Chapter 7

65 40 32
                                    

Chapter Seven: Nalilito

Audrey's Point Of View

Nagbihis agad ako at nagayos upang babain ang mga bisita na tiyak ay kanina pa ako hinahantay.

"Anak tapos ka na ba dyan?" Sigaw ni mama mula sa labas ng aking pintuan.

"Palabas na po, ma." Maikli kong tugon.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako upang makita ang mga bisita.

"Sige mga hija kumain lang kayo ng kumain dyan." Naku naman si Mommy andaming pagkaing niluto nila ni Ate Karla. Para kang bibitayin mamaya-maya na lang. Eat like this is the last day of your life ang tema sa sobrang dami ng pagkain. Hahaha.

Tinawagan ko kanina si Allen upang imbitahin sa munting salo-salo dito sa aming bahay ngunit di daw sya makakapunta dahil may pinapaasikaso daw ang kanyang ama sa opisina.

"Thankyou po tita." Wika nina Megan, Trinity at Shine.

"Congrats Bestie." Dagdag nila. Niyakap nila ako ng mahigpit.

"Bakit di namin alam na may nambubully sa'yo, huh?" -Megan

"Eto naman syempre nung bata pa ako nun." Wika ko.

"Pero pag may umapi sayo ngayon, kame ang makakalaban nila." Pataray na simabi ni Megan.

"Pero dabest ang sagot at ginawa mo kanina ha. Pang Ms.Universe at pang Oscar slash Famas awards ang actingan. Hahahaha." -Trinity

"Award winning bes. Hahaha." Dagdag pa ni Shine.

"Sayo na talaga ang korona. Pak! Hahaha." Akto nilang ipapasa ang invisible crown mula sa ulo nila at ipinasa sa ulo ko.

"Thankyou Beshies. Thankyou Squad DyoSarap!" Binigyan ko sila ng malapad na ngiti sabay beso isa-isa. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng mga supportive at totoong kaibigan.

Hanggang Kailan (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon