Fairagons

53 24 0
                                    

-Haru-

Hindi ako makapaniwala. Nasa harapan ko ngayon ang aking ina. Salamat sa 3 nagagandahang mga model ng Asia ay este ng thread of life, okay seryoso thanks to the Fates, they helped me found her. Masaya ako dahil nakilala ko na siya. Pero may bahagi din sakin na syempre masakit. Bakit kung di dahil sa mga Fates ay wala siyang balak na magpakita sakin? Sana man lang gumawa siya ng paraan, parang pag-ibig lang may effort bes, ganern.


"Anak, patawarin mo ko kung ngayon lang tayo nagkita. Alam mo naman diba yung tagubilin at panuntunan naming mga dyos at dyosa. Ipinagbawal kami ni Zeus na makita kayong mga anak namin. Masakit man sakin ay kailangan kong sumunod sa utos niya." hinawakan ni ina ang aking mga kamay. Malamig (malamang) ngunit napakalambot nito, damang dama ko ang kanyang pagmamahal. Medyo niluwagan ko ito ng konti.


"Eh bakit po si Demeter? Nagawa niyang bumaba from heaven para makita niya si Eury. Alam ko naman po yung rules and regulations niyo eh. Though shall not see your demigod children at any cost, pero hello po? May mga damdamin din po kami. Malamang po na gusto kong makaranas ng kung paano magkaroon ng isang magulang." hindi ko napansin na may luha na palang napatak mula sa aking mga mata. Naging butil ng yelo ang mga ito ng tumama sa aking mga kamay. Nasasaktan ako sa tuwing naalala ko ang nakaraan. Heto na may flashback 'to mga bes. Imaginin niyo na lang black and white ang backgroundXD. Feelingera po si ate.


Flashback

"Bilisan mo nga dyang bruha ka! Ang bagal, bagal mo kumilos? Anong petsa na?!" reklamo ng pinsan ko. Andito ako nakatira sa bahay ng tiyahin kong ubod ng sungit. Hindi ko alam kung saan niya kinukuha lahat ng angry hormones niya sa katawan at tila ako lagi ang kanilang pinagbubuntungan ng kanilang galit sama mo na rin itong only child at spoiled brat na pinsan ko. Patay na ang aking lola na nagaruga sakin noon. Mahal na mahal ko siya. Kinuwento niya sakin kung paano namatay ang aking ama sa isang gang fight. Yeah. Isang mobster maniac ang tatay ko. Sobrang galing niya makipaglaban. Kaya lang sa kasamaang palad napatay siya ng di inaasahan. Bata pa ko nun kaya hindi ko pa tanda ang itsura niya. Simula noon tinuruan ako ni lola mag self-defense tulad ng martial arts at kung ano-ano pa. Gagamitin ko lang daw ito kung kinakailangan.


"Ano ba?! Bilis bilisan mo ang paglilinis ng bahay! Gusto mo ba talaga akong mapagalitan ni Papa no!" nakalimutan ko palang sabihin sa inyo na naglilinis ako ng bahay. Hindi ko naman talaga Gawain 'to eh. Nakatoka sakin ang pagluto, kaso nga lang ubod ng katamaran itong pinsan ko. At nga pala si Tito Raven lang ang kakampi ko sa bahay. Taxi driver siya at kapatid ni ama. Sinamahan niya si Tita Bruha este Tita Viera sa palengke.


"Oo, Nicole, sandali na lang ito. Pwede bang pakisuyo naman yung sinaing natin? Baka nasusunog na yun. Pakiusap naman oh."pagsusumamo ko sa kanya. Naglilinis na ko ng dingding, Pwe! Daming sapot! Dagdag mo na din ang sang katerbang alikabok! Nasisira na tuloy kagandahan ko!


"Ano ka?! Sineswerte?! Gusto mo bang sampalin kita riyan ng makita mo?! Hoy! Kung makautos ka kala mo senyorita ka dito! FYI, pinapalamon at pinapatira ka lang dito sa pamamahay namin kaya dapat talagang gawin mo yan! Makaalis na nga! Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!" buti naman no! Akala mo kung sinong kagandahan!


Nakauwi na sila tito at tita. Mabuti na lang at natapos ko kagaad lahat ng mga gawain. Naloka tuloy ang gorgeous body ko pero keri pa naman. Kinaumagahan, kasalukuyan akong naglalakad galing sa tindahan ni Aling Nena ng makita ko si Tito na naghihingalo sa kalsada. Napansin ko ang isang kotseng mabilis na humarurot paalis. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at tumawag sa ospital, kaya sinundan ko ang kotse. Nagulat ako sa bilis ng aking pagtakbo. Mabuti na lamang at nakakita ako ng isang motorsiklo at mabilis na sinundan ko sila. Napansin nila yata ang aking pagsunod kaya pinaputukan nila ako ng baril, mabuti na lang at naka ilag ako. Mas lalo ko pang pinaharurot ang motor at sinadya kong ibangga ito sa likod nila at tumalon ako na parang nag aacrobat. Nabangga sila sa isang poste.

PARIAH (Completed)Where stories live. Discover now