Part 4

238 2 0
                                    



LIBRE

Habang naglalakad kami may nadaanan kaming park at may nakita kaming nagtitinda ng ice cream at street foods.

"Dito na lang kita ilibre, para mura" Sabi ko.
"Ay sige sige! Gusto ko yan" Tuwang tuwa with matching palakpak pa.

Hinugot ko na yung wallet ko sa bulsa.

"Kuya magkano kwek kwek?" Tanong ko kay kuya habang nagpupunas ng pawis.
"20 pesos po sir 4 na piraso na yun"
"Pabili nga po. Ikaw, ano sayo?" Tanong ko sa babaeng katabi ko na akala mo bumibili kami ng paboritong nyang laruan sa sobrang tuwa.
"Kwek kwek din"
"Sir, girlfriend nyo po? Gandang babae"
"Sya?" Sabay turo sa kanya na may halong gulat "hindi po kuya, kakakilala ko palang sa kanya jan sa court kanina. Di ko nga to kilala eh" sabay tingin sa kanya ng masama.
"Ay oo nga pala, di pa pala tayo magkakilala. Hihi! Anyways, hi im Shana. And you are?" Sabay abot ang kamay para makipagshake hands.
"Jak. Jak pangalan ko." Inabot ko kamay ko sa kanya at nagshake hands kami.

Habang kumakain kami ng kwek kwek. Tingin ng tingin si shana sa may bilihan ng dirty ice cream. Habang tinutusok tusok nya yung last kwek kwek nya na halos di mo alam kung kwek kwek pa ba itsura nya.

*ehem ehem* "Gusto mo ng ice cream?" Tanong ko habang pasubo na sa last kwek kwek.

Tumingin sya sakin na nakapout pa at sabay tumango na parang bata na nagmamakaawa na bilhan sya ng ice cream.

"Tara dun!" Pag aya ko sa kanya.

Naglakad kami papunta kay kuya ice cream.

"Kuya magkano ice cream?" Tanong ko
"10 lang po"
"Pabili nga po dalawa"
"Anong flavor sir?"

Nakita ko may mango at ube.

"Ube sakin kuya" Sabay turo ko dun sa ube.

Tumingin lang ako kay shana para tanungin kung ano yung sakanya.

"Ah ako?! Mango sakin"

Habang kumakain kami ng ice cream may nakita kaming nagtitinda ng lobo.

"Loboooooooo!!!!" Tuwang tuwa na pagkakasabi ni shana with matching palakpak na may pagtalon pa.

Bigla akong napatingin sa kanya na may halong gulat.

(No please!)

"Wag mong sabihin gusto mo din nyan?!" Nakatingin lang ako sa kanya
"Lobo!" Malungkot na pagkakasabi nya
"Hay anakanang lobo! Tara na nga!" Napakamot na lang ako sa ulo
"YEHEEEEEEEY!" Tuwang tuwa sa sinabi ko si shana.

Nagmumukha akong tatay nitong babaeng to. Kung ano ano gusto. Lumapit kami kay kuya lobo. Actually maganda naman yung mga lobong tinitinda ni kuya kasi puro mga cartoon characters na paborito ng mga bata. Tulad ng hello kitty, angry birds, spongebob, dora, mickey mouse, minion, pikachu at iba pa.

"Gusto ko si spongebob!" Sabay turo kay spongebob. Napatingin na lang ako kay shana.

Nagbuntong hininga na lang ako sabay turo kay kuya si spongebob. At sabay abot ng bayad.

"Salamat kuya!" Sabi ko sabay alis na kami ni shana

"Salamat sa lobo jak ah! Maraming maraming salamat!" Nakangiti habang nagpapasalamat.
"Wala yun! Uwi na tayo. Inaantok na ako eh" Inaantok na talaga ako. Sobrang nakakapagod tong hapon na to.
"Tara na!" Pag aakit ni shana.

Umalis na kami sa sa park.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Ideal GirlWhere stories live. Discover now