Chapter 16

385 9 0
                                    

Mahabang kwentuhan tungkol sa mga nangyare ang namagitan kina Miguel,Nana Sela at Ara samantalang si Alvin ay nanatiling nakikinig sa mga ito.


Sumapit ang tanghali,matapos makapamahinga nagpasya si Miguel na bisitahin ang mga Sagad at Bitag na ginawa nila ni Alvin upang matingnan kung may ligaw na hayop na huli ang mga iyon at maari nilang maging hapunan.
Gumayak si Alvin sasama sya sa binata.Habang gumagayak sila.

" maari ba akong sumama??? tanong ni Ara.

" magpahinga ka na lamang Ara kame na ni Alvin ang bahala sa makakain natin dumito na lamang kayo ni Nana Sela" aniya ni Miguel sa dalaga.

" pero Mahal ko gusto kong lage ay kasama ka sige na pumayag ka na,," pagmamaktol ni Ara.

" ai naku Miguel isama nyo na iyan,siguro ay namiss ka lang ng sobra nyang nobya mo" biro ni Nana sela.

Parang nais mabingi ni Alvin ng sandaling iyon,dahil sa narinig..."
"NOBya??? bulong ng isip nya.
Hindi maiwasang masaktan ngunit ikinukubli ang sakit na iyon ng kanyang mga ngiti...Dahil alam nyang si Ara ang nauna kay Miguel at wala syang karapatang ipakitang nasasaktan siya.

" sige na mahal" maktol pa rin ni Ara
Tinapunan sya ng tingin ni Miguel,at payak na ngiti ang isinagot nya dito tanda ng pagsang ayon na isama na nila Si Ara.

" sige sumama ka na" ani ni Miguel
Dahil sa tuwa sa narinig nayakap ni Ara ang lalake.

" salamat at pumayag ka na rin mahal ko"

Halos hindi matingnan ni Alvin ang tagpong iyon.Maang namang napatingin ang binata sa nakayukong si Alvin ..hindi nya rin matagalang tumingin dito..

" oh sya humayo na kayo,ako naman ay mamamahinga muna " pagtataboy ng matanda.

Magkakasunod na binagtas ng 3 ang kagubatan patungo sa ginawang bitag ni Miguel .
Nauuna sa paglalakad sina Ara ,at Miguel.Nasa hulihan si Alvin.Habang daan panay ang kwento ni Ara,at paulit ulit na binabanggit nito na Na miss nya ng sobra ang Nobyo.Hindi nagtagal at humawak na ito sa braso ni Miguel at magkaakay silang naglakad.

" uy Alvin magkwento ka naman" aniya ni Ara

" huh eh ..anong ikukwento ko??..naaalangang tanong ni Alvin.

" kung san kayo nagkakilala ni Miguel,alam mo ba ipinagmamalaki ko talaga itong matapang at matipuno kung mandirigma" ani ni Ara.

" naikukwento ka nga niya sa akin." maikling sagot ni Alvin.

nanatiling walang imik si Miguel..

" matagal na ba kayong magkaibigan??? patuloy ng dalaga

" kailan lang napadpad lang ako sa lugar na ito at maswerteng si Miguel ang nakakita saken" kwento ni Alvin

" mabuting tao talaga itong Nobyo ko, kaya nga napakaswerte ko sa kanya ih."

parang kurot sa puso ni Alvin sa tuwing maririnig na Nobyo nito si Miguel.

Nang marating ang mga pain laking tuwa ng 3 ng makitang may huli ang bawat bitag..naka huli sila ng 4 na manok na ligaw,nang magtungo naman sila sa ilog, may malalaking isda ring huli ang bitag nila. Marami rin silang nakuhang hinog na bungang kahoy.

" magpahinga muna tayo " suhestyon ni Miguel.

" Miguel,tara maligo tayo sa ilog parang ang sarap magtampisaw" sabi ni Ara at nagtatakbong tinungo ang ilog.

" alvin tara ang lameg ng tubig" aya ng dalaga na nagtatampisaw na .
" Mahal ko Miguel halina kayo samahan nyo akong magtampisaw"

Nagkatinginan sina Miguel at Alvin.
Matipid na ngumiti si Alvin.

LinlangWhere stories live. Discover now