Kabanata 37:

757 18 0
                                    

Kabanata 37:

Allyna POV

Kanina pa ako napapagod sa kakaikot namin dito ni Allyssa sa loob ng hotel… Hay! Ang tagal naman kasing makipag meeting ni Allyda. Yayain ko sana siyang magshopping!... iilang damit lang kasi ang nadala namin dahil masyadong hassle kapag madame. Babalik din naman kami sa France mga ilang araw mula ngayon…

“Hay salamat tapos na din sa kakaikot!” bulalas ko habang papasok na kami ng office namin.

Hindi ako pinansin ni Allyssa sa halip dire-diretso lang siya sa upuan niya at agad na nagtrabaho kaagad…

Ang boring naman!! Gusto ko muna lumabas eh! Nasaan na ba si Allyda at hanggang ngayon wala pa din…

Tumingin ako sa kinaruruonan ni Allyssa, magpapaalam sana ako…

“Allyssa!” tawag ko.

Hindi siya umumik… “Pwede bang lumabas muna… papahangin lang at pwede mag shopping?” feeling ko para akong bata na nag papaalam sa nanay. Hay!!

“Bahala ka!! Hindi naman ako nanay mo noh!!” ang sungit na Madam ngayon…

“Nagpapaalam lang naman ako. Mamaya kasi magtaka kung bakit na ako naglaho!!”

“Tss!” sabi niya at agad na binalik ang atensyon sa ginagawa niya. Napaka workaholic talaga nitong babaeng to. Lumipas nga ang tatlong taon na wala siyang ginawa kundi ang magaral, magturo ng sayaw at makipag bonding saamin pero kapag lovelife ang pinaguusapan ZERO ang sagot namin. Ewan ko ba diyan! Masyado atang mahal si Xhander…

Pagkalabas ko ng office. Dumiretso kaagad ako sa may garden, ang ganda kasi ng Ambiance dito. Sarap sa pakiramdam!!

Nakaupo lang ako doon habang tumatama saakin ang sinag ng araw!! Wow feeling ko magkakaroon ako ng VITAMIN C kahit na hapon na! enjoy na enjoy kasi ako sa sinag ng araw…

Enjoy na enjoy lang ako doon ng may naramdaman akong tumama saakin. WHAT THE HELL??

“Aray!!” sigaw ko…

May lumapit naman din kaagad saakin na babae.

“Ay sorry! Hindi ko po sinasadya…” sabi niya.

“Sinadya mo man o hindi. Hindi parin tama na maglaro kayo dito!!” pagsusungit ko… hindi naman siya bata! Bakit naman kaya siya naglalaro dito… Tss! Ka-age ko nga lang ata to eh…

“Sorry po talaga!!” sabi niya.

“Hay naku!!... sige na! umalis kana lang…” pantataboy ko. Ang ganda ganda kasi ng upo ko dito tapos may biglang tatami sa precious head ko…

“Sorry po talaga! Naglalaro po kasi kami ng boyfriend ko kaya po natamaan kayo ng bola…” Wow! Ano tong hotel namin. Playground…

“Playground na pala ngayon ang Hotel namin!!” sabi ko. Nakakairita na ah!! Dito ba naman maglaro!

The Dancers Story [COMPLETED]Where stories live. Discover now