CHAPTER 12:

4.8K 161 7
                                    

Sav's POV

"Urzia.." tawag sa akin ng isang babaeng hindi ko maaninag ang mukha.. Basta ang alam ko lang.. Maganda sya...

Para syang dyosa..  Kasi nakasuot sya ng puting damit at para nasa paraiso kami.. Isang lugar kung saan puro berde at asul ang makikita mo.. Napakaganda.. At ansarap ng simoy ng hangin...

"sino po kayo???" tanong ko

Pero tanging ngiti lang ang isinagot nya...

Hanggang sa bigla nalang naglaho ang paraiso at ang babaeng nakikita ko ngayon ay duguan na at naging itim na din ang kanyang damit..

O___O

Yung kaninang napakaaliwalas na lugar ay parang naging isang masamang panaginip.. Yung babaeng napakaganda at may maayos na damit ay duguan at lasog-lasog na ang damit..

At palapit sya ng palapit sa akin kaya ako walang nagawa kundi tumakbo...

"WAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!"

***

"SAV!!! GISNG!!!"

At bugla nalang akong napamulat..

Grabe!!! Panaginip lang pala!!! Wohooo... Grabe akala ko kung ano na..

"Grabe ka Sav! Binabangungot ka!! Ano bang nasa panaginip mo hah???" nag-aalalang tanong ni Ayu

"uhm wala yun.. Hehehehe" sagot ko nalang kasi ayokong pag-usapan yung tungkol dun.. Kinikilabutan kasi ako...

"naku! Kung ano man yan! Kalimutan mo na yan! Panaginip lang yan okay??" pagpapagaan ni Ayu sa damdamin ko

"oo" sagot ko at pilit na ngumiti

"oh sya.. Mag-ayos-ayos kana at papasok na tayo.." sabi ni Ayu at tumango naman ako..

***

Habang naglalakad kami sa hallway.. Rinig ko ang usapan nila.. Na kesyo daw ako yung babaeng pinag-awayan ng magkapatid na prisipe, na kesyo daw bakit ako pinag-aawayan ng dalawang prinsipe eh isa lang naman akong hamak na tao??

Haist! Ano ba kasing pakealam nila!!!

"Don't mind them Sav.. Mga inggit lang yan sayo.." bulong ni Ayu sa akin

"Heh! Ano naman ikaiinggit nila sa akin aber?!?!" sigaw ko pero sapat na yun para sya lang ang makarinig

"Ehhhh syempreee! Pinag-awayan ka ng dalawang prinsipe!" natatawang sagot nya

"Aish! Shut up Ayu!" sagot ko

***
Nang makarating kami sa room ay agad kaming umupo sa mga upuan namin..

"Good Morning Sav!" bati ni Zeon sa akin

"Good morning din" sagot ko

"Good morning Ayu!!" bati din Ni Zeon kay Ayu

"Good Morning din!" bati naman ni Ayu

Nang makaupo kami ay dumating na si Sir Dex.. At syempre tinanong ako...

"are you fine now ms. Raven???" tanong ni Sir Dex

"Yes Sir.. I'm fine.." sagot ko pero imbes na sakanya ako tumingin ay sa labas ng pinto ako tumutingin..

"ms. Raven? Are you expecting someone to arrive???" nakangising tanong ni Sir Dex

Nagulat naman ako nung narinig kong nagpipigil ng tawa si Ayu..

Gosh!!

"no sir! W-wala sir.. Hehe.." sabi ko at naupo nalang

"haha kasi Sav eh.. Sabihin mo nalang kasi na hinihintay mo yung X mo hahaha" bulong sa akin ni Ayu

"X??" takang tanong ko

"edi yung Cross mo! Duhh hahaha!" bulong sa akin ni Ayu

"Aish... Tumahimik ka na nga lang!" iritang bulong ko

"sus! Baka naman nahuhulog ka sa X mo hahaha" bulong naman ni Zeon

"grabe kayoung dalawa! Shut up na nga!" bulong ko din

"hahaha si Sav oh.. Di mo ininform sa amin na nagugustuhan mo na si Cross hahaha" pang-aasar ni Ayu sa akin

"gusto mo ilakad kita Sav??? Haha" pang-aasar din ni Zeon sa akin

Agad naman akong tumingin sa kanila ng masama..

"makapang-asar kayong dalawa?! Psh eh kayong dalawa??? Kelan nyo aaminin na gusto nyo ang isa't-isa??? Sus! Baka nga kayo pa magkayuluyan dyan eh!" pasigaw na bulong ko at nagtinginan naman sila mata sa mata at sabay na sinabi ang..

"no way!" sagot nila ng sabay

Pero seriously... Nasaan kaya sya??? Papasok kaya sya??? Gusto ko lang naman magpasalamat sa ginawa nya eh...

Vladpire Academy (COMPLETED)Where stories live. Discover now