CHAPTER 10: It's Not Easy Letting Go

1K 50 2
                                        

William POV

Hindi naman namin sinisisi si Adam sa nangyari, hindi din naman niya kasi alam na hindi pa pala nag-uusap sila Lhei at Mandy tsaka ayaw din naman niya na maging masama yung tingin ng iba kay Mandy hanggat hindi napag-uusapan at naaayos yung problema sa kanila ni Lhei.

Nang dahil don sa nangyari parang isinumpa yung buhay ni Mandy ngayon, hindi pa nga namin siya nakikia simula kanina eh maggagabi na, delikado pa naman sa labas ngayon baka mamaya kung anong mangyari sa kanya. Sa tingin ko kahit naman na kinausap siya ni Lhei agad eh ganun parin yung mangyayari. Naaawa kaming lahat kay Mandy feeling guilty tuloy kami ni Tom kasi kami yung nagpakilala kay Carmina sa parents ni Lhei, hindi naman namin alam na plano pala nilang ipagkasundo si Lhei sa para sa business nila. Feeling tuloy namin kami yung dahilan kung bakit nasasaktan ng sobra ngayon si Mandy.

ring! ring! ring!

Tumunog yung phone ko, tumatawag pala si Parker.

" Hello" sabi ko kay parker sa kabilang line.

" Sabu ni Manang nanggaling daw dito si Mandy kanina sa bahay nila Lhei." sabi niya agad sakin.

" Ano?! sige sige pupunta na ko diyan" sabi ko naman sa kanya tapos agad akong bumama at pinaandar yung kotse ko tapos umalis na ko.

Inabutan ko sila Tom, Parker, Andrea, Taffy, Adam at Lhei na seryosong nag-uusap, pati si Manang nandon din. Pinuntahan ko agad sila.

" Lhei" sabi ko kay Lhei na parang nag-aalala. Teka nag-aalala ba siya kay Mandy dahil natatakot siya na baka mapahamak o baka naman nag-aalala lang siya kasi nakukunsensya siya dahil nakipag break siya kay Mandy kaya nawawala siya ngayon.
Hindi sumagot si Lhei kaya si Parker na lang ang nagsalita.

" Galing daw dito si Mandy kanina pero nasa labas lang siya, hindi naman daw pumasok." sabi ni Parker, nilingon ko si Manang.

" Manang ano bang nangyari? Wa-wala ba siyang sinabi sayo? Hindi mo ba siya pinuntahan?" sunod sunod na tanong ko kay Manang.

" Pupuntahan ko sana siya para papasukin kasi malakas din yung ulan kanina, paglabas ko naman paalis na siya. Nilingon pa nga niya ulit si Master Lhei tsaka si Miss Carmina kanina bago siya tuluyang umalis. Hindi ko naman mahabol dahil nga malakas yung ulan eh alam niyo naman ako matanda na. Naaawa nga ako sa kanya kanina iyak kasi siya ng iyak  habang tinitingnan sila Master Lhei at Miss Carmina. " pagkukwento ni Manang sa kung anong nangyari kanina nung nagpunta si Mandy sa bahay nila Lhei. Medyo maiyak iyak pa nga si Manang habang nagkukwento siya dahil naaawa siya kay Mandy.

" So that's it! " sabi ni Andrea na parang galit na tapos inirapan niya si Lhei bago siya tumalikod samin.

" Relax Andrea, hindi pa nga natin alam kung san nagpunta si Mandy, mahirap maghanap ng hindi natin alam kung saan siya hahanapin" sabi ko tapos sumagot siya agad. " Relax?! Diyosko naman Tom! Nawawala yung kaibigan ko tapos gusto niyo magrelax lang ako! Alam niyo bahala kayo basta ako hahanapin ko si Mandy kahit saan! Basta mahanap ko lang siya! Hindj tulad ng iba diyan na nakikipag date lang sa iba habang nawawala yung kaibigan ko na minahal niya tapos bigla na lang niya iniwan kasi magpapakasal siya sa iba !" sinumbatan na ni Andrea si Lhei dahil sa galit niya, hindi namin siya masisisi kasi kaibigan niya yon eh.

" Andrea enough! Wala kang alam!" hindi sinasadya ni Parker na masigawan si Andrea.

" Sige! awayin mo ko! ang alam ko nawawala yung kaibigan ko! At kahit tulungan niyo ko o hindi wala akong pakialam! Magsama sama kayo! " sabi ni Andrea tapos umalis na siya.

" Andrea!" hahabulin sana siya ni Parker pero dire diretso siyang umalis palabas ng bahay nila Lhei.

" I'm sorry Parker, hindi ko naman gusto na pati kayo ni Andrea nag-aaway  " okay lang yon Lhei, hindi naman niya alam eh. Tsaka galit lang siya ngayon kasi nawawala yung kaibigan niya.

Napaupo na lang si Lhei, kahit siya hindi din niya alam kung anong gagawin niya eh.

Habang natataranta silang lahat sa paghahanap kay Mandy, isang babae naman ang muntik ng makasagasa kay Mandy nung palakad lakad lang siya sa daan.

"Diyosko ! Mang ben yung bata" bumaba agad ng kotse yung babae pati yung driver niya para tignan kung sino yung inakala nila na nasagasaan nila.

Unti-unting inihiga nung driver si Mandy dahil nakatagilid siya at nung nakita nung babae yung muka ni Mandy bigla na lang siyang naiyak.

" Mandy, anak" sabi nung babae.
" Dalin natin siya sa ospital bilis" agad namang binuhat nung driver si Mandy at ipinasok sa kotse.

Makalipas ang ilang oras na pag-aasikaso nung mga doctor kay Mandy kinausap na nila yung babae tungkol sa kalagayan ni Mandy.

" Doc, kamusta po yung anak ko" don't worry hindi mo naman siya nasagasaan, hinimatay lang siya dahil sa sobrang panghihina niya, tapos mataas din ang lagnat niya. And I think nagsusuffer din siya sa depression so I suggest na kumunsulta kayo sa espesiyalista para malaman kung ano talaga yung kondisyon niya. And one more thing, may pangalan siya na binabanggit, si Lhei. Siguro mas magiging mabuti yung kondisyon niya kung makikita niya ulit si Lhei.

" Sige po doctora salamat po." nagpasalamat yung babae sa doctora tapos pumasok na siya sa private room kung nasan si Mandy.

Habang tinititigan niya si Mandy naaalala niya yung mga nakaraan nila na magkasama pa silang mag-ina.

Nagising si Mandy pero hindi siya nagsasalita, nakatulala lang siya at para siyang walang naririnig. Maya maya nagsalita siya habang umiiyak.
"Si Lhei, sabi niya hindi niya ko iiwan pero iniwan parin niya ko, pareho lamg sila ng mama ko." parang pinagsakluban ng langit at lupa yung babae nung narinig niya yung sinabi ni Mandy, nasasaktan siya dahil siya yung sinasabi ni mandy na mama niya.

The Bad Boy's WeaknessМесто, где живут истории. Откройте их для себя