[Chapter 9: Girlfriend]

6 0 4
                                    

Hera's POV

Hi guys! I'm Aubrey Hera Choi. Classmate, oh mali pala. Best friend ni Scarlett. Hahahaha.

Ang boring dito sa bahay namin kaya pupunta muna ako kina Scarlett. Lagi naman akong pumupunta sa kanila eh.

Sembreak pala namin ngayon kaya nasa bahay lang ako. Ano kayang magandang gawin ngayong sembreak? Nakakasawa naman kasi mag-shopping. Hayst.

~~

Nandito na ako sa bahay nila pero wala pa si Best. Nasa room pa niya ata.

"Best! Anong ginagawa mo dito?" Sabi niya habang naglalakad pababa sa hagdan.

"Ang boring kasi sa bahay eh. Dito muna ako tatambay sa inyo." Ano kayang magandang gawin? "Aalis ka ba?"

"Hindi naman." Sabay upo niya sa tabi ko. "Kuha na tayong snacks tapos akyat na tayo sa room ko."

"Okay."

Pagkakuha namin ng pwedeng kainin sa kitchen nila dumeretso na kami sa room niya. Maganda ang room niya at sobrang organized. Akala mo lalaki ang may-ari kasi light blue ang color ng wall at ng bed niya.

Kaya rin pala ako pumunta dito sa kanila kasi may gusto ako itanong sa kanya.

"Best, may girlfriend ba si Flame?" Napatingin siya sa akin ng sabihin ko yun. "Kasi Best nakita ko siya kahapon sa mall eh. May kasama siyang babae tapos nagkukulitan pa. Pero hindi ko nakita yung mukha nung girl kasi nakatalikod siya eh."

"H-ha? Baka nga? A-ano naman kung m-may girlfriend siya? Diba single naman siya." Then umiwas siya ng tingin. "Hindi naman ako umaasa sa kanya. Tsaka, Best, nagmo-move on na ako. Ayos na ako sa ganito, yung--" Nakita ko na tumulo na yung luha niya. "---nakakasama ko siya sa dance group at sa mga gatherings. Baka kasi once na malaman niya-- kung di niya pa alam, baka layuan niya ako."

"Hayst. Best. Pero may balak ka ba na mag-confess?"

"Meron. Pero kapag naka-move on na ako." Ang hirap talaga ng sitwasyon ni Best.

The One Who Stole My HeartWhere stories live. Discover now