Kabanata 21

188 2 0
                                    

Scarffe Jade

"Nahihibang ka na ba? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo? Lalayuan ko si Asul? Bestfriend ko sya." tugon ko habang naglalakad papasok ng bahay. Oo, sinusundan ko sya habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

Naiinis ako. Ayoko ng ganito. Pareho ko silang kaibigan at ayokong maging magka-away sila.

Tumigil sya sa kanyang paglalakad at hinarap ako. Nabigla ako dahil bigla nyang nilapit ang kanyang mukha sakin kaya napaatras at napalayo ako.

"Ano naman ngayon kung bestfriend mo sya? Layuan mo sya!"

"Nahihibang ka na talaga noh? Hindi madali ang sinasabi mo. Kaibigan ko sya, kaibigan kita at saka ano bang dahilan mo at gusto mo at gusto mong layuan ko ang bestfriend ko ha?"


---

Celsius

Gusto kong sabihing 'Ikaw ang Ku Liefde Deva ko, kaya wala kang karapatang makipag-mabutihan sa kanya'. Kaso hindi ko ginawa. Hindi ako nagsalita at basta na lang syang iniwan.

Lumabas ako ng bahay. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko na gusto itong nararamdaman ko para sa kanya. Habang tumatagal ang panahon na nakakasama ko sya ay sya namang lalong nagugustuhan ko sya, aminin ko man o hindi, nagugustuhan ko na sya.

At sa panahong nakakasama ko sya ay nararamdaman ko na ring unti unti na rin akong humihina. Humihina dahil hanggang ngayon ay hindi ko parin sya namamarkahan. Magkaduktong ang buhay namin sa isa't isa kaya hanggang walang bond pa ang nabubuo ay mananatiling anumang oras ay nasa binggit ng katapusan ang buhay naming dalawa.

Nanatili lang ako sa isang waiting side. Marami ang nandito dahil hinihintay nila ang jeep na dadaan ngunit nandito ako para magpahupa ng sama ng loob.

Hindi ko gusto si Asul. Hindi ko sya gusto at ayokong lumalapit sya kay Scarffe.

Nanatili ako dito hanggang sa paunti unting nagsisi-alisan ang mga tao hanggang sa tuluyan na silang mawala. Sa aking pag-iisa dito, nagbalik sa alaala ko ang pinakadahilan kung bakit nandito ako sa mundo ng mga Ihmisen, yun ay para makilala ko ang Ku Liefde Deva ko pero ngayong nakilala ko na sya at nakasama ay hindi ko sya pwedeng ariing akin dahil mahal na mahal ko parin si Mandee.

Maaaring unti unting nawawala na yon sa araw araw na nagdadaan pero hindi ganung kadaling maghilom ang sugat ng nakaraan.

Hindi na ako naglakad pabalik sa bahay kundi nag teleport na lang ako papunta sa bahay. Malamang ay tulog na si Scarffe. Kaya hindi ko na lang sya iistorbohin.

----

Scarffe Jade

"Pinatawag ko kayong lahat para sa isang mahalagang anunsyo--" sabi ng babaeng boss namin habang naglalakad ng back and forth.

"Boss, aalis na ba kayo sa karinderyang ito at iba na ang magiging boss namin?" sabad naman ng isa sa mga katrabaho ko dito.

Nainis naman ang boss namin at agad syang binato ng hawak nitong ballpen at sa kasamaang palad ay tinamaan sya. Sandaling nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat na hindi nagtagal ay muling nabalik kay boss dahil umubo ito.

"Kagaya nga ng sinasabi ko kanina bago ako BINASTOS,  ay may mahalaga tayong gagawin at kapag sinabi kong tayo ang ibig sabihin non ay para sa inyo at hindi para sa kin. Anyway, nakakasawa na ang design ng karinderya ko kaya gusto ko ng make over. Ayusin ang mga estante, ung mga pagkaka-ayos nito. Lahat. "

"Naiinis ako dahil nagkaroon ng bagong bukas na karinderya dyan sa may kanto at balak pa atang kalabanin ang karinderya natin. Kaya bibigyan ko kayo ng tatlong araw. Gusto ko ng makeover! Gusto ko maganda. At kapag hindi nyo nagawa ang gusto ko sa loob ng tatlong araw tanggal na kayo sa trabaho"

Tumango naman ang lahat. Napatungo na lang ako. Wala namang magagawa kundi tanggapin ito. Maging ang mga kusinero ay tutulong din.  Nagsimula na akong magwalis at nilapitan ko si Celsius. Naalala ko kasi na kailangan ko syang i-train.

Kahit na hindi ko gusto ung sinabi nya sakin kagabi ay hindi ko na lang siguro iisipin. Baka kasi, na-pressured lang sya dahil first day sa trabaho.

"Scarffe, tubig oh, inom ka muna. Kanina ka pa nagwawalis dyan" napalingon ako dun sa nagsalita. Isang nakangiting mukha ni Asul ang nakita ko. Wala sa sariling napalingon ako kay Celsius at nakita kong ang talim ng kanyang tingin kay Asul.

Seryoso, bakit ba galit si Celsius kay Asul?

Tatanggapin ko na sana ang basong inaalok ni Asul ng biglang nagsalita si Celsius.

"Wag mo ng tanggapin 'yan. Ako ng bahala. Tara sama ka sakin, ako  na ang kukuha ng tubig mo. Hindi ka siguradong malinis at walang lason ang tubig na yan."

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon