CHAPTER 8 - WHAT?! I'M INLOVE??!!

96 1 0
                                    

CHAPTER 8 – WHAT?! I'M INLOVE??!!

EUNICE’s POV

After kung kumain ay dumiretso muna ako sa kwarto ni Ray. Tinignan ko lang sya tapos lumabas na ako.

Pumunta na ako sa kwarto ko.

Nagpalit na rin ako ng damit.

Sabay higa sa kama at nakatulog.

.

.

.

.

.

.

.

.

AFTER 5 hrs.

Tagal noh?

Pagmulat ko ng mga mata ko ay agad akong bumangon.

Si Ray!!!

Anong oras na ba?!

Pagtingin ko ay 5:30 na pala ng hapon!!

Nakalimutan kong pakaiinin si Ray, painumin ng gamot at tignan kung ano ang temperatura niya ngayon!

Agad akong lumabas sa kwarto ko at saktong lumabas na si Tita Jenny mula sa kwarto ni Ray.

“Eunice. Gising ka na pala.” Sabi ni Tita Jenny sabay sarado ng pinto ni Ray.

“Kamusta na po si Ray?” Yun kagad ang tinanong ko.

Hala baka kakadating lang ni Tita Jenny.. Nakalimutan ko!!

“Ayus naman siya. Tinawagan kasi ako ni Maye na nagkalagnat daw si Ray at inuwi mo daw siya. Inalagaan mo pa nga daw eh. Pero napaaga ang uwi namin sa trabaho eh wala kasing gagawin kaya naisipan ko na ring tignan ang kalagayan ni Ray. Nadatnan kong natutulog lang siya at nakatulog ka na rin.” Sabi ni Tita Jenny.

“S-Sorry po talaga. Hindi ko naman po-” –Ako.

“Salamat talaga Eunice ah. Alam ko namang napagod ka kasi nalaman ko pa kay Maye na mula sa rooftop hanggang sa pagpapaalam mo sa teachers hanggang sa bahay ay dala-dala mo si Ray. Salamat talaga. Sige na magpahinga ka na. ^___^” Sabi ni Tita Jenny na nakapagpagaan ng loob ko.

Kala ko kasi papagalitan niya ako kasi nga diba nakatulog ako. Hayys. Akala lang pala.

"Ay mag-ayos ka na ha at kakain tayo sa baba mamaya. SIge na.." Tapos umalis na si Tita Jenny.

Pumunta na muna ako sa kwarto ko at napansin kong ang gulo gulo pa ng buhok ko na halatang bagong gising. Buti na nga lang at walang muta T____T.

Nagayos na lang ako ng sarili ko at syempre nagwawala na ang mga alaga ko sa tyan kaya dumiretso na ako sa baba para tumulong. Masyadong napaaga ata ang kain namin.

Pagdating ko sa baba.

May bisita pala sila Tita. At mukhang may kainan..

Grabe ganito ba ang mayayaman? Kasi samen pag may bisita bibilhan ko lang ng biscuit at softdrinks eh.

Eh dito.. With matching masasarap na pagkain.

Siguro mga businessman yang mga yan.

Hayyss.. 

Taltlong tao ang nasa bahay nila Ray ngayon.

Napansin kung napakaganda ng isang babae dun..

Hayyyss. Sana ganun na lang ako kaganda sa kanya.

Crush Kita KasiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt