Chapter 10

257 9 3
                                    


Chapter 10 - Friends

"A kiss?" Tanong ko na medyo gulat gulat pa. "So doon mo ibabase yung relasyon natin sa halik? Nakadrugs ka ba talaga?" Kung halik lang pala gusto nya bumili nalang siya ng aso tapos halikan niya.

Nakita kong sumandal siya sa upuan at sinabunutan yung sarili at tinakpan yung mata niya.

"Ahhhhh! You don't understand!!!" sigaw niya. Ako pa talaga ha? Siya nga hindi ko maintindihan eh.

"Omg and I'm not trying hard enough to understand you" sarcastic kong sabi at inirapan siya.

"Bakit ba ang kumplikado pagdating sayo?" bulong niya. "FYI kasal na tayo and you will remain my wife for as long as I say so." sabi niya na parang siya yung batas. Excuse me?

"Ah. So wala akong say dito?" tanong ko.

"As if I can stop you." sabi niya habang pailing iling. "But it doesn't mean I will listen to you. Nag all you want. I don't care. Bibili nalang ako nung pinakamahal na earphones"

Nagulat ako na naiirita. "Ikaw napaka-"

"Ikaw bahala. We can start this marriage bickering all day everyday" lumalapit na naman siya. "Or we could enjoy each other's company. Enjoyin lang natin yung marriage natin."

Tumingin siya sakin at nakatingin din ako sa kanya. Ayoko na baka saan na naman humantong tong titigan na to.

"Okay okay but can you do me a favor?" nag puppy eyes pa ko.

"Ano na naman?" biglang pag iwas niya.

"Can we take this slow please? Nakakahilo eh parang masyado tayong mabilis? Pwede bang kilalanin muna natin yung isa't isa?"

Nakita kong nagiisip siya. Seryoso? Ang dali dali naman ng pabor ko hindi naman ako humihingi ng annulment.

"Okay okay friends?" Inilahad niya yung kamay niya at nakipagshake hands. Nakipagshake hands din ako "okay friends."

Nagayos na ako at umalis na kami papunta sa amin. Feeling ko naman ay di nila ako jinujudge.

Pinark ni Joohyuk yung kotse sa harap ng bahay namin. Kinakabahan talaga ako sa sasabihin nila . Habang nagtatanggal siya ng seatbelt tinanong nya ko. "Are you okay?"

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Mas kinabahan ako pumunta sa sariling bahay ko kesa noong umalis kami sa resthouse nila Joohyuk.

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging okay?" sabi ko at tinanggal na din yung seatbelt. Pero halata nga siguro na kinakabahan ako.

Nagulat ako nang biglang kinuha ni Joohyuk yung kamay ko kaya medyo nawala ako sa sarili ko ng mga ilang segundo. Tumingin ako sa kanya at nakatitig na pala siya sakin.

"Your husband is here. I'll be beside you the whole time. Don't worry." tinanguan ko nalang siya. Dali dali siyang lumabas sa sasakyan at binuksan yung pintuan sa side ko.

"So this is how it feels when your parents doesn't approve of your relationship and you go against their will. Ganito pala yung feeling ng nagtanan" sabi niya nung binuksan niya yung pintuan habang pangiti ngiti. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ayan ka na naman eh. Manahimik ka nga." pagtataray ko sa kanya.

Ngumiti siya yung talagang abot hanggang tenga. "Ang cute mo talaga magtaray baby" sinungitan ko siya kaya bigla niyang tinaas yung dalawang kamay niya.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now