CHAPTER 8: ACCIDENT

12.1K 150 4
                                    

Avery’s POV

            Maaga-aga akong umuwi ngayon galing sa work ko, kasi tinawagan ako ni Mom na pabalik na raw sila dito sa Pilipinas. Isang buwan rin ang nakalipas ng umalis si Dad dahil nga tinawagan siya ni Mom dahil sa mga meetings nila abroad. At ngayon nga ay kakatawag ni Mom na bibisita siya sa bahay namin ni Drix. Excited nga ako kasi first time ko na makakasama ang parents ko sa 18th Monthsary namin ni Drix bilang mag-asawa. Pero hindi ko pa rin mai-aalis sa sarili ko ang kabahan.

            Kanina kasi bago ako nagtungong Super Market ay pinakiusapan ko si Drix through text na, kahit ngayon lang ay umuwi muna siya sa bahay namin para makita ng parents namin, that we are good. Ayoko na kasing mag-alala pa sila kasi sa edad nilang ‘to ayoko na problemahin pa nila ang totoong estado ng relationship naming mag-asawa. Wala man akong matanggap na reply mula sa kaniya alam kong mababasa niya iyon at alam kong darating siya dahil alam ko rin na hindi niya bibiguin ang parents ko.

            Masaya akong nagluluto ng mga putaheng ihahanda ko dahil alam ko na ang gabing ito ang kauna-unahang pagsasalo-salo namin ng pamilya ko kasama ang asawa ko. At sigurado akong magugustuhan nila ang luto ko, lalo na ang asawa ko. Halos lahat nga mga paborito nila ang mga inihanda ko.

Nang mai-ayos ko na lahat ng mga niluto ko sa hapagkainan ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko upang makapag-shower at makapag-ayos na rin ng sarili ko. Kailangan ko kasing maging maganda sa paningin ng asawa ko kahit ngayong gabi lang. Isa rin kasi ‘yon sa payo nung libro na binili ko sa NBS dati kong saan ko nakita sila Drix at Zena na magkasama.

Sakto namang paglabas ko ng banyo ay narinig ko ang sunod-sunod na ring ng phoneko, kaya naman dali-dali ko itong kinuha sa may bed side table ko at agad na sinagot. 

            Hindi ko alam kong ano na ba ang itsura ko ngayon, basta ang alam ko lang ay tinatahak ko na ang hospital kong nasaan ang mga magulang ko. Todo-todo ang pagpintig ng dibdib ko na tila ba gusto na niyang kumawala sa akin dahil lang sa tawag na natanggap ko mula sa nurse kani-kanina lang.

Sinabi nito na naaksidente raw ang aking mga magulang malapit sa crossing ng subdivision namin. Ang sabi naman ng mga pulis ay hindi raw napansin ni Papa ang paparating na track kaya nagkasalpukan. Kaya pala parang nakaramdam ako ng kakaiba kanina, ‘yon pala may nangyari ng masama sa parents ko.

            At heto na ako ngayon, tinutungo na ang ER kung saan inooperahan na ang aking mga magulang. Ayon sa sinabi ng nurse sa akin kanina ay pareho raw kritikal ang lagay nila. Nang makarating ako sa ER ay nakita ko na lang mula sa labas ng kinatatayuan ko na hindi na magkandaugaga ang mga nurses at mga doctor dahil dalawa ang kanilang niri-revive. Basta isa na lang ang tumatatak sa pandinig ko, ang isang nakaririnding tunog ng isang bagay na pinakaayaw ng lahat na marinig sa hospital. Kasabay n’on ang katagang—

“CLEAR!” Kasunod niyon ay ang nakabibinging tunog na kinakatakutan ng lahat sa ospital.

            Wala na. Wala na sila. Iniwan na rin nila ako. Wala ng natira sa akin. Namalayan ko na lang ang aking sarili na yakap-yakap ko si Dad na pilit kong ginigising na sana ay nagbibiro lang siya. Na sana ay nagtutulog-tulugan lang siya. Pero bigo ako. Dahil wala man lang akong maramdaman na kamay na hahaplos sa aking likuran at sasabihing okay lang siya.

Humarap ako sa kanan ko kung nasaan ang aing ina. Tulad ng kay Dad ay ginawa ko na ang lahat ng pwede kong gawin ngunit, tila wala na silang naririnig. Iniwan na talaga nila ako ng tuluyan.

Almira’s POV

            Nasa kasagsagan ako ng aking paghahapunan ng biglang tumawag saakin si Avery at sinabing nasa hospital daw ang parents niya dahil sa isang insidente kaya naman agad akong nagtungo sa ospital na sinabi niya.

GROW OLD WITH YOU [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon