Chapter 1

7 1 0
                                    

"Ma, punta na po ako ng School bye bye!" Sabi ko kay mama at lumabas na ng bahay.

Simpleng buhay lang ang meron kami, malawak ang lupa namin pero maliit ang bahay namin. Hindi yulad ng iba na napaka lawak ng bahay nila na ultimong parang mansyon kung papasukin mo.

Ako nga pala si Xyrie Yce Lazaro, 'Rie' ang tawag sakin ng mga kaibigan at kaklase ko, isa akong simpleng babaeng nangangarap na masali sa isang banda.

Marunong akong tumugtog ng kahit anong instrument, bilib na bilib sakin ang mga kaklase ko pwera lang ang isa.

Siya si Jellai Flaire Enrile, kinaiingitan nya lahat ng meron sakin. Hindi ko alam kung bakit pero parang may masamang kutob ako sa kanya.

"Good Morning Rie!" Sabi ng Bestfriend ko na si Eyna Marie Cruz, naging bestfriend kami since 1st year highschool, nagtransfer siya dito nung 1st year highschool kami.

"Good Morning Eyna." Bati ko sa kanya, deretso kami sa Classroom namin at kakaunti pa lang ang tao. Umupo na kami sa proper seat namin at as usual laging maaga si Jellai at natutulog mag isa, katabi namin siya ni Eyna.

Nagkwentuhan lang kami ni Eyna hanggang mapunta sa kakaibang usapan.

"Alam mo ba na bigla na lang daw nawala si Adriel at ang huling mensahe ni Adriel ay 'Ma Sorry.' Ang creepy no?" Kwento nya, last month ng may nangyayaring ganito sa school namin, nagtataka nga ako kung bakit hindi pa nawawala si Jellai eh.

Speaking of Jellai habang kinukwento ni Eyna yung tungkol kay Adriel bigla itong nagising.

"Ay Rie punta lang ako sa Locker may nakalimutan lang akong kunin." Sabi ni Eyna at umalis, may humawak sa balikat ko at bigla nya akong hinarap sa kanya.

"Lumayo ka kay Eyna." Bigla nyang sinabi.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Basta lumayo ka na lang kung ayaw mong mapahamak ka."

"Alam mo Jellai hindi ko alam kung anong pumasok sa---"

*Bang bang bang.

Agad siyang lumabas sa classroom, sinundan ko naman siya hanggang sa mapunta kami sa Square Park may nakahandusay na katawan sa lapag, nakita kong nakatingin sa taas si Jellai at tumingin din ako sa taas, may isang lalake na may hawak na baril at nakatutok
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

SAKIN?!

Bigla nyang ipunutok at ang huling kita ko na lang ay nasa harapan ko na si Jellai.

"Bakit?" Salitang lumabas sa bibig ko.

Natamaan siya sa kaliwang balikat nya at parang hindi man lang siya nasaktan.

"Tara na sa clinic." Sabi nya at hinatak nya ako papunta sa Clinic, nagpanic yung nurse at agad nilinisan yung sugat.

"Nakakapagtaka, kay babae mong tao pero ni hindi ka man lang umaray? Anong klaseng katawan yan." Sabi ko sakanya.

"Manhid ako."

"Kahit na! Paano kung bigla kang tamaan ulit?!"

"Buti nga at tinulungan pa kita, alam mo bang pellet lang ang tinutok nya sakin?"

"H-hindi."

"Tsk. Ang hirap kasi sayo pinapaniwalaan mo yang sinasabi ng bestfriend mong makapal, akala mo inggit ako sayo psh edi wow na lang. Alam mo bang nandun sya nanunuod? Syempre hindi mo alam kasi hindi mo tinignan ang nasa paligid mo." Dere-deretso nyang sabi at umalis sa clinic.

Tomboy siya, naka panglalakeng suot siya at wala siyang pake kung anong sabihin sa kanya ng iba.

Nagtataka na lang ako sa mga sinasabi nya na hindi ko maintindihan, agad ko siyang sinundan.

"Hoy ano bang ibig mong sabihin, hindi kita maintindihan, baka naiinggit ka lang sakin kasi bestfriend ko siya." Napangisi ako sa sinabi ko.

"Ha ha ha, pinagloloko mo ba ako? Xyrie matagal na tayong magkaklase simula kinder Xyrie, simula ng dumating yang si Eyna na yan duon lang siya nag simula ng pekeng storya. Ngayon mo sabihin saking naiinggit ako, ang totoo nyan naiinis na ako kay Eyn---"

"Ano ba kasing meron kay Eyna?! Parang ang dami mong alam sa kanya na para bang isa siyang kriminal." Sabi ko, tinignan nya lang ako.

"Gusto mong paniwalaan kita sa mga sinasabi ko? Mhhh, alam ko na. Si Adriel ay present pa dito mamaya ay may sisigaw na lang. Yung taong naka handalusay duon sa Square park makikita mo manika na lang pero nung nakita mo kanina ay totoo at nagsisilabasan ang mga dugo."

Nababaliw na to.

"Kalokoh---"

"NAWAWALA SI ADRIEL!"

Project MUSICOnde histórias criam vida. Descubra agora