Playboy 27

11.6K 172 18
                                    

Playboy 27





Nakaupo lang ako habang hinihintay ang mga doctor sa pagtawag sa amin. Nasa tabi ko naman si Will at hawak hawak niya ang kaliwang kamay ko. Bawat minuto ay hindi niya nakakalimutang halikan ito. At dahil doon ay kahit papaano ay gumagaan ang loob ko.



Napapikit na naman ako.



Naalala ko, hindi pa pala ganoon kaayos ang kondisyon ni William. Napakapabaya ko. Nakakainis. Hindi ko man lang inisip yung kalagayan niya.

"Babe..."



Napatingin ako kay Will at mukhang nag-aalala narin siya.



"Will..." nanginginig kong tugon sa kanya. "Paano kung may mangyare sa kanya? Paano kung hindi na siya magising?"

"You're overreacting babe."

"Normal lang sa akin ang mag-react, Will. Anak ko ang pinaguusapan natin dito."

"Anak ko din naman siya. Pero nakikita mo ba kong sobrang mag-alala?"

Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Wala kang pakielam sa anak natin?"

"Babe naman..." Hinuli niya ang kamay ko. "Ang iniisip ko lang, pag nalaman ni William na sobra tayong nag-alalala, sa tingin mo magugustuhan niya iyon?"

Napakagat ako ng labi ko.

"Lighten up. Kaya ni William iyan. At mas lalo niyang kakayanin kung kakayanin mo rin. Be strong for him."



Napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Napasapo ako ng mukha ko at direchong tumingin sa pinto ng ER.

Agad lang kami napatayo ng lumabas doon ang doktor. "Okay naman ang kondisyon niya. Just prevent him from doing any sports at wag niyo siyang hahayaang maging malungkot. Sa ngayon ay nagpapahinga siya at natutulog sa loob. Pwede niyo na siyang makita mamaya.."



Ngumiti na lamang kami. Hinalikan ako sa noo ni Will. Pero natigilan kami ng makita namin si Jewel na papalapit narin sa amin.

Siguro naging masama ang loob ko sa kanya noon. Pero aminin ko man o hindi, siguro lahat ng inis at galit ko noon ay nawala dahil sa ginawa nya.


Bumitaw ako kay Will at lumapit kay Jewel.

Nakakapagtaka lang kung paano nya kami nahanap. Pero hindi na yun ang importante. Laking pasasalamat ko rin na dumating siya sa oras na kailangan namin ng tulong.

Hinawakan ko siya sa kamay na ikinagulat nan nya.

"Jewel... maraming salamat sa tulong mo."

"T-that's nothing." Naiiling nyang sabi at hinila ang kamay niya mula sa akin.

Naramdaman ko naman ang akbay ni Will sa akin.

"Salamat Jewel." Ani naman ni Will sa kanya.

Ngumiti sa kanya si Jewel. Pero hini rin nagtagal yun. Mukha siyang naiilang na ewan.

Umiwas naman siya agad ng may tumawag sa kanya.


"Uhmm... excuse me."

At umalis na siya. Humarap ako kay Will at niyakap siya.

***


Naging maayos na ang lahat. Nagising na si William at ngayon ay nanonood siya ng cartoons sa tv sa kwarto nya.


Napalingon naman ako sa pinto ng dumating na si Will. Kagagaling lang nya sa malapit na mall para mamili ng pagkain para sa amin.

"Sorry, sorang traffic eh." Aniya.

Mr. PLAYBOY (KathNiel) DONENơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ