Chapter 20.

2K 50 0
                                    

Date Published: June 17, 2017
Date Re-Published: May 23, 2020

CHAPTER 20.

REBECCA'S POV

Umuwi ako sa bahay dahil sa tinawagan ako ni kuya Reb-Reb na pumunta sa bahay kaya naman nagpaalam ako kay Trine at pumayag naman siya.

Naabutan ko silang tatlo nila Ramone at Rajon sa sala at may hawak na folder. Nang nakalapit na ko sa kanila ay tumingin sila sa direksyon ko.

"I called you dahil kailangan mong malaman 'to." Kinuha ko 'yung papel at binasa ang nandoon. Kumunot ang noo ko habang nagbabasa.

"Walang picture o pangalan pero may iba pa tayong kapatid." Komento ko at binalik 'yung papel. Inayos na nila 'yung mga papel.

"Masyadong tago ang mga information tungkol sa kanila kaya 'yan lang ang nakuha namin." Paliwanag ni Ramone.

"My gahd. Bakit hindi nila sinabi ang tungkol dito sa'tin?" Tanong ko naman. "'Yan din ang gusto naming itanong." Sagot ni Rajone at napatingin ako sa phone ko.

Nagtext sa'kin 'yung secretary ni mommy at sinabi na nandoon sila sa opisna nila ngayon. "Punta na ako sa opisina nila mommy." Sabi ko.

"Nagtext ako kanina sa secretary niya kanina kung nandito na ba sila at sinabi niyang nandito na nga sila ni dad."

"Puntahan mo na para itanong ang tungkol sa mga kapatid nating hindi natin kilala." Tumango ako at hinalikan sila sa noo saka umalis na.

~~~~

Pumunta ako sa opisina ni mommy at naabutan ko silang dalawa ni dad na naglalandian sa loob. Kumunot ang noo nang nakita ko silang gano'n.

"Mommy." Tawag ko at napatingin siya sa'kin. "Yes, sweetheart?" Nakangiting tanong niya sa'kin at nilapitan ako.

"Remember what you said four years ago? About do'n sa org na pwede kong mamana mula sa'yo?" Tumango siya.

"Is it still available? I think I need it. To protect my family." Seryosong saad ko. "Do you know something na hindi namin alam na alam mo?" Tanong niya.

"Lady Dayanara. Siya 'yung totoong dahilan kung bakit po kami naghiwalay ni Riel noon. Hindi ko lang sinabi ang totoo dahil ayokong mas mahirapan si Riel." Sagot ko.

"Ako po ang target niya dahil pinatay niyo ang mga magulang niya. Gusto niyang patayin ako bilang ganti." Sabi ko.

"Hindi alam ni Riel ang pagiging Amorous ko ng time na 'yon kaya ang sabi lang sa kaniya ni Lady ay gusto niya kong patayin dahil target niya ang lahat ng mga kakampi ng Amorous at Lacosta." Paliwanag ko pa.

"May nakatakas pa lang isa nang hindi natin napapansin, Silvan." Sabi ni mommy. "I know. Hindi ko rin alam na may nakatakas." Sabi ni dad.

"The group is still available, anak. Do you still remember lahat ng mga tinuro namin sa'yo noon?" Tumango ako.

"Pwede naman po akong mag-practice habang naghi-hintay ng schedule for application para po sa entrance exam." Sagot ko.

"Good girl. Bibisitahin ka namin doon if may free time kami." Tumango ako at kinuha na niya ang phone niya may tinawagan.

Lumapit si dad sa'kin at ngumiti. "Kung kailangan niyo ng tulong, we're here." Umiling ako. "May problema pa po kayo sa mga Constantine kaya kaya na po namin 'to." Sagot ko.

Dangerous Love (Ashworth Series #2)Where stories live. Discover now