalan ng pag asa.

🎵Even if my heart's still beating just for you
I really know you are not feeling like i do
And even if the sun shining over me
How come i still freeze
No one ever sees, no one feels the pain. 🎵

'Love, come back to me please? I'm dying.' Sa isip isip ni Gian at nagsimula ng ipalo ang drumsticks nya.

"Sabayan na natin mga bro. Mukhang bibigay na. " Sabi ni Dwayne at pumunta na sa gitna at inayos ang mic sa harap nya. Ganun din naman ang ginawa ng dalawa.

"Guys what the hell are you doing? " dinig nilang sabi ng manager nila.

"Don't worry manager. Kaming bahala. " sagot ni Xander at tinanggal ang earpiece nyang suot. Ganung din ang ginawa ng dalawa.

Bewitching Wings (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon