Tumayo ako at lumapit sa table ni Sir Ace na abala sa pagtitipa ng laptop niya.
"Sir pakipirma po ito." sabay lapag ko ng folder. Kinuha niya ito at binasa saka pinirmahan.
"Whats my schedule this afternoon?" tanong nito habang nagtitipa sa laptop niya.
"None Sir. But you have a dinner meeting with Ms. Alice Dolores." sabi ko. Tumango lang ito. Agad akong umupo sa table ko.
Ang sakit na ng likod ko haays. Kanina pa kasi ako nakatutok dito sa laptop. Di naman pwedeng magpahinga kasi binabayaran ako. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.
Napatingin ako kay Sir. Nakakunot ang noo nito. Pero ang gwapo parin. Naalala ko tuloy yung nangyari sa cafeteria na tumawa sya. Ng dahil dun dumistansya na sya saakin.
Lage na niya akong di pinapandin. Katulad lang din naman ng dati. Gaga ko talaga.
Kapag kakain sya magpapaorder nalang sya or ako ang pabibilhin niya.Napatingin ako sa wristwatch ko. Ala-una na pala! Kinuha ko agad ang cellphone ko at pumunta ulit sa table ni Sir. Itatanong ko kung ano ang kakainin niya.
"A-ah Sir Ace, ano po ang gusto niyong kainin?" napautal ako. Why?
"I don't want to eat. Im full." sagot nito na di talaga ako tinintingnan.
"Ay naku Sir di po pwede yun! Baka malipasan kayo. Teka po, ako nalang mag-oorder para sayo." tumaas ang ulo nito at tumingin sa akin.
"Tss." di ko sya pinansin at dinaial ko ang restaurant na lage naming inu-orderan.
5minutes lang ay nandito na yun kaya umupo ako sa table ko at umub-ob saglit.Diko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising lang ako ng may tumapik sa akin. Si Sir Ace."The food is here. Lets eat." sabi nito at umupo sa couch na may table na malait.
"Sorry po Sir kung nakatulog ako." nahihiyang sabi ko. Di ito sumagot. As usual.
Tumayo din ako at kinuha yung para saakin at bumalik sa ----
"Dito ka kakain." sabi nito. Minsan nagtataka na ako dito kay Sir. Palagi na kasi tong nagtatagalog. Dati naman hindi. Manonosebleed ka pa nga pero ngayun? Di naman palaging tagalog minsan lang. Hahahahaha ang gulo ko talaga."Why are you smiling?" takang tanong nito.
"Ha? Wala po Sir. Kain na tayo."
-----------------------------------------------------------------
A/N: Ang Chapter na ito ay walang kwenta hahahahaha.Please vote and comment for more updates, thankyou.
-Alexzie
BINABASA MO ANG
The Mayordoma's Daughter (COMPLETED)
General FictionSiya ay anak ng isang Mayordoma na naninirahan sa mansyon ng mag-asawang Mr. & Mrs. Silvantes. Dalaga palang ang kanyang Ina nang ito'y ipinagbuntis. At dahil naawa ang mag-asawa ay pinatuloy nila ito at ginawang Mayordoma. Nang sya ay ipinanganak...