PROLOGUE

85 9 0
                                    


Kasalukuyang natutulog si Colin sa sofa dahil iyon na lamang ang tanging natitira sa kaniyang bahay.

Hindi mawari ni Colin kung ano talagang nangyari sa kaniyang bahay. Ilang beses naring tinawagan ni Colin ang kaniyang pinsan ngunit nakapatay ang telepono nito.

Naalimpungatan si Colin dahil may naramdaman siyang pumitik sa kaniyang noo.

Iminulat ng dalaga ang mga mata nito at nagulat si Colin ng may makita siyang nakatayo sa kaniyang harapan. Isang lalaki at titig na titig ito sa kaniya.

Tumayo si Colin at agad na kinuha ang paper spray sa kaniyang bulsa, itinapat ni Colin ang paper spray sa mismong mukha ng lalaki.

"Sino ka, at anong ginagawa mo sa pamamahay ko? Siguro magnanakaw ka no? At paano ka nakapasok dito? Siguro pumapatay ka ng"- hindi naituloy ni Colin ang sasabihin dahil hinila ng binata si Colin sa kanang kamay.

"Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Colin.

"Bakit naman kita bibitawan" pabalik na tanong ng binata kay Colin.

"Isa, pag ito umabot ng lima makakatikim ka sakin!" inis na sambit ni Colin. Hindi natinag ang binata sa ginagawa niya at pinagpatuloy niya ito hanggang sa makarating sila sa gate.

Bumalik ang binata sa loob at agad niyang kinuha ang gamit ni Colin at inilagay niya iyon sa loob ng maleta. Lalabas na sana ang binata ngunit may natanaw siyang tumpukan ng iba't ibang libro, hindi na nagdalawang isip pa ang binata at kinuha niya ang  lahat ng iyon at ipinasok ang iba sa maleta at ang ibang natira naman ay hinawakan na lamang ng binata.

Nang makalabas, inilapag ng binata ang maleta sa mismong harapan ni Colin at inihagis naman ng binata ang mga natirang librong hawak nito.

Napatulala si Colin sa ginawa ng binata.

"Simula ngayon wala ka ng karapatan pang tumungtong sa pamamahay na ito dahil pagmamay-ari ko na ang lahat ng ano mang nakikita mo dito" malumanay na sambit ng binata habang nakaharap ito kay Colin.

"Anong wala, siraulo ka pala eh! sarili kong bahay ayaw mo kong patuluyin!" inis na sambit ni Colin sa mismong pagmumukha ng binata.

Napahilamos ng mukha ang binata dahil may naramdaman itong tubig sa kaniyang pagmumukha.

"Talsik mo lumalaway" tugon ng binata habang seryoso ang mukha nito.

Humagalpak naman ng tawa si Colin habang nakahawak pa mismo sa kaniyang tiyan na animo'y nahihirapan pa sa paghinga dahil sa narinig nito mula sa binata.

"Anong tinatawa tawa mo diyan" masungit na sambit ng binata habang pinagmamasdang tumawa ang dalaga.

Tinignan ng masama ng binata si Colin at ganon rin ang iginanti ng dalaga.

"Para lang sa iyong kaalaman, ibinenta ang bahay na ito at ako na ang bagong may-ari ng lahat ng ano mang nakikita mo dito" pagdidiinan ng binata sa mismong pagmumukha ni Colin.

"Pwe!", singhal ni Colin dahil may naramdaman siyang tumalsik na laway sa kaniyang mukha.

"Nagpapatawa ka ba, eh ako ang may-ari ng bahay na ito tapos sasabihin mong ikaw!" sarkatiskong aniya ni Colin.

Tinitigan lamang siya ng binata ng masama. Hindi na hinintay pa ni Colin kung ano mang sasabihin pa ng binata dahil agad siyang pumasok sa loob ng bahay, habang hirap na hirap hilahin ang kaniyang maleta at agad itong nahiga sa sofa upang ipagpatuloy ang naudlot nitong pagtulog. Hindi na nagsayang pa ng oras si Colin na kunin ang mga libro nito na nakakalat sa labas.

Agad ding sumunod ang binata sa loob at hinanap si Colin kung nasaan ito.

Mabilis na natanaw ng binata si Colin na nakahiga sa sofa at mukhang himbing na himbing ito sa pagtulog kahit na kakahiga pa lamang nito, habang yakap yakap ang unan at mayroon ding unan sa paanan ng dalaga.

FULLHOUSEWhere stories live. Discover now