Chapter #25: Random Time
Aspen's P.O.V.
"Woah!" Kaagad silang napalingon sa akin, bago ako napatayo at tumakbo sa pwesto nina Vanda.
"Ano na naman 'yan, Aspen?" Tanong niya.
"Makakausap na natin sina Mula." Nakangiti kong sinabi, bago pinakita sa kanila ang phone.
"Teka, ano?" Tanong ni Ate Peri.
"Tingnan niyo, nagpara-siyang skype, hindi ba?" Pinakita ko, pero imbes na mukha, ang bawat screen ang nakikita. Sa ngayon ang background lang ang nakikita namin sa laptop ni Ate Peri.
"Nice! Teka, paano na?" Tanong ni Ate Peri, bago lumapit sa akin sina Metric, Uare, at ang iba pa.
"Pupunta ako sa Notes, para mabasa nila ang sasabihin natin." Nakangiti kong sinabi, bago ito ginawa.
"Anong ita-type ko?" Tanong ko.
"Ako na. Ako na." Agaw ni Kuya Trape.
"Hi, Mula at Rinter. Kamusta kayo diyan? Buksan niyo 'yung Notes diyan, at saka itype ang sasabihin niyo ng magkaintindihan tayo. Kailangan namin ng tulong." Binabasa ni Kuya Trape ang sasabihin, bago niya ito itina-type.
"Nabasa na ba nila?" Tanong ni Kuya Trape.
"Siguro," sagot ko.
"Wait! Tingnan mo, ginagawa na nila." Sumilip ako sa phone, bago nakita ang arrow ng mouse kung saan, binuksan ang notes, at nagsimula ng magtype.
"Si Avi?! Kamusta si Avi?" Si Uare ang nagbasa, bago ito tumingin sa amin.
"Grabe si Mula, parang 'yung Lola ko lang. All-CAPS." Sinabi nito.
Kaagad na nagtype si Kuya Trape.
"Ayos na si Avi dito. Nasaan ba kayo?" Tanong niya.
"Teka, sabihin mo kung kasama niya si Rinter!" Singit ni Vanda.
"Teka, teka." Sinabi ni Kuya Trape.
Mula's P.O.V.
Sa ngayon, magkatabi kami ni Rinter, na nakaharap sa laptop.
"Ayos lang ang kapatid ko!" Sabay tingin ko kay Rinter.
"Mainam." Walang emosyon niyang sinabi.
Ayos na si Avi dito. Nasaan ba kayo? Nandiyan ba si Rinter?
Kaagad akong lumingon kay Rinter, bago siya tumango.
"Oo, nandito siya, nasa labas pa'rin kami, sa eroplano. Kamusta na ang grupo diyan?" Pagbasa ko sa tinitipa ko.
Tatlo na ang nawala sa amin, ang dalawang bata. Pati si Ate Rea.
Napahawak ako sa bibig ko na lumingon kay Rinter.
"Sabihin mo, kung kailangan nilang makaalis diyan." Biglang sinabi ni Rinter, bago ako nagsalita.
"Natural kailangan nila! Hindi sila ligtas doon." Kaagad kong sinabi. Napailing lang si Rinter.
"Sabihin mo na ang plano ko." Sabi nito, kung kaya't kaagad ko na itong tinipa.
Pagkatapos nang ilang sandali, ay nagsimula na silang magtype.
Ayos. Ayos, pero kakayanin mo Rinter?
Napatingin ako kay Rinter, bago siya tumango, at bago ako nagtype.
"Oo." Tipid kong sinabi.
Maya-maya lamang ay bigla silang may-tinype, at bago pa mabuo ang sasabihin ay kaagad na binura.
YOU ARE READING
Virus Z: Not Yet Over
AdventureBook II of "Virus Z". Sabay-sabay nating ipinta ang reyalidad sa mundo ng pantasya. Survivors VS Survivors | Existers VS Existers Highest rank #7 in Adventure Category. 05|10|17 -LadyYaef
