Cellphone

12 3 0
                                    

Cellphone

Written by: luv_is_in_da_air

Started and finished: April 8 2017

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ariane Denise's POV

"Ariane Denise Gomez!!!! " naku! yan na naman ang kalog kong best friend nambwibwiset na naman ng gising ko.

Araw-araw na ata akong dinadalaw ni Hailey Cortes. Ang best friend ko na sobrang kalog. Kada-umaga pupunta siya rito sa bahay para lang gisingin ang dyosa na si Ariane Denise. Matagal kasi akong gumigising. Tulog mantika ako eh. Hehehe.

"Ano ba Ariane?! Gumising ka na mahahagard ang beauty ko sayo eh. " tss tamo to ang yabang. Hmmp!

"Eh sino bang nagsabi sayo na puntahan mo ako dito kada umaga, ha?! " sumbat ko sakaniya. Nakakabadtrip tong babaeng to eh.

"Syempre ang magandang nilalang na si Hailey. Kaya gumising ka tulog mantika! " maganda naman.

"Oo na! Maliligo lang ako. Bwiset! " wala na. Sira na umaga ko. Letse!

Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko bumaba na ako.

"Buti naman at natapos ka na rin. Kanina pa kaya umiinit pwet ko kakaupo. Alam mo ba yon? Hmmp! " nakapamewang na sabi niya sa akin.

Inirapan ko lang siya at pumunta sa dining namin.

"Oiy, naku wag mong sabihin kakain ka pa? " wika na naman niya. Ang daldal ano?

"Baket? May problema? " nakataas kilay kong tanong. Abat may plano atang idiet ako. Not gonna happen men!

"Aba! Ariane para sabihin ko sayo quarter to seven na at malapit na mag-start ang class hours kaya sa school ka na kumain para makahabol tayo sa klase. Lika na!" at yun tinangay ako.

Sira na talaga araw ko. Badtrip na nga ako pagising pati ba naman pagkain bwibwisitin ako netong bruha nato. Abat nangaabuso na siya ah. Huhuhu. Nakadiet ngayon si madame dyosa Iya. Huhubels...

"Hoy, Iya what's with the face? " tinanong mo pa! Dahil to sayo oiy.

"Tse ang bwiset mo. Ginambala mo na nga beauty rest ko pati sa pagkain ko gagambalain mo akong bruha ka. Huhuhu. " pagmamakatol ko pero siya umirap lang at hinila na naman ako nung nakaabot na kami sa main gate.

Nung nakapasok na kame tumigil na kami sa away namin at tas noong naglakad mahirap na baka madaanan si crush. Yiiee. (Ang harot mo teh! Bilib ako sayo) Pshh panirang author magsulat ka na nga lang kambal mo ata si Hailey eh. Pareho kayong kalog. (Correction pareho kaming dyosa) author tumahimik ka. Bwiset na bwiset na araw ko. Arghh!

Malapit na ako sa room at ang dami na naman bulungan about kay Lawrence Ferrer. My ultimate crush. Ay wait like na pala. Hehehe...

'Ghadd! Girl ang hot talaga ni Lawrence no? '
'Sinabi mo pa. Eh sa kahotan nga niya pati panahon sumabay na rin. '
'Alam niyo ba buntis ako? '

Hala jusko ang landi ni ate buntis raw siya hala sinong ama?

'Talaga?! Sinong pudrakels? '
'Tinatanong pa ba yan. Syempre si lawrence ang hot niya kasi kaya ayan bumilog. '

Cellphone(one Shot)Where stories live. Discover now