YOSI - 7

3.4K 136 17
                                    

Nathan's POV

"Jayce!" sigaw nina Kuya at Papa.

Mabilis kong binuhat si Jayce, hinawakan ko ang tama nya. Damn! Ang daming dugo!

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko hahayaang mawala sya sakin.. ulit.

Binuhat ni Kuya si Mama habang taranta namang ini-start ni Papa ang sasakyan. Pumasok kaming dalawa ni Kuya.

Napaiyak ako ng makita ko ang kalagayan ni Jayce. Sobrang sakit makitang nahihirapan ang taong mahal mo. Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Wag kang bibitaw Jayce.. mahal na mahal kita.." bulong ko sa tenga nya.

Umiiyak si Papa ng mga oras na yun. Alam ko na nagsisisi na sya. Sobrang higpit ng hawak nya sa manibela. Mabilis rin ang takbo ng sasakyan.

"Kasalanan mo 'to Pa! Putangina! Ayaw mong mag-paawat! Tangina! Tangina!" sigaw ni Kuya kay Papa. Humagulgol si Papa.

Pinagsusuntok ni Kuya ang upuan ng kotse.

"Patawarin nyo ko.." sabi ni Papa.

"Patawarin? Ha? Patawarin? Tangina! Hinding hindi ko kayo mapapatawad kapag may masamang nangyari sa kapatid ko! Tangina! Ipinaliwanag ko na sainyo lahat! Pero ano? Hindi kayo nakinig! Walang kasalanan si Nathan dito Pa! Dahil sa punyetang prinsipyo mo, mapapatay mo ang kapatid ko.." umiiyak na sigaw ni Kuya Royce.

Ako? Walang kasalanan? Sa pagkakaalam ko, ako ang puno't dulo ng mga nangyayaring ito. Dahil sa kalasingan ko nung gabing iyon ay nakipagtalik ako sa babae at nagsalita ng kung ano-ano na nakita at narinig mismo ni Jayce, kaya sya naaksidente..

Kasalanan ko pa rin! Kasalanan ko!

Nakarating kami sa ospital. Sinalubong agad kami ng mga nurse. Binuhat ko si Jayce at dumiretso na kami sa E.R. Pinaalis muna kami ng nurse dahil sila na raw ang bahala. Inilagay rin sa kabilang kwarto si Mama.

Napalingon ako kay Papa. Dahan-dahan syang napaluhod. Hindi ko sya masisisi kung ganon ang naging reaksyon nya nung makita ako. Dahil tangina! Sinaktan ko yung anak nila at normal lang na magalit sya sakin.

Umiiyak sya. Lumapit ako sa kanya at inalalayan sya sa upuan, na malugod nya namang tinanggap.

"Patawarin mo ako.. Nathan.. Kung nakinig lang sana ako kay Royce, hindi mangyayari 'to.. Patawarin mo ko.." mahinang sabi nya habang umiiyak.

Inalo ko sya sa pamamagitan ng yakap.

"Ayos lang yun Pa.. Magiging okay rin ang lahat. Magtiwala lang tayo.." bulong ko sa kanya. Tumango sya, medyo kumalma na si Papa.

Lumapit si Kuya at niyakap si Papa.

"I'm sorry pa.. sorry kung nasigawan kita.." paumanhin ni Kuya kay papa. Gumanti na rin ng yakap si Papa.

Tumawag ako sa bahay para kamustahin si Noah. Napag-alaman kong kanina pa ito umiiyak at hinahanap si Jayce. Nagising kasi sya kanina na wala si Jayce sa tabi nya. Hinanap nya ito sa kabuuan ng bahay pero wala, doon nya ako ginising at sinabing nawawala ang Dada nya.

Naisip ko kaagad ang bahay nila kaya pumunta ako doon. Hindi ko man lang sumagi sa isip ko na ganito pala ang mangyayari.

Maya-maya pa ay lumabas na ang doktor na isa sa nag-obserba kina mama at Jayce. Seryoso ang mukha nito.

Kinabahan ako, natatakot akong marinig ang sasabihin nya. Nilakasan ko na lang ang loob ko. Inihanda ang sarili sa anumang pwedeng mangyari..

"I'm sorry. Ginawa na namin ang lahat pero 'di na kinaya ng pasyente.." sabi nya.

YOSI •manxman•Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon