V2c1: School Rumble

619 19 7
                                    

Try ko muna narration. k. Cast sa multimedia. Nakakatamad na kasi itype tas di magsesave

“Never go to bed mad. Stay up and fight.” 

― Phyllis Diller

--xx

"Back off."  Lahat ng estudyante sa claroom na iyon ay biglang nanahimik.  Dalawang salita, masyadong matalim. 

"Eh anong pakielam mo?!" Sigaw naman ng kaaway nang unang nagsalita. Halata rin ang panginginig ng boses niyo.

"Dapat tanongin mo yang sarili mo, at kelan ka pa naging tanga Paula? Oh please. " 

"Shut up, Queenie! " Nanggagalaiting wika ni Paula sa kaharap. Sa sobrang intense ng atmosphere, no one even dare to speak.

"Bunganga mo lang naman yung matabil, bakit hindi ikaw yung manahimik? Gahd." Saad ni Joshua na nakapoker face sa sa dalawang kaharap.

"Ano bang problema niyo?!" Lumapit naman si Jose, ang kasintahan ni Paula. 

"Di mo ba sila aawatin?" Bulong naman ni Ellaine kay Jasmine. "No."

Samantalang si Elise, nakamasid lang. May pakielam siya pero hindi na siya dapat makisawsaw pa. Lalong lalaki yung problema.

"Um, Let me think. Mukha niyo?" Pabalang naman na wika ni Queenie. 

Sa kabilang banda naman, si Cathrine ay nakamasid lang. Kahit kinukulit siya ni Chesca. "Huy awatin mo nga yung dalawang yun." Paulit ulit na wika nito.

"Pre, bili tayo popcorn?" Tanong naman ni Erl kay Richmond na nanonood lang at wala ring pakielam. Away babae. Away lalaki. Away bata.

"Wag na. " Richmond just shrugged. 

"Bhea, lam mo na gagawin mo." Sabi naman ni Micaela. Nakakarindi na rin kasi. Araw araw na lang iba iba man yung tao, parating may away.

Akmang sisigaw na sana si bhea pre pinigilan siya ni Elise. Hinawakan siya nito sa balikat para paupoin at pakalmahin.

"Si Babes di na nagpipigil ngayon." Tawag pansin niya kay Mikaela na katabi niya lang sa upuan.

"Go Queenie! Go Joshua! Ako nag turo sa inyo! Fighting!" Natatawa namang pagchicheer ni Tonie sa dalawa.

"Ingay mo!" Sabi naman ni Andrew kay Tonie kaya tinaasan niya ng kilay ito. "kaya mo na? Kaya mo na? Ano?! Sagot." 

"Sh, wag kayong maingay minsan na nga lang makapnuod ng live na away eh. " Pagpapatahimik ni Janine sa mga kanina pa bulong ng bulong. "Gaano naman kadalas ang minsan mo Janine? Mga three times a day?" Natatawang sabi ni Elise.

Nagulat na lang silang lahat ng may gumalabog na upuan kaya napatingin sila kung saang direksyon ito galing.

"Cath? Ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Queenie. "Hindi eh? Sige bye. Pagpatuloy niyo yan ah? Dat pagbalik ko patay na kayong lahat. Kundi ako papatay sa inyo. Kaimbyerna. " Sabay walk out nito.

"Lagot kayo sumigaw si Cath!" Sigaw naman ni Jose.

"Baka ikaw?" Tanong naman ni Richmond dito.

"Di yun sumigaw, tanga." Sabi naman ni Erl.

"Kami pa nasisi! Kayong apat yun." Si Andrew, nakikiepal lang kaya siya sinamaan ng tingin ni Jose.

Napansin naman ni Chesca na nakatingin sa kanya si Queenie kaya umiling na lang ito saka sinundan si Cathrine.

SAMANTALANG, nang mapatingin si Joshue kay Elise, halatang may ipnapahiwatig ito. Alam niyang pinapatigil na siya kung kaya't napabuntunghininga na lamang siya ng ayain niya si Queenie na umupo.

"Takot na kayo ng lagay na yan? " Paula rolled her eyes heavenwards bagay na naging dahilan para mairita si Janine. "Hindi, alam kasi nila yung limitasyon nila. " 

"Pwede din yung naisip ni Cath 'no? kami na lang sasaksak sa inyo?" Natatawang sabi ni  Andrew kaya napatahimik ang lahat. 

Una, natatakot sila sa way ng pagtawa nito. Pangalawa, alam naman kasi nila na weird ito tapos may gusto pa kay Cath. Kung baliw nga ang lalaki, pwede nitong totoohanin ang kanyang mga sinasabi kaya kinilabutan ang lahat.

Parang may dumaan na anghel. Nung lumabas ito na natatawa pa rin at gumalabog ang pinto, saka na lamang lumakas ulit yung boses nila.

"O to the M to the G. Feeling para talaga siyang psycho kung kumilos! " Sabi ni Tonie na kinikilabutan pa rin.

"Awayin mo na kasi eh. Malay mo baka ikaw yung unahin. Buena mano ang peg. " Natatawang sabi ni Joshua na hindi man lang natakot sa banta.

"Ano bang problema mo?" Nagngingitngit sa inis si Tonie. 

"Awat na. Ano walang pagod? All day, all night lang? Try niyo rin yan pag may teacher. Tignan natin kung sino yung pinakamaangas sa inyo. " Kagaya ni Andrew, binagsak ni bhea ang pinto kaya napatakip naman sa tenga si Mikaela.

"Nakakasawa na." Malungkot na sabi ni Micaela saka sumunod. Hinatak naman ni Elise si Joshua at pumunta na ring canteen.

"Alam niyo, magusap kayo. " Madiing sabi ni Richmond saka lumabas kasama si Erl.

--

HABANG pinagsasabihan naman si Joshua, walang humpay ang daldalan ng mga kasama.

"Talagang di ako papatalo dun. Asa naman." Nakangiwing sagot ni Joshua.

"Pwede bang next week naman kayo mag away? Nakakaumay na kaya." Sabi naman ni Janine habang umiinom ng nestea.

"Wag. MWF na lang kayo magaway. Sayang yung wattpad live action namin. Angst yung genre. " Pagbibiro naman ni Bhea. Na parang wala ng nangyari kanina.

"Sira, kahit everyday basta wag lang every minute. " Natatawa naman na sabi ni Elise.

"Alam niyo namang nangangati ako at di mapakali hanggat di ko naano yung dalawang yun 'no." 

"Lay low naman ng konti. Napapaghalataan eh."

"Pero nakakaloka talaga si Andrew. Katakot. " Kinikilabutan na sabi ni Janine para maiba naman yung topic. Bawat oras kasi, pag aaway na lang.

"Tinamaan na naman ng topak. Lam niyo naman yun 'di ba? Tsaka malamang magsesecond the motion. Like, duh? Cathrine yun eh." Pagsasawalang bahala naman ni Janine.

"Okay. Pero iba talaga yung pakiramdam ko. " Pagkibit balikat na lang ni Micaela.

"Feel kita." 

Killing Camp Version 2Where stories live. Discover now